Pages

Ads 468x60px

.

Thursday, October 11, 2012

Student Blues: Tropa's Stupid Bucket List








Tapos na ang 1st sem at panahon na para iwanan ang lahat ng problema at pagnilay-nilayan lahat nang katarantaduhan sa buhay at pagsikapang baguhin ito sa susunod na semester. Medyo magiging boring ang sembreak dahil hindi ako makakapunta sa Manila, ang lugar kung saan ako talaga nababagay, at hahayaang i-decay ang sarili ko dito sa apartment para maghintay sa start ulit ng klase. Bago kami magkahiwa-hiwalay ay pinagpasyahan naming gumawa ang tropa ng isang bucket list na kailangan naming gawin before maka-graduate. 20 surreal and exciting ang nalista namin at mababasa ninyo ang aming malikhaing paglilista ng mga bagay na hindi dapat ginagawa ng isang matinong estudyante:

1.) All four members of our tropa by fourth year must have a high position in CES.
-Simula pa lang ay matinding challenge na ito para sa tropa. Malamang ay sa tropa namin ang malaki ang chance maging president/dictator ay ang chinese friend namin. Sa aming natitirang tatlo ay mas malaki ang obstacles na madadaanan dahil hindi pa sa amin makita ang leadership skills.

2.) We must make a documentary about us from 1st day to graduation day.
-So far ay palpak na kami dahil ni isang video ay wala kami about 1st sem experience. Pero walang imposible naman at pipiliting makabuo ng isang memorable video about our college life.

3.) Troll the freshmen every year.
-Bumabawi lang kami sa mga nang-troll sa amin especially sa law building. Humanda na kayo.

4.) We must live in one dorm for one sem or year.
-Malamang magiging magulo ang dorm, puro white stains sa floor, nakawan ng pagkain, at napakalaking electric consumption. Syempre aral din. :)

5.) All of us must have a summer job together by fourth year.
-Next summer ay sure na lahat kami na makakapag-summer job dahil magiging flexible ang time namin at eto lang ang madaling gawin sa listahan.

6.) Greet someone 
-Less information at baka madale kami dito. Basta surprise na po ito sa birthday mo.

7.) All members must have a girlfriend by third year.
-Sure na sure ako na ang mauuna sa amin magka-syota ay ang propeta naming babaero. Ewan na lang sa aming tatlo. Ewan na ewan na lang dahil focus muna kami sa studies na unlike sa prophet naming tropa ay ang ambition in life lang ay maka-buntis.

8.) Petition to remove Bangsamoro.
-What the FUCK. 

9.) File candidacy for SSC. (All members at least 1 must win)
-Another ambitious project for us. I hope that no one from us will be branded as a nuisance candidate. 

10.) For one week BC will speak in Bisaya and the rest of the tropa in tagalog.
-Bisag sunod semana pa ang challenge, ready na ready na jud ko.

11.) Food Trip (out of town)
-Syempre bilang pilipino ay kailangan namin i-patronize ang mga pagkaing noypi at mahahanap namin yan kung lalabas kami ng Cebu City. Siguro i-try namin ang Chickenjoy ng Consolacion, Big n Tasty sa Carcar, at ang special Piattos ng Danao City.

12.) *Censored*

13.) Cooking Contest. (Judges are classmates)
-Sana lang ay hindi malason ang mga classmates namin. If ever malason sila ay before nila kainin ang pagkain ay bentahan na ng Insurance from Sun Life. Syempre iluluto ko ang specialty ko... rice.

14.) Outreach Program.

















15.) All members must court one girl.
-Mga lalake nga naman ay gagawin ang lahat sa ngalan ng pag-ibig. Trolli
ng ba ito o pag-ibig?

16.) Marathon from SM City Cebu to Danao Fishport.
-Sa mga hindi nakaka-alam sa layo nito, 32.7 kms. lang naman ang layo nila. Sana magawa namin ito ang ang matalo ay ililibre kami. Balak ko nga na mala-triathlon ang gagawin namin: Walk from SM to Fishport, swim from Danao to Camotes, at cycling from Camotes to Mangodlong Beach para mag-relax. Pero sobrang imposible nun at malaki ang chance na ma-rape kami ng mga dolphins.

17.) Post a video in YouTube and must reach 100,00 views.
-Excluded ang sex scandal. Siguro isang short film ang gagawin namin at chances na mag-start ang shoot ay this sembreak.

18.) By 4th year, we must have a joint enterprise worth at least P50,000. 
-Dito kailangan talaga naming mag-ipon at makinig sa mga subjects namin na business-related para mag-work ang magiging business namin.

19.) Make our Chinese friend "Proud"
-If you know what I mean. 

20.) All Members must be part of the Dean's List. One must graduate Cum Laude.
-Syempre hindi naman lahat kalokohan. Dapat kasama pa rin sa achievements namin before graduation ay maging successful ang pag-aaral. Eto ang last hurrah naminat sana maging respectable ang pag-graduate namin para hindi mahirapan sa pagsalang sa mundo at maging masaya ang parents din namin.

About Me

My photo
Ako ang dahilan kaya binabasa mo ito.

Google Analytics