Pages

Ads 468x60px

.

Monday, October 29, 2012

The Final Post

Dito sa blog, marami kaming dapat baguhin para naman mas maraming readers ang pumunta sa blog namin. Alam namin na masyadong maliit ang readership shares kung gagamitin pa rin namin ay Filipino dahil magiging limitado lang kami sa mga nakakintindi nito. Nahihirapan din ako mag-sulat sa Filipino kasi nagiging paulit-ulit  lang ang format ko at maski ako nawawalan ng ganang basahin.

Sa blogger naman, salamat at dahil sa website na ito ay na-enhance ko ang capability ko para mag-sulat pero kung .com lang naman ang pag-uusapan, mahihirapan kaming ilagay sa blogger dahil karamihan ng mga .com websites ay nasa wordpress. 

Eto na rin ang huling beses na magkakaroon ako ng post na ang gamit ko ay wikang Filipino. Sa pagbubukas ng blog namin eksatong 12:01 AM ng November 1, lahat na ng mga post namin ay English at may mga schedule na sa bawat post hindi katulad dito na kung kailan lang isa sa mga writer gaganahan magsusulat.

Kaya sana suportahan nyo pa rin kami sa aming pinakabagong blog, Happy Times Today, at pipilitin naming makapagsulat ng mga bagay na magpapasaya o kaya magiging instrumento para makamit ang minimithi nating kapayapaan sa mundo. :)

Sa lahat nang bumuo nitong blog, Bryant Gonzales (ako), Fadhli Bhatkal (siya), Christian Camay (sila), Jethro Cagasan (it), at kay Marionne Yap (kayo), nagpapasalat kami at patuloy kaming magsusulat sa bagong blog dahil kung hindi kami magsusulat ay malamang walang blog. Mas maganda ang features nito katulad ng:

1.) Ang shitload 101 ay Happy Times, Random Thoughts ay iisa na lang.
2.) Mas mature na pagsusulat katulad ng A day in a life, benefits of failing college, at late run reviews.
3.) Photography? Malaki din ang chance pero wala pang schedule.
4.) 2 posts a day yan. Walang pahinga sa pagsusulat.
5.) Simple look para mas mag-focus ang mg readers sa kung anong naisulat namin at hindi sa design.
6.) Sa mga boys..... COLLEGE CHICK OF THE WEEK!!!! Every Saturday yan.

Salamat sa inyo at mabuhay si John Lennon!

About Me

My photo
Ako ang dahilan kaya binabasa mo ito.

Google Analytics