Pages

Ads 468x60px

.

Thursday, September 27, 2012

School Rage: Excuse Me!

Magkakaroon na naman kami ng fun run sa Sunday. Maagang gigising para mapanatiling aktibo ang katawan at dahil isa ito sa mga requirements sa isa naming subject. Pero para namang unfair ang nangyari sa amin. Kami ang pinagawan ng excuse letter para sa parents namin at HINDI LIABLE ang school sa mangyayari sa amin. Tama bang mang-iwanan sa ere?

Sorry kung kailangan ko itong sabihin dahil masyado naman kasing mababaw ang ginagawa sa amin. Hindi ba dapat ang nakakataas sa amin ang gagawa ng excuse letter para sa parents o guardian namin? Bakit kailangan kami pa ang gagawa? Hindi naman dahil sa katamaran namin at pagiging arogante kaya ayaw namin gawin ito pero dahil responsibilidad ng iba yan. Yan ang mga bagay na hindi dapat ginagalaw namin. 

Eto ang huli sa nangyayari sa amin. Hindi liable ang school sa mangyayari sa amin in case meron man. Talaga naman kailangan naming maging responsable pero may mga aspekto naman siguro na may panangutan ang eskuwelahan samin dahil mismong eskuwelahan ang nag-udyok para pumunta kami. Pano kung may estudyanteng aksidenteng nasugatan sa alay lakad? Problema niya ba yun at tatakbuhan na lang siya?

Alam ko hindi ito kasalanan ng eskuwelahan dahil maganda ang namumuno, may mga CR na aircon, at mababait. Pero kailangan namin kayo dito. Alam nyo naman na gagawin nang isang estudyante ang lahat para lang makakuha ng mataas na grado. Sana tulungan ninyo kami at wag iwanan.

Wala akong tinutuligsa at hindi ako nangbabanat sa kapwa dahil isa ako sa mga "walking vision-mission" ng eskuwelahan ko. (joke lang!) Isinusulat ko lang ang nararamdaman ko at ng mga kapwa ko "walkers" kasi alam namin may mali dito. Ayaw na naming maulit ito sa ibang batch dahil ayaw ko na may mag-blog na katulad nito. Gusto ko ako lang ang may ganito! Monopoly!

About Me

My photo
Ako ang dahilan kaya binabasa mo ito.

Google Analytics