Pages

Ads 468x60px

.

Tuesday, September 25, 2012

Crayon Love

Ano kaya ang feeling ng taga-La Salle at ang girlfriend mo ay taga-Ateneo?

Siguro pag summer masaya kayo. Malambing at intimate sa isa't-isa habang hinihintay magtapos ang Summer. Hassle pag pasukan na. Ikaw taga-Taft habang siya nasa Katipunan. Long Distance ang relationship dahil sa haba ng pila sa LRT at sa bagal ng agos ng mga kotse sa EDSA.

Ano kaya ang feeling pag-UAAP na?

Fixed na twice sa UAAP ang magkahiwalay kayo ng upuan sa big dome o kaya sa MOA Arena. Ikaw berde habang ang babaeng nagpapasaya sa iyo ay nasa kabilang panig at naka-asul. Sinisigawan mo at inaaway mo ang paborito niyang ibon. Habang siya naman ay minamaliit ang pana ng koponan mo. Away ba pagkatapos ng laro? Paano pa kaya kung ADMU vs DLSU pag final four at pag championship?

Ano kaya ang feeling pag nalaman ng kaibigan mo?

Hindi kaya napakahirap na ipakilala ang Atenean Girl mo sa mga die-hard La Sallista friends mo. Hindi ba mala-demilitarized zone ang dinner pag kasama mo ang mga katipunera friends niya at ikaw lang mag-isa na iba ang eskuwelahan? Hindi ba sobrang awkward na ang kwentuhan niyong kalalakihan ay tungkol sa bagong kainan sa U-belt habang ang gf mo ay nakatunganga dahil hindi ma-gets?

Ano kaya ang feeling pag pinapanaginip mo ang future nyo?

Sa Ateneo ba o Sa La Salle mag-aaral ang junior mo? Saan kaya kami ikakasal? Sa malapit sa Ateneo o sa puso ng Maynila? Hindi kaya mag-World War III pag kasal at reception nyo dahil Blue at Green na alumni at students ang bisita ninyo? Baka maisip mo na mag-imbita na lang ng mga kaibigan mula sa San Beda.

Paano kung dating taga-Ateneo ang gf mo at ikaw ay dating taga-DLSU?

Nasa puso mo pa rin ba ang galit sa Ateneo kung La Sallista ka? huhusgahan mo ba ang bf mo sa kulay ng damit at sinusuportahan sa UAAP? Kung single ka, kailangan ba hindi taga ADMU ang maging gf? Puso o Pride?

Eh kung ang crush mo ay galing sa isang Jesuit school at ikaw ay graduate ng isang karibal ng mga Jesuit?

Pride o Puso? Mamahalin mo ba siya o lalayuan dahil alam mo namang ayaw na ayaw mo sa Ateneo? Kung Atenista ka, ibabasted mo ba siya hindi dahil sa pangit siya mangligaw kung hindi dahil taga DLSU o taga-Beda siya? Asan na ang pagmamahal?

Buti na lang Carolinian ako :) Ang iniintindi lang ay kung ano ang kakainin sa Lunch at kung may barya pa para sa jeep. Pero nanghihinayang pa rin ako. Naging Leon ako habang siya ay .... God Damn it!

About Me

My photo
Ako ang dahilan kaya binabasa mo ito.

Google Analytics