Pages

Ads 468x60px

.

Saturday, December 10, 2011

Happy Times, Random Thoughts: Burger and Fries

Burger & Fries.

Ito ang super cholesterol kong agahan for 3 straight days. Ito ang pinili kong agahan hindi dahil sa ginagaya ko ang mga Amerikano pero dahil, maliban sa sili at vanilla syrup, ang laman ng aking ref.

Pagkatapos kong kumain ng malambot at kulang sa asin na fries, hindi gaanong luto na patties, at burger buns na may 1st degree burn, pinagdesisyunan kong bumalik sa folding bed (sofa) ko para matulog. Siya nga pala, Thursday yun at 4th Year High School ako.

Sa pagkagat ng dilim, lumabas ako para takasan ang mga nangangaroling at para bumili ng fries. Gusto ko na ako ang nagluluto ng french fries dahil namamahalan ako sa P25 fries ng Mcdo. Kasama ang 2 lollipop, 2 sprite, tikoy, at mantika sa itinerary ko. Hindi nagpahuli ang P100.20 Frenchies with Cheese Powder.

Adik na adik ako sa patatas. Fries, hash brown, o kahit ano basta makita ko ang "Potato" sa ingredients. Nung 2010, halos araw-araw akong bumibili ng fries with matching siomai. Merong cool sa pagkaing ito kaya madaling pumatok sakin. Syempre, madali lang itong lutuin at kainin. Bukas (Friday) ay pupunta ang "special someone" ko for the 12th time at ipapangako ko na matitinong fries with cheese ang ipipresenta ko. May balak akong ipaghugas sya ng pinggan pagkatapos nyang kainin ang lahat ng fries. Pero proposal pa lang yun.

HaPPY Times nga naman :D

Thursday, December 8, 2011

The Kennedy Report: 20 Unforgettable JFK Quotes


A war hero, senator, a father, and president .He is probably one of the most influential people in history. He is the 35th president of the United States of America, John Fitzgerlad Kennedy or known by his initials "JFK",was born on May 29,1917 in Brookline,Massachusetts and is the second son of Joseph Kennedy Sr and Rose Fitzgerald. He's also a Harvard graduate and Stanford graduate and by September 1941  he joined the U.S Navy and became a war hero. He then he became a Representative, then a senator and lastly, he became one of the greatest presidents in American history.
     
      
LISTS 20-16
20. "Without debate, without criticism, no administration and no country can succeed--and no republic can survive."
19. "Ask not what america will do for you, but what together we can do for the freedom of man"
18. "The energy, the faith, the devotion which we bring to this endeavor will light our country and all who serve it--and the glow from that fire can truly light the world."
17. "We choose to go to the moon in this decade and do other things, not because they are easy, but because they are hard."
16. "The Chinese use two brush strokes to write the word "crisis." One brush stroke stands for danger; the other for opportunity. In a crisis, be aware of the danger but recognize the opportunity."
  
LISTS 15-11
15. "In your hand, my fellow citizens, more than mine, will rest the final success or failure of our course."
14. "All..will not be finished in the first one hundred days. Nor will it be finished in the first one thousand days, nor in the life of this administration, nor even perhaps in our lifetime on this planet. But let us begin."
13. "Those who make peaceful revolution impossible will make violent revolution inevitable."
12. "If a free society cannot help the many who are poor, it cannot save the few who are rich."
11. "I believe that this nation should commit itself to achieving the goal, before this decade is out, of landing a man on the moon and returning him safely to the Earth."
    
LISTS 10-6
10. "For of those to whom much is given, much is required." 
9.  "Now the trumpet summons us again--not as a call to bear arms, though arms we need-not as a call to battle, though embattled we are--but a call to bear the burden of a long twilight struggle, year in and year out."
8."As a free man, I take pride in the words "Ich bin ein Berliner" (I am a Berliner)."
7. "A man does what he most--in spite of personal consequences, in spite of obstacles and dangers, and pressure--and that is the basis of all human morality."
6. "The world is very different right now. For man holds in his mortal hands the power to abolish all forms of human poverty and all forms of human life."
   
LISTS 5-1
5. "The great enemy of the truth is very often not the lie--deliberate,contrived,and dishonest--but the myth-persistent,persuasive, and unrealistic."
4. "Forgive your enemies, but never forget their names."
3. "A man may die, nations may rise and fall , but an idea lives on. Ideas have endurance without death."
2. "Mankind must put an end to war or war will put an end to mankind."
1. "Ask not what your country can do for you--ask what you can do for your country."
  
Sources: wikiquote, TIME Magazine, Newsweek, CNN, Listverse, and English Expressways IV

Student Blues III


 Dalawang beses ko nang inilista ang mga kasarapan, memorable, nag-paasar, sa buhay nating estudyante. Dahil sa peer pressure, magsusulat ako ng ikatlong kabanata ng Student Blues. Gusto kong ipakita naman ang mga kalokohan, katarantaduhan, at deadly na mga gawain ng isang estudyante, mapa-HS man o Kolehiyo.

   Ang topic ngayon ay medyo naka-focus sa Buhay-Kolehiyo dahil dito na buong-buo mabubuksan ang mata natin sa mga tukso. Kung kayo ay Grade School o High School student at nakaka-relate sa mga kasalanan ng isang estudyante sa kolehiyo, maglaslas ka na ng pulso at problema ka pa ng Pilipinas.
  
1. Inuman

   Sa ngayon ay hindi ako umiinom at ang alak na sa akin ay Cali. Halos karamihan ay nakapag-inuman na dahil bonding eto ng magto-tropa. Nung 2nd Year inaamin ko ganyan ako. Pero ngayon, ayaw na. Nagpaikot-ikot lang ang grado ko non. Mas pipiliin ko ang mataas na grado kesa sa maraming kaibigan. Drama.

   Karamihan ng mga umiinom ay ayaw sa gulay. Lalo na sa ampalaya dahil mapait ito. Pero kung makapag-laklak sila ng tatlong case ng beer ay akala mo naman napaka-tamis nito. Alam nyo kung bakit? Ang pag-inom kasi ay isang konsepto.

   Karamihan ng tukso ay nagsisimula sa pag-inom. May mga krimen na sa alak nagsimula. Sinisira nito ang utak mo kaya kaunting pagreregula sa pag-inom. Kumain na lang kayo ng bubog. Atlis kayo ang suspek at kayo rin ang biktima. Super Quits na

2. Sex
  
    Hindi daw kumpleto ang buhay estudyante kung hindi ka nabinyagan. Sa iba, imoral ito. Pero para sakin, kailangan ba ito? Kung gusto mong maipadama sa partner mo na mahal mo sya, maghintay ka. Pero kung alam nyong kayo ang itinakda, mahal nyo ang isa't-isa, at atat na kayo sa nagbabagang gabi, Sige lang brad!

Pero ano nga ba ang meron dito na parang kulang ang buhay kolehiyo mo pag di mo ito "nagampanan"?

    Peer pressure ang isa sa mga dahilan. Lahat na ng mga barkada mo ay nakaranas at ikaw ay tinutukso nila dahil hindi mo pa ito nagagawa. Mabagal ka raw umaksyon. Isa daw ito sa mga adventures sa buhay estudyante at parang abnormal ka raw kung hindi mo ito ma-e-experience. Syempre hindi ka nila pipilitin kung lalake ka at lalake din ang partner mo. At wag na wag mong ibabalita ang naging karanasan nyo sa Sogo Hotel.

    Pinaka-importante ang tukso. Kung talagang maganda at hot ang syota mo at dagdagan mo pa na sweet at patay na patay sa iyo, tipong dikitan ang balat nyo 24/7, aba'y talagang mapapaisip ka. At sa lahat ng kalalakihan (maliban sakin), malamang inimagine nyo na kahit isang beses ang g.f. mo na nasa harapan mo at naka..(R-18)
  
    Ayon sa aming editor-in-chief na 85% lalake, ang sex ay madulas, matigas, at masarap. Natatandaan daw nya ang first time nya. Sobrang sakit ng tumbong nya daw nun pagkatapos.

    Basta kung may balak kayo, tawagan nyo lang ako kung kailangan nyo ng mag-vi-video. Bigyan ko pa kayo ng discount at clear copy pa ang resulta.

(Wala pa akong experience. Promise!)
  
3. Cutting Classes
  
   Matapos mabagot sa klase at hindi pansinin ni Crush. Maiisip mo na maging malaya sa seldang classroom nyo. Sa pagtalikod ni Prof, dahan-dahan kang lalabas para amuyin ang simoy ng hangin. Sa paglabas mo ng campus ay mapapatalon ka dahil mas may sense ang buhay mo gumawa ng wala kesa sa mga nakakabagot na topic ni Sir. Itetext ang tropang matyagang nakikinig para lumabas at mag-jamming. Lalakad kayo mula gate ng campus hanggang sa buwan. At bigla ka na lang mapapaisip..bigla na lang gagana ang utak mo kahit di mo ito pinapagana..

Naiwan mo ang wallet mo sa classroom.

Ano ang gagawin mo?
a.) Papasok sa klase para kunin ang pitaka
b.) Mangungutang na lang dahil malakas ka sa tropa mo.

   Pero kung sadyang tamad ka para hindi magpa-uto sa aking kunwaring choose-your-own-adventures at hindi naiwan ang pitaka mo, chances are na BABAGSAK ANG GRADO MO, IKAKAHIYA KA NG MAGULANG MO, MATU-TURN OFF CRUSH MO, IIWAN KA NG MGA MATIYAGA MONG BARKADA, AT BABAHO ANG KINABUKASAN MO.

Ui..aminin..takot na sya.  :)
  
Kung cutting classes lang naman ang pag-uusapan ay hindi magpapahuli ang..
   
4. Lakwatsa
   Ang kambal ni cutting classes. Diyos ang paa mo at bihag ang pitaka mo. Mag-bibisita iglesia ka sa mga malls at pag ayawan time na dahil pagod ka na, hindi mo namamalayan na naubos na ang pera mo sa kaka-bili ng nerds sa bawat puntahan na mall. Wala kang pamasahe, magugutom ka.

   Nung 2nd Year ako ay napaka-hilig ko sa cutting classes at sa lakwatsa. Makikita mo ako sa Internet Shops, SM, Ayala, Basketball Court, Kainan, o sa bahay ng kaklase. Alam ko may isang mambabasa (out of 2) ang magtataka kung ano na ang ginagawa ko.

Kung hindi nyo pa nahahalata kung ano ang ginagawa ko ay sasabihin ko na. Naghuhugas ako ng pinggan.

  Mas pinili ko ang pagsusulat (tamang sagot) kesa sa mag-waldas ng pera. Talkshit kasi dahil ako laging nanglilibre.
  
5. Pranks
  
  Since grade 5 pa ako nang-gu-good time sa mga kapwa ko pilipino pero ngayong taon ko lang ito na-master at naproklamang hari sa mga ganitong bisyo. Masarap kasing makita ang sarili at tropang nyo na bad trip ng tadhana, pero kailangan may limitasyon ang lahat ng gagawin mo. Mahirap na kasing ma-reklamo ka sa Commission on Human Rights.

  Ang cool sa paggawa sa pranks, pag-iniisip mo ito tuwing gabi ay tatawa ka ng tatawa. Sisikat ka sa eskuwelahan nyo at pwede maging viral ang ginagawa mo at may chance na ikaw ang kunin ni Pacquiao para kantahin ang Lupang Hinirang (acoustic version).

 Para sa mga kabataang nagtatanong kung ano-ano na bang kalokohan ang mga nagawa ko, eto ililista ko at sana maging gabay ito sa mga masasama nyong balakid:

--Pinutakti ko ng Victim ang school bus mate ko dahil sinumbong sya sa crush nyang teacher, tatlong bugbog ang sinalo ko, dalawa naman ang ginanti ko sa kanya. Kaya Jose Gabriel Marty, may utang ka pa.

--Nag-submit ako ng assignment sa math na naglalaman ng mga kalokohang inisip ko mag-damag. Binigyan kasi kami ng assignment na mga critical thinkers lang ang masasagot, eh dahil nag-retire na ako sa pagiging ganun, ginago ko yung sagot. Pero hindi ko sinubmit, kaklase ko. KINOPYA nya kasi at hindi man lang nya binasa ang kinopya nya. Ayun sumikat kami, pinagrecite kami for a week, at tumaas ang grado namin sa Math. Kuna wala yun, tiyak hanggang ngayon ay kulelat parin ako sa Math. Hindi lahat ng Pranks ay masama. :)

-- Umorder ako ng softdrink para sa kaklase ko at kasabay ng pagbukas ng tindera dito ay ang pagtakbo ko naman. Talagang mahahabag ka sa mukha nya at binayad naman nya ito (pero hindi ininom). Hindi naman talaga prank yung ginawa ko, ililibre ko naman sya kaso may gago akong kaklase na biglang sumaksak sa scene at nagpabukas ng softdrink. AT AKO ANG MAGBABAYAD. Para matauhan, tumakbo ako. Binayaran ko naman makalipas ang tatlong araw.

-- Pinunit ko ang assignment ng kaklase ko sa note book nya. Na karma ako dahil dumating ang teacher namin at wala akong assignment. Buti nalang hasang-hasa na ang kamay ko sa mga mabilisang pagsusulat.

--Dinuraan, binugahan, nilagyang ng hot sauce, at sinawsawan ng gamit na tissue ang four seasons na hindi naubos ng kaklase namin. Accomplice ang bumili ng four seasons at ibang kaklase. Alam namin na may purpose ang ginawa namin. Sa isang iglap, dumating ang kaklase namin at ininom ang tira. Tawa kami ng tawa habang ni-re-refresh nya ang sarili nya. Umamin naman kami pagkatapos nya at sinabi naman nya na, "masarap naman sya!"

  Ang kaibigan kong na-good time ay napabalitang nasa US na. Ang nang-good time ay mag-isa sa Cebu. Siguro kung uminom din ako ay sure bet na nasa U.S na rin ako.
  
-- Umihi ako sa lagayan ng shampoo at sa drum ng tubig sa CR ng kaklase ko. Malaki naman ang inidoro kaso mas adventure kung sa mga exotic na lugar sa banyo ako iihi. Inamin ko after so many months ang kalokohan ko. Sa sachet daw sya kumukuha ng shampoo at ginagamit nya ang shower at hindi ang drum. Epic Fail pero laugh trip.

--Binubuksan ko ang baunan ng kaklase ko. Tinatago naman nila tinidor ko as a form of revenge.

--Kinukuha ang notebook ng kaklase at pagkatapos ay maglalagay ng ransom note sa desk nya. Habang binabasa nya ito at hinahanap sa bag ang nawawalang kwaderno, sasabayan namin ng dalawa kong kaklase sa pag-aacting na kunwari inosente kami. Kaso kilala na kami sa classroom kaya madalas kami ang unang pinagtatanungan. Kaya wala paring nagbabayad ng ransom.

  Pansamantala na akong tumigil dito dahil medyo malaki rin ang balik ng karma. Ako naman ang pina-prank. Nilista ko ito hindi para gayahin kundi para ishare ko sa inyo ang mga ginagawa ko at kung may napala ba ito sa buhay ko. Wala naman. Gayahin nyo na lang sakin ang pagsusulat. Hanep :)
  
6. Professors

  Naku po! Kagula-gulatang, mapanindik-balahibo, undeniable, ito ang pinaka-numero uno kung bakit ayaw pumasok ng mga estudyante sa kolehiyo. Lahat nag-darasal na sana di pumasok si terror prof. Balak nila na mag-bayad ng tuition, manghingi ng baon, pumasok na walang prof. Edi nasaan ang eskuwelahan nun?

  May mga bayolenteng profs na kailangan ng kaunting pag-unawa. Delayed ang sweldo, may menstruation si Sir, pinoproblema ni Ma'am ang pagbaba ng GDP, at may mga profs na hindi magiging profs kung hindi nagtatalak.

  Pero karamihan sa mga gurong pinagsisigaw ka, makalipas ang sampung taon, ay babalik-balikan mo. Aalalahanin nyo ang nakaraan at kung paano ka nakapagbago, kung kumakain parin ng bata ang prof mo, at kung may apo sa baga na sya.

  Masaya naman ang mga profs. Na-inject na kasi sa utak natin na si ganitong prof ay nakaka-bad trip kung magturo, pero dehins naman. Pinipilit na ng utak mo na ayawan sya. Isa yang konsepto. Kung nasisigawan ka, hayaan mo na lang, sadyang tanga ka lang talaga pari di-magets ang alphabet.
   

Shitload 101: Student Blues I:
http://on.fb.me/u6jzji
  
Shitload 101: Student Blues II:
http://on.fb.me/vES0Rt

Punyeta Projects


Sayang. Panghihinayang. Nauwi sa wala.
  
Ganyan ko mailalarawan ang isang napakagandang proyekto ng nakaraang administrasyon. Ito ang bubuhay sa tumitino nating ekonomiya. Ito ang maglalagay sa mapa ng Pilipinas. Dito nakasalalay ang pagkaunti ng mga mahihirap.
  
Kaso Tanga Pangulo natin ngayon...kinansela. Masyado daw itong taliwas sa kanyang adhikain.
  
  
Ang tinutukoy ko ang Bagong Nayon Entertainment City Manila o mas kilala sa generic na PAGCOR City.
  
Ito daw sana ang bagong Las Vegas ng Asya. Ito sana ang maglalagay sa Pilipinas sa mapa ng mga turista. $20 Billion ang magagasta nito. Masyadong malaki pero mas malaki ang kalalabasan ng gagawin nito.

Pero ano ba ang problema dito?

Una, eto kasi ay trip ni Arroyo. At sa bokabularyo ni Noynoy, ang lahat ng gawaing Arroyo ay masama o di kaya ay sakim.

Pangalawa, tutol ang simbahan sa mga casino. Ang simbahan ay isa sa nagpapabusog sa ispiritwal nating pagkatao. Pero kung pisikal na kagutuman ay kaya nilang ma-solusyunan, ewan ko lang. Makapag-bibigay ito ng trabaho sa mga Pilipino at wala namang labag sa simbahan dun. Ang labag lang ay ang mag-lalaro. Aminin.

Pangatlo, mahal kasi ang proyekto. Nagtitipid kasi ang administrasyon natin dahil kinain na "daw" ng nakaraang administrasyon ang lahat ng kaban ng bayan. At san naman ito napupunta? P5 Million sa MILF at P500 Million sa ABB na kilalang radical at mamatay tao. Dahil takot ang administrasyon sa baril. Baril ang "boss" nila.

At ang huli, hindi angkop ang gagawin sa estado ng bansa natin. Kasi nga, 3rd world country lang tayo at may gana pa tayong gumawa ng magagarang proyekto. Pero mga kababayan, paano tayo uunlad kung hindi tayo gagawa ng magagarang proyekto na sa kalaunan ay magpapa-konti sa naghihirap natin populasyo. Ang resulta ay ang pagtaas natin bilang 2nd World Country. Pwede na tayo nung magpatayo ng dalawang palapag na Apple Store.

  
Pero ano naman ang mabuti nitong maidudulot?

Trabaho, kayamanan, bumabahang turista, icon ng Pilipinas, at katanyagan. Ayaw ba ng gobyerno ngayon nito? Ang PAGCOR City ay hindi ilalagay sa Pasay, sa Manila, o sa Davao. Ito ay bagong siyudad na itatayo ng gobyerno. Kung gusto ni PNoy na maging tanyag sa loob at labas ng bansa, gawin nya yun. Kailangan nyang isakripisyo ang kalinisan ng apelyido nya. Ika nga, ang barko ay mas ligtas sa pier pero hindi ito iginawa para lang lumutang-lutang sa pier. Kailangan nitong lumayag at kung lumubog sya, atlis sinubukan nya. Yun sana ang magandang gawin ni PNiyog, kailangan nyang magsakripisyo. Konting tiis lang kung gusto nyang maging imortal at kung trip nya na daan libo ang pupunta sa libing nya.
  
Alam nyo kung bakit kinansela nito?

Kasi naman, paano pupunta ang turista kung sa unang tapak pa lang nila ay eto na ang madadatnan nila:
NAIA Terminal 1

at eto ang madadatnan mo:



Kawawang Pilipinas. Naging Alipinas.

Nineteen Eighty-Seven


1984

May isang probinsya na ang giyera ay araw-araw at naging parte na nang buhay ng tao, ang bawat kilos nila ay binabantayan ng gobyerno, ang pag-iisip ng bawat tao ay kinokontrol at nilalagyan ng mga maling impormasyon, at ang namumuno ay mga elitista na walang pakielam sa mga mahihirap.

Ayon sa mga Aquino, totoo itong nangyari at maraming saksi at tetestigo dito.

Pero hindi ko inilalarawan ang pamamahala ni Marcos. Ito ay kuha sa librong "Nineteen Eighty-Four" ni George Orwell.


At ang lahat ng ito ay mangyayari pagkalipas ng tatlong taon.


1987

Matapos nating piliing lumaya sa isang progresibong bansa at sa mahusay na pamamalakad, binigyan tayo ng isang konstitusyong labag sa bawat Pilipino. Ito ay ilehitimo sa kadahilanang ito ay ginawa ng mga piling taong hindi naman binoto ng mamamayang Pilipino. Pagkat inakala natin na ang bansa natin ay nasa "mabuting kamay."

Labing-apat na taon na nating pinagdudusahan ang mga mali at agaran nating mga desisyon, kay raming taon na tayong inaabuso ng mga taong naging tauhan sa paggawa ng ating konstitusyon. Tayo ang talo sa huli at ito ay magpapa-ikot lang hanggat hindi nababago ang mali ng konstitusyon. Ang dusa na nararanasan noon at ngayon ay mararanasan din ng anak at apo mo.

Pero ano ba ang mali sa papel ng 1987?

Una dito ay ang anim na taon na termino ng isang Presidente at ang multiple party system na inadopt sa 1967 Constitution. Kaya hanggang ngayon, bukas sa mga tanga at sira-ulong tao ang upuan sa pagkapangulo.

Ang konstitusyon ay ginawa para linisin ang "dumi" ni Marcos at para ibahin o tanggalin ang kanyang mga ginawa sa bawat sangay ng gobyerno. Ibig sabihin, pag nalinis na ang lahat ay wala ng bisa ito. Simula pa sa administrasyon ni Ramos ay wala ng saysay ang ating konstitusyon.

Hindi alam ng marami na ang 1987 Constitusyon ay inihulma sa mga ideolohiya na nagbibigay sa bansa natin ng hindi nakikitang diktatorya. Magiging malinis ang pangulo dahil mga mayayaman at mga sakim na tao ang namumuno at nagpapatakbo sa ating bansa. Ang lohikal na epekto nito ay ang dominanteng kultura sa Pilipinas--Kapalpakan at pang-loloko.

Dahil sa konstitusyon ay hinihikayat tayong makapag-negosyo na di nyo napapansin ay unti-unting kinakamkam ng mga tunay na anino ng gobyerno, mga sakim, mga uhaw sa mataas na pwesto, at mga taong patuloy na didikit sa bawat umupong pangulo. Dahil sa bansa natin ay hinihila tayo pababa para umunlad.

Nililimitahan lang nito ang Batas Militar. Pero meron pa bang umiiral o may bakas pa ba ng batas militar? Wala na.

Hanggat mali ang konsepto ng mga taong may pwesto sa salitang "tama" ay mananatiling uhaw ang bansa natin sa pag-unlad. Dahil kasalanan natin ito sa kadahilanang humihiling tayo na ang gobyerno ay ang mag regulate at mag control sa sektor ng pagnenegosyo para daw maprotektahan ang mga local na negosyante at ang kanilang nasasakupan. At yun naman talaga ang nangyayari ngayon, mga dayuhang namumuhunan na nabitag sa pangongotong, kurapsyon, walang dahilan na pagsampa ng kaso sa kanila, at breaches of contracts na suportado ng gobyerno.


Walang magrereklamo at walang mapipikon.

Pagkat iyan ay nasa 1987 Constitution ng Republika ng Pilipinas.

Student Blues II



Matapos kong bigyan ng sense ang sabog nyong buhay estudyante, ipagpapatuloy ko ito dahil ipinangako ko. Sa wakas, makakapag-gym na ako pagkatapos nito.

CAT
Pagmamarcha na parang langaw, magkaroon ng generic na gupit, pawisan at lahat ng kasama mong kadete ay parang mangyan sa itim, at higit sa lahat, naranasan nating mag-isip na sumali na lang sa NPA dahil sa inip sa CAT. Siguro magiging magaling tayong ekonomista, hacker, nurse, at plumber sa mga chun at marcha blues. Pero hindi ito matatakasan dahil nasa batas ito at ayaw mo naman na magkaroon ng kasalanan sa estado bago ka mag-18 taong gulang.

The Best: Alerto All The Time.
The Pest: Mistulang basurahan ang amoy ng school grounds nyo sa amoy ng mga sabog at pagod na kadete.

CAT (College Admission Test)
Kung big time ang unibersidad na trip mong pasukan o kaya ang gusto nyong pasukan ay trip magbigay ng mga exam para maka-nakaw sa inyo ng P250, welcome to the jungle. Eto ang trailer sa pagiging estudyante sa kolehiyo at kailangan kumuha ka ng mga ganito para malaman nilan na hindi sila nagpapasok ng kahihiyan at kabobohan sa kanilang kolehiyo o unibersidad. At habang nag-eexam na, nag-dadasal na ang magulang mo kung saan kukuha ng pang-matrikula sa Ateneo kahit ang average mo sa high school ay 62 3/4.

The Best: Mistulang sinaniban ka ni hesukristo pagkatapos ng exam dahil feel mo ay tama lahat ng mga bilog na tsinekan mo kasi magaling ka manghula at nakita mo ang pattern.
The Pest:Shade the correct answers.

 Earth, Wind, & Fire Drills
Kailangan alerto at poise ka sa mga sakunang na-predict na ng mga mayans. Kaya bilang handa sa eskwelahan nyo ay ipapanuod kayo ng "2012" para aware kayo na kailangan ang tulakan sa mga disasters. Sa mga Earthquake Drills kayo makakakita ng mga tumitiling brusko at mga acting ng mga boy scout na nalunod at na-rescue kahit na earthquake drill ang ginagawa nyo. Fail.

Pero kakaiba sa fire drill dahil sa labas kayo ng school kasi pangit naman na sunog na campus nyo at nasa loob kayo. Problema nga lang eh 1/8 na lang ng estudyante ang bumabalik after ng fire drill dahil ang iba'y nauna na sa computeran, umuwi, o kaya nasagasaan sa pagtakbo.

Panghuli ang sandstorm, tsunami, at zombie drill. Pero desisyon nyo na yung kung gusto nyong sumali.

The Best: Makaka-tsansing sya habang tumatakbo.
The Pest: Nahulog ka mula sa 4th floor dahil sa tulakan.

JS PROM
"Hawakan mo ang aking kamay,
 at tayong dalawa'y maghahasik ng kaligayahan.
 Bitawan mong unang salita,
 Ako ay handa ng tumapak sa lupa."
-Kay Tagal Kitang Hinintay (Spongecola)

Ang gabi na mukha at amoy disente ang mga lalake, bawat maduduming kamay ng lalake ay may rosas para ibigay sa kanilang iniirog o sa mga guro para sumipsip, at higit sa lahat, makakatuklas ka ng C2 na may halong red horse sa loob. Ang sayawan ay ikakatuwa dahil makikita mo ang kalalakihang nagtutulakan kahit na honesty ang kanta. Holding Hands ang mga tandem. Hawak kamay sina Robert at Ramon. Kabado ang pangit, halos hikain sa galak naman ang mga gwafuu at mga magaganda.

The Best: Makakasama mo si "Crush"
The Pest: Pranks ng mga tropa mo katulad ng paglalagay ng fruitfly sa kinakain mong embotido.
   
Graduation
10 Years ang hinihintay mo dito. Libo (o milyon sa iba) na piso ang nagastos ng magulang mo para lang makamit mo ang tuktok. Hirap at Ligaya. From binully to nambully. From the Terror CAT to the cute teachers. Yes! Graduation na!

"Everyday I see my dream"
-LMFAO

Ihanda na ang bagong pedicure na tuhod at bigtime na damit na ninakaw sa sampay ng kapit-bahay dahil malaya ka na sa lahat lalo na sa demonyong cook sa canteen nyo. Panibagong kabanata ng buhay mo ang kasunod. Dugo't, pasiw, libag, at sakit sa mukha ang pinuhunan mo. At tandaan! Last hurrah mo na ito para maka-iskor sa crush mo.

The Best: The Diploma. Oh! The Diploma! Sa wakas!
The Pest: Wala pang teachers ang pumipirma sa clearance mo.

Summer
Hindi ko ipagmamayabang na galing ako sa Boracay
Hindi ko isisigaw sa buong mundo na niregaluhan ka ng iPad 4 kahit wala pa ito sa market
Hindi ko isasampal sa mukha ng mga classmates ko na graduation gift sakin ng papa ko ay Trip to Macau
Hindi ko isasambit kahit kanino na binilhan ako ng condo unit sa pagiging outstanding student at anak
Hindi ko ipagkakalat na food trip galore ka buong Summer

Dahil...

May mga nag-su-summer class
May mga magulang na halik lang ang makakayang maibigay sa anak na valedictorian
May mga kaibigan ka na makasama lang kayo kahit sa kanto lang ay masaya na
May mga taong habang-buhay nakatira sa bahay na walang kuryent
May mga taong nagtatrabaho sa summer para lang makakain ang kapatid nila

Kaya bago kayo magsisi dahil di ka naka-graduate ay ilabas nyo na ang libro at tapusin na ang pagbabasa nitong walang kwentang sulat. Sayang ang lahat kung mauuwi sa none.

Student 1: Woohoo sa La Salle ako mag-aaral!
Student 2: Woohoo panalo La Salle sa basketball! Dito mo ako sa bahay at manunuod ng basketball. Ala pang pang tuition
Student 3: Buti pa sya sa La Salle. Sa vocational ako para tipid. Pag-huhusayan ko na lang.
Student 4: Trabaho muna para makaipon pang-kolehiyo
Student 5: Kolehiyo at trabaho ako.
Student 6: T***-*n*!! May kasunod pa pala ang High School?! Pagod na ko mag-aral!
Student 7: San kaya ako magkokolehiyo?
Student 8: Babasahin ko na lang ng 231 times ang Shitload 101: Student Blues I & II kesa mag-aral sa kolehiyo

(Wag tularan si Student 8!)

Good Luck sa lahat. Ako muna ay gagawa ng sequel ng El Filibusterismo. Mag-rereview din ako :)

FIN

Sabi ko sa inyo na itigil na ang pagbabasa at mag-aral

Pustahan tayo at binabasa mo ito.

Saturday, December 3, 2011

Ang mapa-pilosopikal at berdeng pag-iisip sa loob ng utak ng isang tao.

Minsan mahirap magsulat. Nakaka-isip kaagad ako at inilalagay sa papel ang lahat nang mga ideas na bumabagot sa isip ko. Hinahayaan kong mag-tae ang isip ko at hinahayaan ko lang na umapaw sa papel ang dugo ng ballpen. Pero may mga panahong hindi maka-cope up ang kamay ko sa bilis ng andar nang aking pag-iisip. Pag nasa harapan naman ako ng computer, mag-iisip ako ng mag-iisip, pero hindi ko masulat. Dahil ang excitement na nararamdaman ko sa muling paggamit ko ng aking utak ay hyper na hindi ako makapag-sulat. Minsaan iniisip ko kung sinasapian ba ako o sadyang matalino lang ako, tamad lang sa pag-aksyon.

PERCEPTION 

  Hanggang ngayon ay nangangapa pa rin ako sa lenggwahe ng Cebu, ang Bisaya. Lahat ng tao dito pinipilit akong mag-salita, minsan binabantaan na habang-buhay na akong dehins papansinin. Handa naman ako mag-bisaya, kung may magtuturo lang. Para lang akong ginawang kotse na pinipilit paandarin kahit walang makina. Nakakaintindi ako, at yun ay hindi biro. Nakakapagsalita ako ng konti, pinipilit ko kasing hanapin ang makina ng aking dila. Pinipilit kong maging Cebuano.

----------------------------

 

  Nakita nyo ang isang halimbawa na naloko kayo ng inyong mata. Ang nasa gitna ay iisa lang ang kulay kung ilalagay sila sa blankong papel. Pero dahil inilagay sila sa magkaibang kulay, naloko tayo na sila ay nagkaka-iba. Araw-araw tayong naloloko, at kung gagamitin natin ang utak ay pwede natin itong mabisto at maiwasto para hindi na maulit sa iyo at sa iba. Ang mundo ay parang larawan sa itaas, pantay-pantay tayong ginawa pero nang iniba, malalaman mo na kung sino ang mahirap at sino ang mayaman. Makikita mo kung sino ang nanloko at naloko.

---------------------------

  Bakit may mga mahihirap na kahit sobrang sipag, ay patuloy pa rin sa paghirap? Dahil walang taong nagtitiwala sa kanila. Lalo na ang may mga pwesto at mga may kaya sa buhay. Basta mahirap, magnanakaw. Patuloy yang mananaig sa mundo at milagro lang ang makakabali sa ganitong sistema sa mundo.

REASON
  
 Sa banatan lang ay ako na daw ang panalo, dahil ako ay magaling sa pamimilosopo. Ayoko lang kasi na binabato ako ng mga napaka-walang kwentang tanong. Yung tipong maski kulugo ay ma-ba-bad trip sa iyo.  May mga taong nagbibigay ng mga walang sense na tanong, kahit alam na nila ito, dahil gusto nila maka-buo ng conversation. At madalas ay maraming naloloko dito dahil gusto rin nila ng conversation.

 Kaya maraming galit sakin, dahil sa mga hayop kong sagot na talaga namang nakakaasar. Ikaw ba naman kasi tanungin ng "Kumain ka na ba?" habang nagtatanghalian ka. Kadalasan kong sagot? "Hindi kasi nag-fa-fasting ako."

 Medyo unti-unti ko nang pinapatay ang pagiging pilosopo ko matapos may magreklamo sa ginagawa ko. Pero sadyang di makapag-pigil ako pag nakakarinig ng ka-talk shitan na tanong.

"Nagsusulat ka ba Bryant?"

----------------------------

  Critical Thinker ako. Hindi dahil sa wow ako at ka-level ko na si aristotle, pero dahil sa nakamamatay minsan ang naiisip ko. Ultimo ang pinaka-the best ko nang naisip eh pagdududahan pa ng iba. Ipapaimbestiga muna nila ito sa Senado bago umoo sa aking naisip. Ibig sabihin, hindi na ako pinagkakatiwalaan ng tao. Maski G.F. ko ay di ako pinagkakatiwalaan. Para na akong mamamatay-tao sa mata nila, pero di nila alam na maski ipis ay di ko pinapatay. Lumalayo lang ako dito. At hulaan nyo na ang moves ko pag lumipad ito.

IMAGINATION
 

  Ako ang tanong mahilig gamitin ang imahinasyon. Masarap kasi ang feeling kung ano magiging resulta ng plano at kung milyon milyon na ba ang bumili sa lahat ng binebenta mo sa ebay. Madalas na nasa isip ko ay ang Bedan Plus dahil may malaki akong balak na imposible nang mangyari. Dahil hangga't nandito ako sa lugar na ayaw ko, hindi yun matutupad.

  Mas productive ako pag mag-isa. Dahil mas nahahasa ko ang pag-de-day dream at ang pag-iisip. Kadalasan ay sabay ko itong ginagawa dahil sadyang loko-loko ako. Lahat ng nababasa nyo dito ay pawang galing sa imahinasyon ko.

 Gusto ko kasing maipakita kung ano ba talaga ako sa likuran ng stage. Alam ng lahat na ako'y isang gago at happy-go-lucky guy. Pero ako ay isang lalakeng napakatahimik at mas pinipili na makapag-isa dahil mas gusto kong makipag-bonding sa aking utak.

 Siguro matagal na akong patay (literal na PATAY) kung hindi malawak ang imahinasyon ko at marami akong CD na mapapakinggan. Sila ang parang life support ko. Araw-araw lagi akong may iniisip, palaging may iniimagine. For short, may laman ang utak ko, mapa-wow man o mapa-bastos.

MEMORY
 
  Kung pinapalista sa inyo ng guro nyo ang mga pilipinong mahilig makalimot--dapat ay unahin nyo na ang pangalan ko. Simula day one ng pagsisimba ko hanggang nung nakaraang linggo, isa pa lang ang natatandaan kong homily. Pero may excuse naman ako dun. Ang homily ay isinasabuhay at nilalagay sa puso at hindi kinakabisado. Oh, punyeta that!

  Wala akong gaanong kwento tungkol sa pagkabata ko, maliban sa umiyak ako nung nakita ko si jollibee na papalapit sakin. Wala rin akong gaanong kwento sa grade 4 buhay-buhay ko. Dahil sadyang makakalimutin lang ako.

  Usaping utak sa klase. Ayoko ng nagkakabisado, ayoko ng nagrereview, at mas ayoko ang pumasok (ngayong school year lang). Lahat kasi ng kinakabisado ko, after ng grading period test, ay makakalimutan na. At sa mga nagpipipilit na maging matalino dyan, medyo wag kayo mag-ambisyon. Dahil ang pagiging matalino ay nakakadulot ng body odor.

   Kanina ay pinasok ko sa loob ang mga nilabhan kong mga cover ng mga pillows. I forgot kung ano ang cover ng dalawang pillows. Halatang kahit one year ko na itong kasama sa pag-dream ko, nakakalimutan ko ang mga kulay ng mga punda nito. Luckily, dahil I'm so galing in Guessing, nakuha ko ang color combination. And sya nga pala, habang I'm writing this paragraph, nakalimutan ko na I should not be sumusulat na pa-taglish. It's not maganda daw.

 I forgot na naman :( Bad Memory.

EMOTION
 
  Ako ang tipo ng taong bihira lang umiyak. Pinag-iisipan ko pa kasi kung iiyak ako, kung may energy ako para gawin, o kung sisikat ba ako kung ngangawa ako. Syempre lalake ako, kaya expected ang madalang na pag-iyak.

-------------------------------

  2007. Usong-uso ang friendster, ang my chemical romance, red jumpsuit apparatus, at trend na trend ang EMO. OO NA-TRY KO RIN ANG GANYANG KALOKOHAN. Puro itim, sad songs, at mga dramatic na pictures ang friendster ko dati. Ewan ko kung nauso bakit nauso yan.

  Tutol ako sa ganyang trip. Kasi may mga taong inaabuso ang pagiging EMO; Masyadong nagpapansin na. Mukhang dramatic ang mukha, dramatic ang kilos, kahit hindi naman ganito ang personalidad nila. Ang mga ganyang tao (kabataan) ay madalang magpaapekto sa sinasabi ng iba at ang resulta ay ang paglaslas.

------------------------------

  Kanino bang konsepto na pag ultimate ang sama ng loob o bad trip ay iiyak tayo? Bakit sa dinami-daming aksyon na pwedeng gawin ng isang tao para ilabas ang emosyon nila, pag-iyak pa ang napili? Pero mabuti na ng ganun dahil ang sarap ng feeling na pagkatapos mong umiyak ay napakagaan ng loob mo at makakatulog ka. Sa paggising mo ay nawala na ang lahat ng problema mo sa mundo at ang pagkakamali ng mundo sa iyo.

ATTENTION
 
  Nagkaroon ako ng isang kaklase na ubod ng papansin. Teacher's pet at self-centered. Gusto nya sya ang lider. Lider na hindi pinupulsohan ang kanyang pinaglilingkuran. Sa sobrang asar ko sa kanya ay may mga panahong napapaisip ako ng lagyan ng muriatic acid ang pagkain o tubig nya. Syempre di ko yun ginawa dahil wala akong pambili ng muriatic acid at san ko naman ilalagay yun kung sakaling magdadala ako nun?

  Nakakaasar sya BIGTIME (Hence, ang capslock). Kailangan mo syang pakisamahan hanggang sa katapusan ng school year. Pero buti na lang at nakaraos ako. Balita ko ay papansin parin sya.

----------------------------

  May nakilala akong babae nung 3rd Year ako. Ewan ko kung sang lupalok ng mundo at nakuha nya ang cellphone number ko. Tinext nya ako at dahil sa di ako sanay sa nagtetext sakin ay babae at racist ako, minura at kinonfront ko sya by text. Nung gabing galit na galit ako sa kanya, nakatulog ako for 3 hours. Sa paggising ko, may 17 missed calls sa CP ko, at lahat ay galing sa kanya.

  Naging ok kami as a friend. Kahit morning session sya at ako ay pang-hapon, nakiki-sit in sya para makasama ako. Nandun sya nung gumawa ako ng 32 chapter mini-book, at nandun sya pag may bago akong trip. At dahil ang tanging hiling lang nya ay ang atensyon ko, naging girlfriend ko siya.

  OO. LALAKE AKO AT HINDI AKO BAKLA. HUWAG PO KAYONG MANINIWALA KAY JOSE GABRIEL MARTY.
  (Naka-caps lock ito dahil gusto kong mapansin nyo ko)

Sunday, November 27, 2011

Concept

May mga bagay na palagi nating nagagamit pero mahirap ipaliwanag. Katulad ng salitang "mahirap".
Ano ba ang ibig sabihin nito? Etymology? Bakit kailangan natin itong gamitin? Bakit hindi na lang
ang salitang "pagsasayaw" ang gamitin natin para itukoy ang mga bagay na hindi madaling gawin?

Konsepto.

Ayon sa wikipedia na mailang-ulit ko nang beses babuyin,"A concept is an abstract idea or a mental
symbol sometimes defined as a "unit of knowledge," built from other units which act as a concept's
characteristics". Para sa mga bobong katulad ko, ang konsepto ay ang simbolismo ng pag-iisip natin
na galing sa ibang dimension katulad ng Pajama party sa safehouse ng mga magnanakaw. Pero san ba
ito nagsimula?

Ang konsepto daw ay iginawa nuong 1554, ipinaglihi sa balot na nahulog sa kalye nuong 1558, at
ipinanganak nuong 1560 at karamihan sa sinabi ko lang ay mga konseptong pauso o patawa.

Kanino bang konsepto ang pagdumi sa inidoro? Ito ba ay inimbento ng mga gumawa ng inidoro? Ano ba
ang misteryo ng mundo? at bakit ako maglalagay ng panandang patanong pagkatapos nito?

Para daw gumana ang konsepto, kailangan daw nating ikumpara, manmanan, at kunin ang simplisidad ng
bawat bagay para ito ay mamuo. Ngayon mga bata, may natutunan ba kayo?

May mga bagay na dahil sa konsepto ay nagkagulo-gulo na. Katulad ng mga ito:
1. Bakit kailangan nating pumila sa Mcdo para bumili ng Chickenjoy? Tayo na nga ang bibili, tayo
   pa ang pipila! Masasabi nyo bang konsepto ito ni grimace? Bakit hindi na lang transparent ang
   kulay ni grimace?
2. Bakit ako tanong ng tanong?
3. Bakit ako napa-ngisi nung may nabalitaan akong may nasibak na alarkon sa comelec?
4. Kaninong konsepto ang dinosaurs? Alam naman natin na hindi na nakita ng mga tao ang mga dinosaurs.
   Pero ang pinaka-tanong na gustong malaman ng lahat na masagot, pang ilang araw ginawa ng Diyos ang
   mga cute na dinosaurs?
5. Ano ba ang konsepto ko sa pagtalakay tungkol sa konsepto?
Ang konsepto ay araw-araw natin nagagamit pero pag tinanong natin kung paano nagsimula ang konsepto
ng isang bagay ay kadalasan wala tayong nasasagot. Nahirapan na ang mga henyo dito kaya I conclude na
kung ang mga genius nga di ito ma-decode, AKO PA KAYA?!

Natuto na akong maging loko-loko at maging matalino. Natutong umibig sa mga babae at sa mga hamsters.
Natutong kumanta para sa iba at natutong kantahan ang sarili para makatulog. Pero ano ba ang konsepto?
Ano ang kinalaman ng sinabi ko sa konsepto?

KANGKLUSYON
Ito daw ay isang pilosopikal na pakitungo natin sa lahat katulad ng ang science ang nagpapagana satin
habang ang sining ng art ay ang sensation ng mga ewan na bagay.
At sabi sakin ni plato sa panaginip:
"Bryant. Alam ko sinugo ka ng mga demonyo para magbigay ng kaligayahan sa pagsusulat. Pero please naman,
 wag mo ng patulan ang konsepto! Please!"
Ako ay nagising. Basang-basa ako. Natandaan ko nga pala na sa swimming pool ako nun nakatulog. May kasama pang mga hot girls!

Ang bedan plus ay konsepto ko para mabigyan ang mga bedista dati ng alternatibong babasahin. Nakakaasar na kasi yung Little Bedan na puro mga pauso ng isang Bumbay. Kaya gumawa ako ng solusyon na nag-resulta
sa pagbagsak ng grades ko nung grade 5.

Alam natin ang kahulugan ng konsepto. Hindi lang natin alam kung paano natin ito bibigyan ng sense.

Wise Ka?

Trending Yesterday: Panic Buying

May mga point sa isang taon na sabog ang ekonomiya, bagsak ang palitan, bagsak ang grades ng mga estudyante at maraming iba pa. Ang Panic Buying ayon sa aking kaibigan na wikipedia ay isang term "to describe the act of people buying unusually large amounts of a product in anticipation of or after a disaster or perceived disaster, or in anticipation of a large price increase or shortage."

Pero kung sakaling ganyan ang mangyari sa pilipinas..handa kaya tayo?

Baka kasi akalain nila ang panic buying eh ang haba ng pila dahil ang lahat ay gustong bumili ng "panic" na produkto. Hindi po ito produkto o pagkain.

handa kaya tayo?

Baka kasi yung iba makipila sa napakakakakakahabang pila para cool sila. Nakiki-in. Wow na wow ang dating nila. Yung tipong naka "kontrabida jacket" pa sila kung pumila.

handa kaya tayo?

Malamang mabagal ang daloy ng trapiko sa pagitan ng mga utak ng mga pulitiko. Sa senado malamang-lamang magpapatawag na naman ng imbestigasyon bago ang pagtulong.

handa kaya tayo?

Pag tinanong nyo si PNoy, malamang ngingiti yun. Mabubusog ba tayo sa ngiti nya? Sa Labi nyang nangitim?

handa kaya tayo?

Pano kung i-take advantage ito ng ating mga kalapit bansa? Ioverprice ang bigas, noodles at condoms. Eh eto ang malupit na scenario. Pano kung sugurin tayo ng Tsina?

handa kaya tayo?

Madalas sa ating mga pinoy ang habit ng pagla-last minute shopping. Yun ay isang uri ng panic buying dahil may oras ka na tinatarget. Kung ako sa inyo, December 26 pa lang, mamili na kayo ng ipanghahanda para sa December 25 ng susunod na taon. Wag yung kung kailan December 20-24.5 Bad daw yun sabi ni Ninong Manny.

Salamat at binasa nyo ito. Dahil dito, nadagdagan pa ang problema at karga ng utak nyo. Eto opinyon ko lang, gising mga pulitiko. Kayo lang naman ang bobong pinoy.

At kung sakaling namatay na sa gutom o binitay ang mga senador. Ang mainam nyong gawin ay mag-ipon ng mga kakailanganin sa bawat panahon. At pag nagkaroon ng depresyon, panuod-nuod lang kayo ng Eat Bulaga with matching iced tea and lechon na chibog.

Trending Now: Shitload 101

Wise ako eh ; )

About Me

My photo
Ako ang dahilan kaya binabasa mo ito.

Google Analytics