Pages

Ads 468x60px

.

Saturday, July 28, 2012

Student Blues: July Moments

Isa't-kalahating buwan na ang lumipas sa pagiging buhay freshman at humigit tatlong buwan bilang isang college student. Tunay ngang mabilis ang panahon at mabait ang panginoo. Dear blogger, eto po ang aking july moments:

INFESTATION - Tao din tayo na nagkakamali at nahuhulog sa mga tukso. Siyempre may mga pagkakataong kailangan din nating magpakasaya sa buhay dahil so far ay nakaraos tayo sa kolehiyo. Hindi ako gaano magkukwento dito pero eto ang tuksong masaya, malupit at masarap ulitin with moderation nga lang. Not drugs, not drink, and not smoke mga parekoy.

PRE-MIDTERMS - Nagpapasalamat ako sa mga prof namin na hindi nagbigay ng exam, sa mga prof na madadali ang exam, at lalo na sa prof kong mabait para ipa-exam ako kahit pinaghintay ko siya. Pasensiya na po Sir. Naka-uwi na ako nun at sa pagdating ko lang sa bahay na-receive ko ang notification ng prof ko para magmadali at kunin ang exam. No choice kaya nag-taxi at nagpalit ng panibagong uniform. Cool ang exam at dahil mabait si prof. at lord, nag-alay ako ng kandila at dasal sa malapit na simbahan to give thanks sa mga tao at elementong nagbigay sa aking ng 2nd chance. Syempre nag-donate din ako.

600+ - Sa wakas at lumampas na sa 600 na bilang ng viewers/readers ang blog ko. Pero naniniwala ako na 3/4 lang dun ang naligaw o kaya ay na-click ang link ko dahil akala nila ay bastos ang content ng blog ko.

WELCOME PARTY -  Eto ang party na ginastusan ng USC para sa mga freshmen na pinili mag-enrol at maging carolinian. Masaya siya kasi mas pinili kong matulog kesa sa pumunta. Bad Student talaga ako. Ako pa naman ang "Walking vision-mission" ng USC.

ECON PARTY - Eto ata ang pinaka-masaya at pinaka-liberal na party nang isang departamento sa USC. Masaya dahil may mga palaro at bogus na cash prizes (daw), ni-wrestling ako ng korean classmate sa pool, kulang pero masarap na pagkain, fine sand na may kalat-kalat na dumi ng pusa, at mababait na officers na nagtiyaga sa mga isip-batang 1st year at sa mga 1st year na masyadong advanced ang thinking skills para uminom. Sobrang saya ng party na ito. Talagang maswerte kami na may mga ganitong cool na opisyales na hindi corrupt (except kay y*p), officers na critical thinkers (lalo na si sir balili), at magaling maghanap ng locations. Nabusog kami sa pagkain, sa lamig ng panahon, sa exciting games/activities, at sa chlorine na dahilan ng pimples sa batok ko. Nagtapos ang isang araw na kasiyahan namin sa isang insidente sa bus. Secret na yun sa amin! Sana next week meron ulit!

FIRST COLLEGE HAIRCUT - Ang pina-gagong mukha ko. Nagpagupit lang naman ako dahil mukha akong basang mop pag mag-swimming ako. Kulang na lang mag-head stand ako at gawin pananggal ng semen sa floor tiles ang buhok ko.

SICKNESS - Isang araw absent dahil nilagnat sa aircon, nagka-ulcer dahil sa pag-inom ng kape habang kabado, at kunwari lalagnatin pero mas pinili maging estudyante kesa maging FAMAS Award-winning actor.

THE HIST15 MASSACRE - Lampas isang buwan na ako sa 1st year. 20 units at may flexible na schedule. Nakakadaan pa ako sa gym para mag-work out. Dahil curious ako, binuksan ko ang ISMIS ko para lang magulat at magka-mini heart attack sa sumalubong sa akin na sorpresa. Enrolled ako sa HIST15 na hindi ko pinapasukan dahil hindi ko naman alam na enrolled ako. Hassle hassle hassle dahil kung i-withdraw ko ito, lahat ng ambisyon ko sa honor ay agad mawawala sa isang iglap. Buti na lang at pepwede pa akong pumasok kahit buwan na ang inabot kong absences. Ang galing ko talagang estudyante.

LAUGHTOP - Ang laptop ko ay may sandamukal na kanta ng coldplay at beatles, games na pinaghirapan kong hintayin matapos magdownload sa torrent, at important files. Nasira at hindi gumana kaya no choice at kailangang pumunta sa SM kahit nilalagnat. Pinaayos ko naman dahil may warranty (Take note: Wala akong resibo para patunayan na dun ko binili ang laptop. Pero DUN talaga ako bumili) No choice at kailangang i-factory default ang LT ko. Nabura ang lahat ng pinaghirapan, pinagpuyatan, at pinagaksayahan ng panahon. Badtrip at hassle ang gabing yun. Nilalagnat at walang masakyan sa SM.

Ano kaya ang naghihintay sa akin sa August? I-aabduct ba ako ng Aliens? Papasa kaya sa midterms?

Saturday, July 21, 2012

Student Blues: Alak-Kape-Sugal-Babae


ALAKa mo tama

"Di mapigil ang paggalaw, nagwawala, nagdadabog
Oi pare dahan-dahan lang muntik ka nang mahulog
May taong bumubulong, meron ding sumisigaw
Meron pang nag-iingles na parang kanong hilaw
Bigla nalang natutulala, umiiyak, tumatawa
Meron ding nagnanakaw at nawawalan ng pera"

Hindi ko talaga maintindihan ang lasa ng rhum at kung bakit may mga umiinom pa ng mga isopropyl alcohol tulad ng vodka. Beer ayos pa sa akin pero lahat ng alcoholic beverages maliban dun ay hindi ko na kaya. Dalawang patak lang ata ng tequila wala na ako. Kahit ano na nasasabi, kahit saan na nakakapunta, kahit sino na kinakausap, at kahit ano na sinusuka kahit hindi ko naman nakain.

Ang alak ay ang simbolo ng blood compact sa mga college student. Eto ang barkada bond, basted remover, at party booster. Ayos ito sa mga formal drinking pero kung tsunami drinking na ang trip ko, wala na deadbol na. Pakiuwi na lang ako sa amin.

At ang pinaka-pinaka-pinaka-ayaw ko sa alak ay ang hang-over. Parang may 1-day leukemia, cancer, AIDS, SARS, at enterovirus 71 ka pagkagising. Pasan mo ang andromeda galaxy sa pagbukas ng mata mo. Hassle lalo na pag may klase ka at sinusumpong ka ng hang-over. Bad trip kasi may hang-over ako one time (matagal na to nangyari) at nasira pa isang gadget ko. Para akong sira-ulo sa SM na naglalakad na walang malay. Nakita ko na lang sarili ko na kumakain ng sizzling sisig sa foodcourt at sumakay pa-urgello. Taga-guadalupe ako. Hassle talaga.

Kape Town

Ang mainit na kape ang nagbibigay ng karagdagang enerhiya at instant LBM sa mga college students. Pero ewan ko kung sadyang nalululong ako sa droga para uminom ng uminom ng iced coffee. Sa dinami-dami nang nainom ko na Coffee Twist, isang beses pa lang itong tumalab sa akin. Sobrang lakas din ng tama nun para magising ako hanggan alas-kwatro ng umaga. Take note at 9 AM ang pasok ko. Hassle din kasi tumalab siya kung kailan ko hindi naman kailangan.

Siguro hindi naman kailangan magkape at magpakapuyat nang mga estudyante sa pag-aaral. Kung midterms at finals ang exam kinabukasan ay kailangan yan dahil maganda kung preparado ka sa matinding pagsusulit. Pero kung nagpapakapuyat ka para lang sa 15-item quiz bukas, mabuti siguro na pumasok ka na sa rehab.


Sugal ng Kapalaran


Kung poker o sweepstakes ang inaasahan mong mababasa dito ay ibibigo ko po kayo. Ang ikukwento ko sa inyo ang mga sugal ng bawat estudyante sa kanilang mga desisyon. Kakain ka ba sa Jollibee dahil lang sa aircon o sa canteen para makatipid? Mag-aaral at matutulog ka ba sa library  o pupunta sa malapit na computer shop para maglaro ng 5-on-5 Minesweeper o Hello Kitty Online? Magrerecite ka ba ngayon sa PE o hahayaan na lang na iba ang sumagot sa tanong ng prof. dahil ubod ka ng yabang at naniniwala ka sa sarili mo na critical thinker ka? Babasahin mo ba itong blog na kapupulutan mo ng aral at kalokohan o magbubukas ng incognito window para mag porn?

Importante na tama at naayon sa gusto mo ang mga desisyon mo. Siyempre hindi naman palagi na aral lang ang inaatupag mo. Kailangan din na may barkada ka at nakakapaglaro ka, nakakanuod ng sine, at nakaka-facebook. Maganda kung all-in-one na tao ka at hindi one-sided nerd o computer addict. (Pansamantala ko pong itinitigil ang blog na ito para makiramay ang lahat sa kaluluwa ng namatay na ipis na ilang-ulit pinapatay ng papa ko)

Balik sa topic natin…

Ayon kay Christian Camay na graduate ng Harvard, ang desisyon ay importante para matahak natin ang landas na para sa atin ay tama at angkop sa naiisip nating kinabukasan. Saludo ako sa iyo na mas pinili mong basahin ang blog na kapupulutan mo ng aral kesa sa mag-droga at mangutsilyo ng kahit sinong taong madatnan. Saludo ako sa’yo parekoy!

BABAE 

Bilang future economist ng Republika ng Pilipinas, hindi ata nararapat sa akin na mang-chicks right now because my wallet can only fulfill my desires. Syempre tayo muna kakain bago chicks, tayo muna magpapakasaya bago chicks, at masarap maging bachelor diba?

Siyempre kailangan na ilugar ko sarili ko. Mukha nga lang akong kahera sa San Carlos Drugstore tapos mangangarap pa ako ng bigtime sa mga babae? Syempre bad yun dahil nasa pamantasan tayo para mag-aral at hindi para mang-hablot ng chickas para may kapaling sa kama. Hindi naman ako ganung lalake diba mga ex? :D

Kwentong Tsina

Dapat pala mga Chinese ang itatawag natin sa mga taong ipinanganak sa Tsina. Medyo insulto din pala sa kanila ang "intsik". Ewan ko kung bakit pero sa pag-bigkas pa lang nito ay parang nakakabagot nang pakinggan.

Medyo kumukulo ang dugo ng mga Pilipino sa China dahil sa pinagkakagawa nila sa ating teritoryo. Ako naman nababadtrip dahil ang sama ng lasa ng crackers nila. Kahit pa sabihin mong IMPORTED basta ang sagwa ng lasa, no thanks na lang sa susunod. Ok lang naman kung may onion chives pero para namang may 11 secret herbs and spices ata yung cracker. Opium, powdered fetus, at aso ata ang isa sa mga ingredients nun. Pero syempre wala ng tatalo sa uberrrr na sarap ng mga dimsums nila. Positive thinking na lang tayo.

Isa sa mga ayaw ko sa China ay si Marionne, ang aming kaklase. Dahil sa kanya nag-vanish ang P700 ko. Balita ko binulsa daw niya. Joke lang syempre at brother ko yan eh. I love you yao ming! Bitch please!

Tarantado din yung mga ibang nagbabalak na wag tangkilikin ang mga produktong tsina. Seryoso mga parekoy?! Bakit sa tingin nyo ba sa Germany galing damit nyo? Sa tingin nyo ba Pinoy nagpauso ng ngohiong? (Isa sa mga lolo ko ang nagsimula ng ngohiong. YAP) Ang mga plastic ba na pinaglalagyan niyo ng pagkain at dumi ng sanggol ay pinasture sa New Zealand? Hindi natin kayang mabuhay na hindi tumatangkilik sa mga bagay at pagkaing tsina. Back to the cave na naman tayo niyan.

Good News: Ang bagyong Ferdie ay papuntang China! REVENGE!

Saturday, July 14, 2012

Student Blues: June Moments

Sa unang "official" buhay college ko, medyo nanibago ako sa environment ng normal na sem sa summer term. Parang mas masarap pa ang buhay summer term dahil talagang college na college ang mga activities. Talagang transition pa from high school to college ang nakaraang buwan.

Nagka-problema kaming magbabarkada kung saan kami kakain. Puno at mainit ang canteen, SRO ang pungko-pungko, mahal ang fast food, at hindi maganda mag-skip ng lunch. Buti na lang at nadiscover namin ang Jerrys Chicken malapit sa Philippine Christian Gospel School. Lasang chickenjoy sya at cool sa kanila dahil may gravy. Halos isang buwan nang laman ng tiyan namin ay mga manok, siomai, at ngohiong.

Sobrang laki ng pinagbago ng ugali ko kung ikukumpara sa 4th year at summer term ko. Sobrang independent ako nung nag-summer classes ako sa USC. Ngayon parang mahirap maka-survive kung mag-isa ka lang at walang barkada. Medyo maingay ako at bihira mag-english. Nako sobrang tahimik ko nung summer at 80% ata ng mga conversation ko ay in English. Sorcery?

Magastos ngayon. Sobrang magastos. Sa una sa mga KFC, Mang Inasal, at Jollibee kami. Magastos at matao kaya lumipat kami sa Jerrys. Mura ang pagkain pero napapamahal parin kami dahil napaparami kami ng order. Matuksong Manok talaga naman.

Nawalan na din ako ng gana magsulat. Nawala na yung pagka-creative ko sa mga bagay. Nawala na yung pagka-leadership ko sa mga blockmates. Nawawalan ako ng ganang mag-aral in advance sa mga topics. Medyo mahiyain ako ngayon dahil bawat gagawin mo ay mapupuna. Hindi naman tayo perpekto.

Ang pinaka-ayaw ko lang ay hinuhusgahan ang iba sa eskwelahan nila. Kaya medyo nakakailang dahil isang taon ako sa public. Akala nila tanga ako at kaunti lang ang alam. Hassle minsan.

Naiskolar pa ako last week. Edi mas malaki pa ang pressure. Kailangan pakapalan para maka 2.0. Kailangan magsikap ulit para makamit ang pangarap ko na kay hirap abutin--ang pagpapagupit sa Bench Fix Salon. Hindi talaga bagay sakin ang moptop na buhok.

About Me

My photo
Ako ang dahilan kaya binabasa mo ito.

Google Analytics