Pages

Ads 468x60px

.

Thursday, October 2, 2014

Isang taong pananahimik

October 3, 2014 nang isinulat ko itong blogpost. October 14, 2013 ang huling post ko sa blog ko. Halos mag-iisang taon na kinalimutan kong magsulat para mag-lakbay patungo sa daan na hindi ko inaakala na EDSA pala sa tindi ng trapik, pasikot-sikot, at batang hamog.

Pero ano na ba nangyari sa isang taong pananahimik ko sa blog na ito?

Kung papansinin ninyo na ang huling post ko (liban na lang sa TEDx post), tungkol ito sa pag-ibig. Tatlong buwan matapos kong isulat iyon ay nagka-girlfriend din ako sa wakas. Ni isa sa dalawang babae na leading lady ng happytimespilipinas ay ang kasalukuyang nobya ko. Wala pala sa Economics ang pag-ibig kundi nasa Accountancy. Baduy ang buong paragraph na ito.

Naging Presidente ako ng Economics Society, VP-Internal ng Safety First, at VP-External ng SBE Council. Sa aking obserbasyon ay nalaman ko na ang pagakyat ko sa posisyon ko sa SangKarlos ay katumbas din sa pagtaas ng absences ko. Pasensya na pero hindi ako ang lider na magiging inspirasyon nyo dahil focus ko muna ay matupad ang kakulangan ng mga organisasyon ko. Kung gusto nyo ng inspirasyon ay pumunta kayo sa Sto. Rosario o maghanap ng crush. I have some issues to settle wika nga ng paborito kong guro.

Nagka-TEDx din sa wakas sa Cebu. May post ako sa ibaba nito at tinatamad ako magbigay ng link.

Sira na rin laptop ko matapos ang tatlong taon na naging saksi sa pagsusulat, pagpupuyat, at pagpoporn ko.

Lumipat na kami ng bahay at sa wakas ay may bahay na kami sa Cebu na maipagmamalaki naman na sa amin talaga. Take note: May Swimming pool pa tinitirhan namin kung saan madalas ang mga seksing Italian at American.

Nagmahal na ng dalawang piso ang spaghetti sa Jollibee.

TOCSO na ang Datalogics Society at sikat na sikat na sa kanilang spin-off na USC All Access. Nawa'y gabayan sila ng Panginoon sa mabuti nilang programa at sana hindi nila makalimutan kung saan sila nagsimula.

May tabloid na ang Today's Carolinian na simula 1st year pa lang ay pinapangarap ko na gawin nila.

Dumating yang PUTANG-INANG Yolanda na yan at NALINDOL pa ang Visayas.

Nagkasunog sa Lorega kung saan nag-donate ang Economics ng 1 box ng instant noodles na na-expire din dahil nakalimutang idonate ng SSC.

Meron na rin akong cabinet sa loob ng kwarto kung saan ay may mini-locker sa loob. Ano ang laman ng saradong mini-locker? Libro at susi ng mini-locker. #HustisyaPare

Nabuhay ulit ang Eraserheads at may dalawang Salvador na pinepeste ang MYX Daily Top 10. Dahan-dahan lang sa mga boto ninyo. Bumalik na rin ang MTV kung saan ay 50% Nadine Lustre/James Reid, 30% Chicser, 10% All of me ni John Legend, 5% Reality Show, at 5% matinong music.

Tatlong bagsak na subjects dahil hindi ko pinapasukan. Oo student-leader ako pero tao rin ako at bumabagsak at tumatae sa CR malapit sa schotel.

May google sticker na rin ako sa wakas.

Depressed ako lately dahil sa pagsasara ng GeCube.

May girlfriend na ako. Oops, nasabi ko na nga pala.

Sa mga masugid na mambabasa ng blog ko, hindi ko maipapangako na palagi akong magsusulat dahil nakikihiram lang ako ng laptop at walang garantiya na may pera ako sa mga susunod na araw para pang-load sa mabagal na broadband stick. Kukwentuhan ko na lang kayo pag nagkita tayo.

Student Blues: TEDx

Matagal na rin ako nung huli akong nakapagsulat – hindi ko na nga maalala ang buwan kung kailan may naiambag ako sa blog na ito. Sa huli kong pagsulat at sa kasalukuyan na isunusulat ko, maraming nangyari sa buhay ko na hindi ko inaakalang magiging parte ako o di kaya ay naagawa ko. Sa madaling salita, nagging busy ako.

Isa sa mga kumain sa oras ko ay ang preparasyon ng grupo namin para sa pagdaraos ng TEDx. Sa mga hindi nakakaalam, ang TEDx ay isang pagpupulong sa larangan ng Technology, Entertainment, at Design. Ako ang punong organizer (tree organizer) at masasabi ko talaga at ng ibang mga puno dyan na pinuputol na hindi kadali ang pagkuha ng lisensya para makuha ang TEDx. Parang Big Brother, Survivor, Amazing Race, at iba pang localized reality shows ang TEDx na kailangan mong kumain ng uod sa hirap para lang makuha ang mga nabanggit na programa. Ang pinaka-highlight ng TEDx ay ang mga speakers na aming iniimbita para ilahad ang mga “Ideas worth Spreading” nila na dapat ay related (ano Filipino ng related) sa aming tema na “The Butterfly Effect.”

Ngayon, bakit Butterfly Effect ang tema? Akala ng iba ay selebrasyon ito ng LGBT. Hindi pero na-plano ko nung summer pa na imbitahin si Arjay Mercado na kasalukuyan ay USC (SSC) President ng U.P. Diliman para ilahad naman ang perspektibo ng LGBT Community sa aming tema. Yun ang tema kasi gusto naming i-celebrate (ano Filipino ng celebrate?) ang mga naiambag o idea ng mga speakers na kahit maliit lamang o hindi napapansin ay nakakaambag ng malaki at tumutulong para i-hulma ang “Grand Picture.”

Nobyembre ko nakuha ang plano para mag-organize ng ganitong event (ano Filipino ng event?) at nag-apply (ano Filipino ng apply?) para sa lisensya sa TEDxCebu. Mag-isa akong nagplano at gumawa sa sponsorship kit pero dumating ang ika- 17 ng Pebrero, ang event date, pero wala man lang akong nakuhang tugon sa TEDx. Ang nangyari: gmailusername@yahoo.com ang nakalagay ko at hindi gmailusername@gmail.com. Kung hindi lang sa katangahan ko ay Pebrero pa lang ay may TEDx na sa Cebu.

Pero blessing in disguise din ang kapalpakan ko. Malapit ko na sanang makuha si Lourd de Veyra at kung nagging speaker sya ay madali na ring makuha si Ramon Bautista. Pebrero nung namatay si Tado kaya biruin nyo na lang ang sakit sa ulo at coma na idudulot nito sa akin kung mag-decline sila sa huling minute. Buti na lang diba?

Pebrero 17 din nung sinubukan kong kunin ang lisensya sa TEDxUniversityofSanCarlos. Mas maganda ang application form ko at @gmail.com na ang email address na isinulat ko. Isang linggo matapos kong ipasa ay sumulat sa akin ang TEDx para sa isang interview sa Skype.
Biruin nyo, kauna-unahang interview ko sa buong buhay at kano pa ang mag-iinterrogate sa akin. Trenta minutos ang interbyu at parang nasa impyerno ako nung panahon na yun. Maayos naman ang interbyu – nasagot ko nga at naidepensahan ko kung bakit “Trailblazing” ang tema sa TEDx. Ang kinabahan ako ay paputol-putol ang paguusap naming dahil mala-dial up ang bagal ng broadband ko.
Pero pumasa naman tayo matapos ang dalawang buwan na paghihintay. TEDxUniversityofSanCarlos din ang kauna-unahang event na ioorganize ko. Tinanong ko sarili ko kung paano ang isang inexperience (Filipino ng inexperience?) na katulad ko ay makaka-organize nang isang matinding event.


(Itutuloy kung may oras ako)

About Me

My photo
Ako ang dahilan kaya binabasa mo ito.

Google Analytics