Pages

Ads 468x60px

.

Friday, May 25, 2012

Student Summer Blues

Sa wakas at tapos na ang summer classes namin. Makakapag-summer na ako! Isang araw lang ang nakalipas pero parang namimiss ko nang pumasok. Ang sarap din ng buhay sa kolehiyo. Aircon, good friends, good foods, at wi-fi.

Marami akong natutunan sa summer classes ko sa Pamantasan ng San Carlos. Eto ang mga natutunan ko sa nakalipas na isa't kalahating buwan sa loob ng unibersidad.

(Babala: May mga bagay na mga Carolinians lang ang makakaintindi)

1. Ang wi-fi ay nasa left side lang ng library. Bente ang one hour na computer rental sa library. Pero hindi inuuwi ang nirentang computer. On the spot gagamitin. at wag na wag na wag magchacharge ng laptop sa mga sockets ng library. MAY BAYAD.

2. Mabaho ang cup ng nilalagyang iced tea sa isang kainan. Wag aamuyin. Mas ok ang mga "silogs" na pagkain kesa sa budget. Wag kakalimutang lagyan ng suka ang tapa, catsup ang itlog, at magreklamo pag walang kutsara.

3. Masarap matulog sa library at sa ibaba ng kolk's nook.

4. Huwag mag-shooting sa labas ng campus. Maraming snatcher at pakielamero

5. Tumawid kung green na ang pedestrian crossing sign. Wag na wag mag-jaywalking lalo na kung carolinian ka. Ultimate Nakakahiya.

6. Hindi porke't may iphone, mayaman na.

7. Magandang shooting venues para sa Rizal Course ang Waterfront Lahug, Plaza Independencia, Fort San Pedro, at USC-Talamban

8. Sumunod sa panuto. Pero kung iniisip mong ginu-good time ka ng prof mo sa grado, puntahan at magreklamo. This is a democratic country.

9. Ang communication ay isang two-way process. Natutunan ko yan habang sinasabon kami ng prof sa faculty.

10. Huwag na huwag maiinlove kaagad-agad. Marami pang babae/lalake lalo na pag regular sem na.

11. Kung matalino ka pero sabog sa recitation, sa unahan ka umupo. Kung gusto mo naman palaging natatawag ng guro sa recitation, sa gitna naman umupo. Kung matalino ka at makapal ang mukha sa recitation, inirerekomenda ko ang pinaka-dulong row sa pag-upo.

12. Ang pinaka-favorite na website ng Carolinians maliban sa 9gag ay ISMIS.

13. No-no ang cramming. Sasabog ang utak mo. Promise.

14. Kung focus na focus ka sa pag-aaral, mawawalan ka ng gana sa lahat ng bagay. Nawalan ako ng gana mag-basketball, magsulat, at mainlove. Hindi ko pala kayang mai-manage ang lahat ng bagay.

at ang pinakahuli kong natutunan,

15. Umuwi kaagad pagkatapos ng klase dahil mahirap na sumakay kung tatambay ka pa ng pitong oras sa USC. Huwag na huwag uuwi sa kalagitnaan ng klase. Babahain ka ng tanong ng prof. mo kinabukasan.

Excited na akong pumasok sa regular sem. Lalo na at may advantage ako dahil incoming freshman pero nakapag-summer na. Dahil habang kinakapa ng mga magiging kaklase mo ang first week ng klase, ako naman ay chillax na. LEGGO!

Tuesday, May 8, 2012

Student Blues, Random Thoughts

Ang pumasok sa summer term before maging freshman ay isa sa pinaka-challenging sa buong buhay ko. I need to cope up with different things that I wasn't used to. Mga kaklase mo graduating na sa college. Lahat sila may experiences na sa buhay kolehiyo at alam na ang pasikot-sikot sa pamantasan. Ako naman, parang mangmang at parang bagong panganak na kinakapa ang lahat.. Well, marami din naman tayong natutunang bagay.

1. Umupo sa gitna ng klase dahil mas madalas kang matatawag ka sa recitation. More points = Higher Grades
2. Mas may sense ang P50 mo kung igagasta mo sa combo meal kesa sa shawarma rice. Main meal, side dish, rice, iced tea, and soup ang sa combo meal. Mas busog ka pa at hindi nakakahinayang ang pera mo.
3. Masarap matulog at gumamit ng Wifi service sa library. Libre nga sa internet pero banned ang blogger sa school ko. Bitter naman nila.
4. Compliment everything na ginagawa ng Prof mo. Tip: Wag na wag bibiruin ang prof kung negative ang sasabihin. Bad yun
5. Magsimba kung may time. Magsimba kung may simbahan sa school. Magsimba kung may relihiyon ka.
6. Masarap umabsent after Midterms. Pero hindi ko ginawa kasi compressed ang lahat sa Summer. Mawala ka na ng one day ay equivalent na sa dalawang araw. Magmumukha kang mangmang kinabukasan

Happy Times nga naman sa USC :D

Wednesday, May 2, 2012

Happy Times, Random Thoughts: Kuwentong Midterms

Bukas na ang simula ng midterm exams namin para sa summer term. Sa sobrang thrill ko sa kahihintay sa araw na ito, nakalimutan kong mag-aral!

Bukas na ang exam namin para sa Literature 1 at meron pa namang lamang mga literatura ang utak ko. Kaunting hampas sa pader na lang ang kulang at handang-handa na ako. Sa biyernes naman ang exam para sa History 17 aka Rizal Course. Mamaya na ako mag-aaral at ineexpect ko na essay type ang ibibigay samin. At kung dehins essay type, singko sure bet ang makukuha ko.

Sa susunod namang linggo ang Filipino I exam namin. Kung bakit hindi ngayong linggo, aba'y sikreto na yan. Maraming mga petsa ang kailangang kabisaduhin kaya dapat nang mag-aral bukas. Siyempre nag-aral din naman tayo kahit papaano nuong weekends.

Kaya medyo hindi ako aktibo ngayong araw dahil sa mga preparations ko sa presentation namin bukas sa HIST17, exam sa LIT1, at imaginary exam bukas sa FILI1 para pampakaba sa sarili. Kaya kaunting sakripisyo lang ngayon gabi.

Tambak TNT. Ano ba yan!

About Me

My photo
Ako ang dahilan kaya binabasa mo ito.

Google Analytics