Pages

Ads 468x60px

.

Saturday, May 11, 2013

Nangangarap sa alapaap


Nag-iiba na talaga ang lipunan natin. Ang mga tao ay hinihimok ang mga namumuno ng pagbabago na pag dumating naman ay tututulan nila. Para bang kwento ng isang babaeng pinilit baguhin lahat ng kung anong meron ang nobyo nya pero sa kalauna’y hiniwalayan nito dahil hindi na niya kilala kung sino ang lalakeng sinagot niya noon. Bawat kandidato ay binabaha tayo ng mga pangakong walang kasiguraduhan kung paano nila ito maisasakatuparan. Puro pangako pero walang pangarap sa bayan. Basta makaupo, olrayt na.

Bilang isang tao, nangangarap din ako ng mga bagay na gusto ko mangyari o mapasaakin. Pinapangako ko ang sarili ko na hahanapan ng solusyon ang mga pangarap ko para matupad. Pero, ang pangako ay napapako at ang pangarap ay may limitasyon. Kay hirap nga namang mag-isip!

Isa sa mga pangarap ko sa buhay ay makatapos ng pag-aaral sa Film. Mahal ko naman ang napili kong kurso pero may mga iba pang mga bagay na pwedeng magawa sa kolehiyo ang ninanais ko. Film, journalism, creative writing, at history. Naniniwala kasi ako na Malaki ang potensyal ng mga Pilipino sa larangan ng pag-likha ng pelikula. Isang sining na dapat i-take advantage dahil bumebenta sa mga dayuhan ang kahit anong may kahirapan o sekswalidad na tema. Hindi naman siguro masamang magkaroon ng sariling bersyon ng Rigodon. Nagamit ko na nga ang natapos sa kolehiyo, napasaya ko pa ang “Bernardo Carpio” ko.

Binabalak ko rin na pagsilbihan ang taumbayan. Pamunuan at maging instrumento ng pagbabago. Ako naniniwala ako na nagsisimula ang lahat sa pagdidisiplina. Problema nga lang, nakapako na sa bawat Pilipino ang takot nab aka maulit ang bangungot sa huling parte ng Administrasyong Marcos. Pero kailangan din natin ng kaunting kaayusan dahil hindi man lang nagkaroon ng magandang produkto ang inaabuso nating kalayaan. Palyado na nga konstitusyon natin, palpak pa tayo sa kung paano natin bibigyang kahulugan ito.

Pangarap ko na iiwan ko ang Pilipinas na isang ordinaryong taong tumakas sa hirap ng buhay at bumalik, with Master’s Degree, para iahon sa putikan ang Pinas. Putikan? Naka-dalawa na nga tayong investment grade. Iahon natin ang mga nasa slum areas. Para lang axe, “Leave a man, come back a hero.”

Siyempre pangarap ko rin na meron akong bachelor’s pad, umaga-tanghali puro negosyo o kalakalan, gabi-gabi rigodon. Alam ko masyadong kasing taas ng alapaap itong pangarap ko pero hindi naman masamang mangarap, diba? Mabuti nang sinubukan kesa naman lumuha dahil lumiko sa maling daan.

Speaking of daan, naniniwala ba kayo sa 12-0 tuwid na daan?

Pangarap ko na itong bansa na ito ay ititigil na ang walang saysay na mga koalisyon. Pinipilit nila na mapuno ang labin-dalawang kakandidato. Siyempre kung pipilitin mo, meron talaga diyang mga incompetent. Bigyan na nating halimbawa si Grace Poe (TP) at Nancy Binay (UNA). Pinilit ni amo kaya napalunok na lang. Tumatakbo lang naman ang karamihan para sa pork barrel at sa iba pang daan para kumita. Tingnan niyo dito sa Cebu City. Kay ganda ng Osmena Boulevard tapos biglang iaaspalto ulit. Kung hindi ba naman tanga at TraPo ang mayor? Bawal ba ang mga elekyon prusisyons na makaka-abala sa daan? O eto si current congressman, nag-hakot at pinagprusisyon ang mga nahakot sa isang 4-way street na maraming dumadaan at itinaon pa sa oras na pauwi na ang mga pagod sa trabaho! Kailang ba magiging mature ang mga kandidato? Personalan sa Maynila, bangayan sa Taguig, pataasan ng ego sa Masbate, batuhan ng akusasyon sa Laguna, at patayan sa Abra. Buhay nga naman kay lungkot.

Pero sa kahit anong kahinaan ng mga kukote ng mga kandidato, huwag na huwag kayong mahihiya na Pilipino kayo. Masarap maging Pilipino. Maging proud tayo sa Mayon Volcano, Las Pinas bamboo organ, Enchanted Kingdom, at ang blog na Happy Times Pilipinas. Pasalamat tayo na hindi tayo pinanganak sa Timor Leste, Papua New Guinea, at sa walang kwentang China. Tadhana ang naglagay kung asan tayo kaya tadhana rin ang magdadala sa pag-angat ng bawat buhay ng mga Pilipinong umaasa na may pagbabago rin.

Huli kong pangarap ay sana tumigil na akong ma-inlove. Kahit tatlong buwan lang munang bakasyon sa matinik at mapang-akit na pag-ibig. Pero parang imposible ata. Ang bait at ang ganda mo kasi eh. <3

About Me

My photo
Ako ang dahilan kaya binabasa mo ito.

Google Analytics