Pages

Ads 468x60px

.

Thursday, June 14, 2012

Eraserheads Reunion Part III

Maraming tao ang gustong gusto makita muli ang Eraserheads na magtanghal para sa mga umiidolo sa kanila. Marami namang gusto silang mag-record ng isa pang album. Pero pagbibigyan ba sila ng mga Heads?

Ako ay isang fan ng E-Heads. From Ultra to Reunion DVD meron ako. Pirmado ni Raims ang album, kabisado ang mga kanta, at may mga alam na facts about them. Pero ayoko na silang gumawa pa ng isang album kahit na libo-libong fans ang humihiling. Dahil hindi na magtutunog Heads ang kanilang bagong album at hindi papatok mga kanta nito. Masyado nang iba ang tunog ni Ely sa pupil kumpara nuon. Ang gusto ng tao ay ulit-ulitin nila ang El Bimbo ng isang-daang beses. Pero kung gagawa ng panibagong album? Parang hindi naman.

Ang gustong marinig ng tao ang lumang Eraserheads. Ang pagmumura sa pare ko, float downstream na alapaap, epic el bimbo, beatlesque spolarium, at bagsakan na maskara. Kasalanan din ng mga fans ang pagka-break up nila. Tumigil na sila sa pagsuporta pagkatapos mailabas ang Cutterpillow. Nakalimutan na nila ang Eraserheads.

Sinasabi nila na hindi na masayang tugtugan ang naririnig nila mula fruitcake hanggang carbon stereoxide. Ika nga ni Raimund, "Bumibigat na ang tugtugin." Parang hindi pa sanay nuon ang tao sa pag-iba ng tunog ng 'Heads. Siyempre naman kakalabas lang nila ng El Bimbo tapos mag-aala-American ang tunog nila. 

Kung reunion concert part III naman, siguro magbigay ulit sila ng huling concert. Para sa kahuli-hulihang pagkakataon makita sila ng mga Peyups na sumuporta sa kanila nung nagsisimula, mga supporters nila dati club dredd, at sa bagong henerasyon kung gaano kaimportante ang musika nila noon at ngayon. 

Tamang panahon ang pagbubuwag nila. Bagong milenyo at napaglilipasan na sila ng musika. Kahit sumabay sila sa malakasang tugtugan, hindi na sila papatok. Dahil nasanay ang tao sa malambing at madaling sabayan na tugtugan. Pero rock? No way ang fans diyan.

Pinakahuling punto sa pag-disband nila ay maganda na binitin nila ang tao sa musika nila. Doon sila nagkaroon ng legacy. Parehong-pareho sila sa Beatles na kada taon may album, kanilang kanta palaging nasa radyo, at maagang nadisband. Dahil kung nagpatuloy parin sina Ely, Raims, Buddy, at Marcus ngayon, malamang tumanda at nalaos na banda na sila. Maaalala lang sila ng mga Pilipino na "Noon maganda ang E-Heads kaso pumangit na rin at boring ang kanta." Pero hindi, maaga rin silang nawala. Kaya nagkaroon ng Legacy ang E-Heads sa pagiging magaling na banda. Magaling silang nagsimula at magaling nagtapos.

Mabuhay ang Eraserheads!

About Me

My photo
Ako ang dahilan kaya binabasa mo ito.

Google Analytics