Pages

Ads 468x60px

.

Sunday, November 27, 2011

Concept

May mga bagay na palagi nating nagagamit pero mahirap ipaliwanag. Katulad ng salitang "mahirap".
Ano ba ang ibig sabihin nito? Etymology? Bakit kailangan natin itong gamitin? Bakit hindi na lang
ang salitang "pagsasayaw" ang gamitin natin para itukoy ang mga bagay na hindi madaling gawin?

Konsepto.

Ayon sa wikipedia na mailang-ulit ko nang beses babuyin,"A concept is an abstract idea or a mental
symbol sometimes defined as a "unit of knowledge," built from other units which act as a concept's
characteristics". Para sa mga bobong katulad ko, ang konsepto ay ang simbolismo ng pag-iisip natin
na galing sa ibang dimension katulad ng Pajama party sa safehouse ng mga magnanakaw. Pero san ba
ito nagsimula?

Ang konsepto daw ay iginawa nuong 1554, ipinaglihi sa balot na nahulog sa kalye nuong 1558, at
ipinanganak nuong 1560 at karamihan sa sinabi ko lang ay mga konseptong pauso o patawa.

Kanino bang konsepto ang pagdumi sa inidoro? Ito ba ay inimbento ng mga gumawa ng inidoro? Ano ba
ang misteryo ng mundo? at bakit ako maglalagay ng panandang patanong pagkatapos nito?

Para daw gumana ang konsepto, kailangan daw nating ikumpara, manmanan, at kunin ang simplisidad ng
bawat bagay para ito ay mamuo. Ngayon mga bata, may natutunan ba kayo?

May mga bagay na dahil sa konsepto ay nagkagulo-gulo na. Katulad ng mga ito:
1. Bakit kailangan nating pumila sa Mcdo para bumili ng Chickenjoy? Tayo na nga ang bibili, tayo
   pa ang pipila! Masasabi nyo bang konsepto ito ni grimace? Bakit hindi na lang transparent ang
   kulay ni grimace?
2. Bakit ako tanong ng tanong?
3. Bakit ako napa-ngisi nung may nabalitaan akong may nasibak na alarkon sa comelec?
4. Kaninong konsepto ang dinosaurs? Alam naman natin na hindi na nakita ng mga tao ang mga dinosaurs.
   Pero ang pinaka-tanong na gustong malaman ng lahat na masagot, pang ilang araw ginawa ng Diyos ang
   mga cute na dinosaurs?
5. Ano ba ang konsepto ko sa pagtalakay tungkol sa konsepto?
Ang konsepto ay araw-araw natin nagagamit pero pag tinanong natin kung paano nagsimula ang konsepto
ng isang bagay ay kadalasan wala tayong nasasagot. Nahirapan na ang mga henyo dito kaya I conclude na
kung ang mga genius nga di ito ma-decode, AKO PA KAYA?!

Natuto na akong maging loko-loko at maging matalino. Natutong umibig sa mga babae at sa mga hamsters.
Natutong kumanta para sa iba at natutong kantahan ang sarili para makatulog. Pero ano ba ang konsepto?
Ano ang kinalaman ng sinabi ko sa konsepto?

KANGKLUSYON
Ito daw ay isang pilosopikal na pakitungo natin sa lahat katulad ng ang science ang nagpapagana satin
habang ang sining ng art ay ang sensation ng mga ewan na bagay.
At sabi sakin ni plato sa panaginip:
"Bryant. Alam ko sinugo ka ng mga demonyo para magbigay ng kaligayahan sa pagsusulat. Pero please naman,
 wag mo ng patulan ang konsepto! Please!"
Ako ay nagising. Basang-basa ako. Natandaan ko nga pala na sa swimming pool ako nun nakatulog. May kasama pang mga hot girls!

Ang bedan plus ay konsepto ko para mabigyan ang mga bedista dati ng alternatibong babasahin. Nakakaasar na kasi yung Little Bedan na puro mga pauso ng isang Bumbay. Kaya gumawa ako ng solusyon na nag-resulta
sa pagbagsak ng grades ko nung grade 5.

Alam natin ang kahulugan ng konsepto. Hindi lang natin alam kung paano natin ito bibigyan ng sense.

Wise Ka?

Trending Yesterday: Panic Buying

May mga point sa isang taon na sabog ang ekonomiya, bagsak ang palitan, bagsak ang grades ng mga estudyante at maraming iba pa. Ang Panic Buying ayon sa aking kaibigan na wikipedia ay isang term "to describe the act of people buying unusually large amounts of a product in anticipation of or after a disaster or perceived disaster, or in anticipation of a large price increase or shortage."

Pero kung sakaling ganyan ang mangyari sa pilipinas..handa kaya tayo?

Baka kasi akalain nila ang panic buying eh ang haba ng pila dahil ang lahat ay gustong bumili ng "panic" na produkto. Hindi po ito produkto o pagkain.

handa kaya tayo?

Baka kasi yung iba makipila sa napakakakakakahabang pila para cool sila. Nakiki-in. Wow na wow ang dating nila. Yung tipong naka "kontrabida jacket" pa sila kung pumila.

handa kaya tayo?

Malamang mabagal ang daloy ng trapiko sa pagitan ng mga utak ng mga pulitiko. Sa senado malamang-lamang magpapatawag na naman ng imbestigasyon bago ang pagtulong.

handa kaya tayo?

Pag tinanong nyo si PNoy, malamang ngingiti yun. Mabubusog ba tayo sa ngiti nya? Sa Labi nyang nangitim?

handa kaya tayo?

Pano kung i-take advantage ito ng ating mga kalapit bansa? Ioverprice ang bigas, noodles at condoms. Eh eto ang malupit na scenario. Pano kung sugurin tayo ng Tsina?

handa kaya tayo?

Madalas sa ating mga pinoy ang habit ng pagla-last minute shopping. Yun ay isang uri ng panic buying dahil may oras ka na tinatarget. Kung ako sa inyo, December 26 pa lang, mamili na kayo ng ipanghahanda para sa December 25 ng susunod na taon. Wag yung kung kailan December 20-24.5 Bad daw yun sabi ni Ninong Manny.

Salamat at binasa nyo ito. Dahil dito, nadagdagan pa ang problema at karga ng utak nyo. Eto opinyon ko lang, gising mga pulitiko. Kayo lang naman ang bobong pinoy.

At kung sakaling namatay na sa gutom o binitay ang mga senador. Ang mainam nyong gawin ay mag-ipon ng mga kakailanganin sa bawat panahon. At pag nagkaroon ng depresyon, panuod-nuod lang kayo ng Eat Bulaga with matching iced tea and lechon na chibog.

Trending Now: Shitload 101

Wise ako eh ; )

About Me

My photo
Ako ang dahilan kaya binabasa mo ito.

Google Analytics