Pages

Ads 468x60px

.

Monday, October 14, 2013

Nakilala ko siya sa Retorika

Hindi naman talaga kami magkaka-tabi ng upuan. Pinaupo ako sa ikalawang hanay at siya sa una. Napakalayo ng distansiya namin pero wala akong pakielam nun. Hindi ko pa talaga siya kilala noon. Ang pakielam ko lang ay matapos itong pinasukan kong klase at sawang-sawa na ako sa Filipino.

Algebra Class. Miyerkules. Nasa pang-apat na hanay ako sa pinaka-kaliwa. Nakikipag-usap ako sa isa kong kamag-aral ng isa sa kanila ay sabihin sa akin na, "Ang ganda nung nasa harapan." Tumugon ako na, "Yung nandun?" "Hindi! Yung katabi niya!" huli ko lang nasabi ay "Oo nga no? Tara puntahan natin" Hindi namin nagawang puntahan siya dahil lahat ng puwersa namin ay nasa puso at ngiti namin.

Retorika. Nagtaka kami na bakit iba na naman ang guro namin. Pangalawang professor na namin ito at kinakabahan kami na baka i-dissolve ang klase namin dahil sa konti ng estudyante na pumasok. Yun pala, may shuffle na naman sa aming klase. Ang una niyang ginawa? Ibahin ang seating arrangement. Mula sa pa-hanay na ayos ay ginawang pa-hilera. Nagulat ako dahil naging katabi ko siya. Oo nga, tama ang kaklase ko. Napakaganda niya. Yung ngiti niya, kakaiba. Nag-usap kami ng bahagya at may nalaman akong kakaunti sa kaniya. Ang alam ko ay pareho kami ng kurso at kaka-shift pa lang nya noon. Tanda ko ay inaaya ko siya na pumunta sa Acquaintance Party namin pero hindi pa siya desidido noong panahon na yon.

(Hindi siya pumunta sa Acquaintance Party)

Ang sarap pakinggan ng boses niya, nakakapanghina ng tuhod ang mapusok nyang ngiti at pinatigas niya ang katawan ko sa kakaibang ganda niya. Parang napana ulit ako.

Nakilala ko siya sa Retorika

Isang araw, iba na naman ang guro namin sa Retorika. Mas namangha ako sa klase namin dahil nakaka-tatlong guro na kami dito at wala pang nangyayari sa buhay namin maliban sa pinagawa kami nang nagdaang guro ng tula tungkol sa Pamantasan namin. Dahil dun, ibang seating arrangement na naman. Sumama loob ko kasi akala ko nung sandali na yon na mas magkakakilala kami. Mula noon ay hindi ko na siya nakakausap sa Retorika. Sa ibang klase namin, oo. Pero parang hindi ko naisulit ang panahon namin sa Retorika na halos wala kaming kakilala sa klase na yun at pwede ko siya ma-solo. Ma-solo

Nakilala ko siya sa Retorika

Halos madalas ang absences ko sa Retorika dahil boring at, hindi sa nagmamayabang, alam ko na ang kahihinatnan nito. Hindi ko talaga lubos ma-isip na bakit tatlo ang Filipino namin sa Economics at iisa lang ang Psychology subject namin. Ang binigay sa amin bilang Final Project ay gumawa ng sanaysay at isaulo. Natuwa ako dahil hilig ko ang pagsusulat ng Filipinong sanaysay pero kahinaan ko ang magsaulo ng bagay dahil sa maliit kong pasensya. Napili ko ay tungkol sa pelikulang Pilipino. Inabot ako ng dalawang araw para matapos at dalawang linggo para isaulo ang dalawang pahinang sanaysay ko. Malungkot nga lang isipin na akong chillax na lang habang siya'y nangangapa pa sa pagsusulat. Hindi ko siya kayang matulungan dahil hindi sa lahat ng panahon ay may udyok ako sa pagsusulat.

Sa araw ng pagtatalumpati namin, dalawa kami sa mga kakaunting estudyanteng nag-costume. Nagulat ako dahil nandun para mag-sit in ang isa kong kaibigan para siguro makita siya at hindi para makita ako. Isa siya sa mga naunang tinawag. Tungkol sa teknolohiya ang kanyang sanaysay. Pero wala akong pakielam dun dahil ang talagang tinitingnan ko lang ay ang ganda niya. Hindi ko makakalimutan na siya ang babaeng nakilala ko sa Retorika.

Malapit na tumunog ang bell namin kaya sinabi ko sa guro namin na ako ang susunod sa napakaraming estudyanteng nagtalumpati na. Napansin ko na isa o dalawa lang ata ang sinaulo ang sanaysay nila. Over-prepared ata ako. Nang tinawag ako, talagang kinabahan ako hindi dahil baka pumalpak ako pero dahil nasa harapan ko siya. Masasabi ko na natuwa ang klase sa nakakatuwang sanaysay ko. Natutuwa ako sa tuwing maririnig ko siyang tumawa lalo na sa parteng sinabi ko na, "Basta cleavage lang, solve na ang Pilipinas." Naughty girl ata ito. Sinabi ng kaibigan ko na napansin niya na natuwa siya sa itinalumpati ko. Masaya na ako doon.

Sa pagtatapos ng klase namin ay nilapitan ko siya para magpa-litrato. "Pwede favor? Tutal magshi-shift ka naman, pa-picture tayo at last day ko nang makikita ka." Pumayag siya at sa pinaka-unang beses ay meron akong litrato niya. Nakasama ko siya, nakausap, nakatawanan, at ngayon ay may ala-ala pa ako sa kaniya.

Kahit sino pang lalake siya mabighani, saan man siya dumako, makakakilala siya ng magpapasaya sa kaniya, makakarining ng magandang sanaysay, mapunta sa ibang kurso, ay hindi ko pa rin siya makakalimutan na siya ang pinaka-masaya at magandang babae na nakita ko. At hindi ko siya makakalimutan dahil siya ang dalagang nakilala ko sa retorika.

Saturday, October 5, 2013

Malaya at tamang pamamahayag

Importante talaga sa buhay ng Pilipino ang panonood ng telebisyon lalo na kung para makasagap ng balita. Sa mga news programs sa free TV sa Pilipinas, masasabi ko na habang tumatagal ay mas gumaganda ang set ng kanilang studio, dumarami ang mga inilalagay na technology, nag-iiba ang pamamaraan ng balita, at nag-iiba na ang inilalaman ng kanilang pagbabalita. Pero nakakalungkot isipin na para bang nagiging mas importante ang TV ratings kaya mas ibinabalita nila ang mga walang saysay na balita pero mas nakakaakit ng mga mata kesa sa mga napaka-importanteng kaganapan na para bang “boring” sa mga tagapanuod. Kaya talamak na sa mga usapin sa mga social media site (Facebook, twitter, livejasmin, at tumblr) na ang media, kesa sa pakainin pa ang utak natin ng mga masusustansyang balita, ay minanipula na tayo at pinipili na ang balita kung saan pabor ito sa mga paniniwala ng network station.

Hindi ako naniniwala na sinasadya ng mga mamamahayag sa telebisyon na manipulahin ang pag-iisip ng tao. Talagang nag-iba na ang mga balita na ginusto ng tao na marinig. Natatandaan ko nung bata pa ako na siksik ang TV Patrol noon sa mga balita tungkol sa mga tinapon na bangkay, krisis sa Mindanao, at mga ginahasang babae. Pero ngayon, hitik na ang mga nightly news programs sa mga balitang viral katulad sa mga memes kay Napoles, selfie ni Pope Francis, at hindi naaagnas na bangkay ng isang bold star. Hindi natin sila masisi dahil kung pumatok ito at pinag-usapan sa cyberworld, ibabalita nila ito sa telebisyon dahil malamang ay papatok ito at pag-uusapan sa mga kabahayan.


Nakakalungkot lang isipin na may mga tagapag-balita na binabaluktok ang balita para Makita ng taumbayan na ang mga reporters ay ang superhero ng bayan. Nitong 2013 ay sobrang natutuwa ang mga tao sa facebook nung mabalitaan nila na 7.8% ang GDP Growth ng Pilipinas. Nabalita ito pero binaha ito ng mga negatibong pagbabalita. Biruin mo ay may isang reporter na hindi alam kung ano ang GDP at kung ano epekto nito pero may tapang pa rin para magbigay ng opinion nya na wala itong silbi dahil marami parin ang naghihirap at palpak ang gobyerno. Oo talagang talamak parin ang kahirapan pero sana naman ay may naipakita siyang kabutihan na ginawa ng gobyerno para matiyak ang isang impresibong paglago n gating GDP. May isa pa ngang news anchor na ang topic ng show nya ay tungkol sa GDP growth pero ang pinakita ay puro pagsulpot ng mga casino at ang epekto nito sa ispiritwal at sikolohiyal ng isang tao. Kaya nagtataka ako na ano ang relasyon ng 7.8% GDP Growth sa isang casino na katabi lang ay eskwelahan. Iyan ang palpak na pagbibigay impormasyon.

Thursday, August 29, 2013

College Blues II

Second Year - First Semester.

Biruin nyo, yung bata na pinatayo for 1 hour dahil sa walang saysay at mapanirang malikhaing pagsusulat ay inatasan na ngayon bilang mamahala sa newspaper ng School of Business Economics. Hindi naman sa nagmamayabang, sa katunayan, mas marami yung hassle kesa sa perks ng pagiging E-I-C lalo na kung marami kang plano na baguhin ito. Pero dun tayo sa side ng "perks." Syempre dahil "boss" na ako ng isang maliit na pahayagan, may rason na ako para gabihin o kaya para bigyan ng adequate space para pagnilaynilayan ang isinusulat.

Speaking of adequate space...

Pumunta tayo sa pag-ibig. Tutal itong topic ang nagpa-boost ng readers sa blog na ito, pag-usapan na rin natin ito at may kaunti akong ikukwento kung paano ako pumalpak tumago kay kupido.

Kung ako at ang critical thinking skills ko lang ang masusunod, no-no ang magka-irog sa panahong marami akong extra ginagawa + ang mala-impyernong minor subjects na pinipilit magpapansin sa mga estudyante na ang focus ay ang kanilang major subjects. Lalo na lalake ako kaya hassle sa part ko na walang nagbibigay ng chocolates, teddy bear at walang nanglilibre sa dinner dahil ako dapat nagpoprovide nun. Hassle diba?

Hindi ko talaga alam kung bakit ko nasabi yung mga matatamis na salita sa kanya. Ayon kay Ginoong Ramon Bautista, may tatlong parte ng ating pagkatao ang humuhubog sa magiging feelings natin sa isang babae: Utak, Puso, at Bird. Pero wala sa isip ko na gusto ko siya, walang sparks para tumibok ang puso ko sa kanya, at dormant ang bird ko. Hindi naman ako nasa impluwensiya ng droga at kumakain naman ako sa tamang oras, pero hindi ko talaga alam kung paano siya lumabas sa bibig ko. Paasa moves pero hindi ko ginusto na paasahin sya. Siguro si kupido yung nagdudroga.

----------

Pinaka-hassle talaga na subject ko ngayon ay ang chemistry. Biruin nyo, 4 hours and 30 minutes na puro chemistry-related-pero-no-relation-sa-economics-para-lang-magamit-namin-ang-laboratory-kasi-center-of-excellence-ang-science-department-ng-school-namin. Medyo madali nga lang ang chemistry lecture lalo na kung usapang molarity lang. Walang recitation kasi may kupal kaming kaklase na hindi Econ major na puro salita. Alam namin magaling ka pero...ano...pero tang*na ka lang. Ok na rin yun kasi willing sya mag-recite, mag-sagot ng exercises, at mag-waste time sa klase namin. Wala kaming magagawa at siguro hilig lang nya ang chemistry at yun lang ang kaligayahan nya maliban sa paglalaro ng mga barbie games sa PSP nya.

Sa Chemistry Lab, hassle talaga kung may lecture dahil hindi conducive for learning ang mainit na laboratory. Syempre hindi kami pwede magpa-request na ipa-aircon sya at malamang walang liliyab na bunsen burner kung magkaganun. Ok naman yung mga experiment except sa mga instances na ganito:

1. nagliyab yung part ng bunsen burner kung saan yun ang on/off ng burner. Napa-WTF kami ng partner ko nun.

2. Dahil absent ang partner ko, solo ako nag-perform ng experiment. Sa lakas ng apoy, muntikan nang masunog kilay ko. Buti walang nakakita.

3. Nawala daw namin yung isang vial. Eh wala naman binigay kasi na vial na ganun at wala kaming intensyon na nakawin siya. Kasalanan daw namin dahil hindi namin nireport yung 15 minutes pagkatapos namin makuha ang experiment kit. Oo kasalanan namin pero ayusin naman sana nung mga working scholars yung trabaho nila para hindi kami napapahamak. Alam ko P12 lang yung vial pero mabigat pa rin sa'kin na kami ang nagbabayad sa kapabayaan ng iba.

4. Matapos kaming mag-sunog ng copper wire, bigla itong nawala. Akala namin nag-evaporate o kinuha ng Poong Maykapal. Yun pala, nag-camouflage sya sa color brown naming experiment kit box. Nag-aksaya kami ng 15 mins. para lang dun.

Overall, masaya ang Chemistry class dahil nasa campus siya kung saan maraming kainan. Kung wala sina manong at manang na nagluluto ng panlaman-tiyan, malamang hindi enjoyable ang Science subjects namin.

----------

Memorable din ang Retorika class namin ni Ginoong Rodrigo Davide. Napakaraming kababalaghan na nagpapawala sa antok namin lalo na at napaka-lamig ng silid-aralan. Halos walang session nya na natuto kami at natuwa dahil sa galing nya sa pagtuturo.

1. Dahil may pagsusulit, pinaghanda nya kami ng yellow pad "back-to-back." Syempre sigawan kami sa pagtutol dahil napakarami naman ang back-to-back para lang sa kakaunting topic. Sagot niya, "Sige maghanap kayo ng yellow pad na walang likuran." Epic.

2. Plano nya na ang midterms namin ay 5 items at x 10 ang bawat items. Nakakapagod daw gumawa ng test papers at ayaw nyang mahirapan kami. Hindi yun nangyari pero madali pa rin na exam ang ibinigay nya sa amin.

3. Pag may na-late, sisigaw kaagad siya ng "#45" para kunwari may pagsusulit kami at nahuli ang na-late o kaya ay magpapaalam na lang bigla sa amin. Weird yet cool.

----------

Nagpapasalamat ulit ako sa mga bumisita sa akin nung ako ay na-ospital. Salamat sa pagmamahal na binigay ninyo kahit na nung mayo lang tayo nagkakilala.

Happy Times :)

Saturday, July 20, 2013

Pagpag

Masyado nang matagal nang huli akong sumulat. Kaya kailangan nito ng isang matinding panimula sa ating mahabang talakayan sa kung ano ba ang ginawa ko kaya hindi ko na naaatupag ang aking blog. Hindi rason ang focus sa studies, paghahanap ng nobya, jaywalking, o slow internet connection - tinamad na lang talaga akong sumulat. Kaya bilang pagpaparamdam ulit sa internet, ating pag-uusapan ang pagpag. Opo, pagpag. Pero hindi naman ito mala-State of the Nation Address tungkol sa mga iba't ibang luto sa pagpag. Sisimulan natin ito sa mga pagkain at tatapusin natin sa talakayang elitista. Tara, pagsaluhan na natin ang pagpag!

PAGkain

Sinabi ko sa sarili ko na magtitipid ako ngayong semester dahil trip ko lang. May mga balak akong bilhin pero nagkakaroon na kasi ako ng sakit na sa bawat bibilhin ko ay nalulungkot ako at nagi-guilty dahil para bang naaksaya ko ang pera ko. Siguro parte ito ng pagiging Economics student kaya medyo dahan-dahan na tayo sa paglabas ng pera. Talaga ngang sa hirap ng panahon ngayon, no-no na ang premature ejaculation of money from wallet.

Kaya minsan pag hindi ako gutom, kumakain lang ako ng sliced bayabas pag lunch. Sampung piso lang kaya sulit. Chicken o mga silogs pa rin ang tuwing tanghalian ko dahil mura at nakasanayan na. Wala akong pakielam sa cholesterol at sa mga yucky na bacteria basta solve na ang tanghalian ko.

At speaking of yucky, huwag nga pala kayo kakain sa Jerry's Fried Chicken sa likod ng USC (near sogo). Natatandaan ko na kumain ako doon dahil maaga kaming pinalabas kaya doon ako kumain dahil malapit sa sakayan ng jeep. Habang kumakain ako ng manok, nasa harapan ko naman ang dalawang napakalaking daga na hinahayaan lang pumeste ng tindero at tindera. Para ba naging pet na nila. Pet na nanggaling sa basurahan at umakyat sa kung saan hinuhugasan ng pinggan. Hindi dun sa eksaktong hugasan pero kadiri lang talaga sa lapit. Kaya DOH, DTI, CITOM, at World Bank, sana inspeksyonin ninyo itong kadiring lugar na ito. Sumama ka na rin Mike Enriquez.

PAGbabago

Nabalitaan nyo na ba ang Filipinas? Papalitan na ang pangalan ng ating minamahal na republika para maging akma ito sa nakaraan nating pangalan. Oo, papatayin nila ang Americanized name para sa isang ma-Kastilang pangalan. Para raw mapakita ang identity natin sa mga banyaga. Seryoso? Parehong ma-banyaga pa rin 'yang pangalan na yan. Kung gusto nyo ng mas akma sa kasaysayan natin, bakit hindi na lang sa alibata ang pangalan natin? Bakit hindi na lang "Milyong Bayani" ang pangalan ng ating bansa? Ba't hindi na lang Alipinas? Alam ko masyadong radikal ang mga suhestyon ko (joke ang pang-huli), pero wala talagang saysay ang kahit ano mang pagpapalit sa kung ano man ang nakalakihan natin. Hindi naman pupwede na grupo ng mga iskolar at ang pirma lang ng Pangulo ang kailangan para mapabago ang pangalan. Dapat boboto rin ang bawat mamamayan. Kaya KWF, simulan nyo nang mamili ng boto.

PAG-ibig

Bakit hindi pa nagiging sila?

Iyan ang pagtataka ko sa dalawa kong mga kamag-aral. Malapit sila sa isa't isa, minsan naghahawakan pa ng kamay pag tumatawid, masaya sila kapiling ang bawat isa. Pero, bakit hindi pa sila? Huwag na kayong mag-expect na gay stuffs ito. Hinding-hindi.

Nakausap ko ang isa sa kanila. Sabi niya, kaya ayaw niyang maging sila ay dahil sa may hangganan ang relasyon at ayaw nyang mawala siya sa piling niya. Sabagay tama siya pero sana masabi niya ito sa kaibigan ko para hindi na siya umasa at nasasaktan kaming magkakaibigan na nakikita namin ang isang "dapat-sana-sila-na-relationship."

Mahirap talagang umibig. Kumain na lang sila ng pagpag. Mura na, masustansiya pa!

PAGPAG

Elitista na ba ang mga taga-University of San Carlos?

Ang sagot sa nagsasabing elitista kaming lahat, gago ka.

Hindi atang maganda na iisa lang ang brand sa amin. Diverse kami sa campus kaya hindi lahat iisa ang paguugali. Siguro nagiging elitista ang tawag namin dahil sa madalas na paggamit ng wikang Ingles sa pakikipag-usap. Ako wala akong magagawa dahil kailangan kong mag-Ingles para maintindihan ng mga banyaga, mayayaman, at mga galing sa super rich na schools. Ang importante kasi nakakapag-usap kami. Wala kaming pakielam sa lenggwahe dahil gusto namin na walang dahilan para hindi kami magtalakayan.

Elitista dahil nadidiri kami kaagad-agad?

Talagang madidiri kami sa mga umiinom sa automatic tubig machine. Halos kalahati kontaminado kaya pinatanggal na siya ng isang government agency. Madidiri ang isang tao sa hindi siya sanay. Kaya kung naaasiwa ka sa mga elitista, yun ay hindi ka sanay na may elitista sa bahay ninyo.

Elitista ba ako?

Hell no! You know hindi ko na-imagine to being branded na elitista just the dahilan na I know na mag-speak sa English and the WIkang Filipino plus nakaka-understang ng Cebuano. Hindi ba? As if it's so madali to have that?!

Kung sasabihin ninyong elitista ang mga Carolinian, ibig sabihin may karapatan rin kaming sabihin na mahilig makipag-sex ang mga taga-USJR. Hindi ba?

Happy Times :)

Saturday, June 15, 2013

Ang Kwento ni Chinito

Crossroads
Bago ko simulan ang aking kababalaghan dito sa Happy Times Pilipinas, nais ko munang ipakilala ang aking sarili. Ako si LSN. Tawagin niyo na lang akong Chinito para madaling ikabisado. Isa akong Pinoy na may dugong Espanyol at Intsik na naging dahilan ng aking pagka-chinito. Galing ako sa Dakbayan sa Bulawanong Panaghigalaay; Cagayan de Oro. Napadpad ako sa Cebu upang kumuha ng programang Sikolohiya sa Unibersidad ng San Carlos at sa katunayan, malapit na ang aking pagtatapos.
Andito na naman ako sa puntong magdedesisyon kung anong daan ang dapat kong tahakin. Gaya na lang nung high school senior pa ako na nalilito kung sa Kamaynilaan o sa Kabisayaan ba ako mag-aaral sa kolehiyo.
"Ano ka ba, Chinito! Malaki ka na. Kaya mo nang magdesisyon para sa sarili mo."
Eh sa nahihirapan ako? Tutulong ba kayo? Sa totoo lang, gusto ko pang mag-aral. Para akong nagpupuasa na naghahanap ng makakain. Nag-eenjoy naman ako pero bitin na bitin pa rin ang buhay-kolehiyo. At kung sasabihin 'nyo sa akin na, "I-delay mo na lang ang graduation mo," mas mainam na kayo'y magtago at baka ma-persona non grata ko pa kayo sa paningin ko.
Pwera biro, nais kong kumuha ng programang Medisina. Oo, may kalagiman pa akong itinatago. Balak kong maging isang manggagamot, doktor, mananambal, o kahit na anong tawag diyan. Napagdesisyonan kong kumuha ng NMAT (National Medical Assessment Test) ngayong Disyembre nang sa gayon ay malaman ko kung makakaya ko ba ang nasabing programa o hindi.
May isa pa akong option: magtatrabaho muna ako bago mag-med. Mananatili ako sa Cebu o umalis sa bansa ng isang taon bago kumuha ng Medisina. Base sa paningin ko at sa experience ng mga nakatatanda sa akin, baka masilaw lang ako sa perang nakahain at tiyak 'di na gaganahang mag-aral pa. Alanganing option ito.
"Chinito, seryoso. Graduating student ka na. Kailangan mo nang mag-decide."
Oo na. Sige na. Sasabihin ko na.
Marami talagang mga bagay-bagay na kailangan kong i-consider lalung-lalo na ang panahon at pera. Dadaan at dadaan ako sa Kalbaryo upang makamit ang "MD" sa huling parte ng pangalan ko. Pero kung ako'y tatanungin 'nyo, oo mi amigas y amigos. Desididong desidido ako.
"'For I know the plans I have for you,' says the Lord."
-Jeremiah 29:11
Hindi ako relihiyoso pero naniniwala talaga ako ni Lord. Alam ko namang 'di ko kayang magdesisyong mag-isa kaya kailangan ko talaga ng guidance Niya. Hindi biro ang aking papasukin dahil napakaraming sakripisyo ang gagawin. Sa huli, will pa rin Niya ang masusunod para sa akin.
Andito na naman ako sa tinatawag nilang "crossroads." Isang taon pa ng sandamakmak na requirements at diskusyon na siyang impluwensya upang makapagdesisyon nang maayos. May mga pagsubok pang kailangan kong lamunin bago ako maunahan at lamunin nila. Pagsisikapan kong makuha ang gusto ko. 'Ika nga, non-verbatim, ng namayapang aktor na si Rico Yan, "Just do your best. In case you failed, at least, you can say that you did your best." Siyempre, di pwedeng mawala ang Magis na kinagisnan ko at ang Scientia Virtus Devotio na nakatatak sa aking ulo. Sana naman, magiging successful ako. Sa bandang huli, ako pa rin ang makakabenepisyo sa mga pinaghirapan ko.
Mga kaibigan, ako si Chinito. Ang dadagdag sa epidemya ng kaligayahan na ikinakalat ng Happy Times Pilipinas. Sanay masiyahan kayo sa mga kwento at diskusyon dito.

(Si Chinito ay isa talagang huwarang chinito na kasalukuyan ay nasa huling taon sa kurson niyang BS Psychology sa isang pamantasan na ang pangalan ay nakita niyo na sa kwento.)

Saturday, May 11, 2013

Nangangarap sa alapaap


Nag-iiba na talaga ang lipunan natin. Ang mga tao ay hinihimok ang mga namumuno ng pagbabago na pag dumating naman ay tututulan nila. Para bang kwento ng isang babaeng pinilit baguhin lahat ng kung anong meron ang nobyo nya pero sa kalauna’y hiniwalayan nito dahil hindi na niya kilala kung sino ang lalakeng sinagot niya noon. Bawat kandidato ay binabaha tayo ng mga pangakong walang kasiguraduhan kung paano nila ito maisasakatuparan. Puro pangako pero walang pangarap sa bayan. Basta makaupo, olrayt na.

Bilang isang tao, nangangarap din ako ng mga bagay na gusto ko mangyari o mapasaakin. Pinapangako ko ang sarili ko na hahanapan ng solusyon ang mga pangarap ko para matupad. Pero, ang pangako ay napapako at ang pangarap ay may limitasyon. Kay hirap nga namang mag-isip!

Isa sa mga pangarap ko sa buhay ay makatapos ng pag-aaral sa Film. Mahal ko naman ang napili kong kurso pero may mga iba pang mga bagay na pwedeng magawa sa kolehiyo ang ninanais ko. Film, journalism, creative writing, at history. Naniniwala kasi ako na Malaki ang potensyal ng mga Pilipino sa larangan ng pag-likha ng pelikula. Isang sining na dapat i-take advantage dahil bumebenta sa mga dayuhan ang kahit anong may kahirapan o sekswalidad na tema. Hindi naman siguro masamang magkaroon ng sariling bersyon ng Rigodon. Nagamit ko na nga ang natapos sa kolehiyo, napasaya ko pa ang “Bernardo Carpio” ko.

Binabalak ko rin na pagsilbihan ang taumbayan. Pamunuan at maging instrumento ng pagbabago. Ako naniniwala ako na nagsisimula ang lahat sa pagdidisiplina. Problema nga lang, nakapako na sa bawat Pilipino ang takot nab aka maulit ang bangungot sa huling parte ng Administrasyong Marcos. Pero kailangan din natin ng kaunting kaayusan dahil hindi man lang nagkaroon ng magandang produkto ang inaabuso nating kalayaan. Palyado na nga konstitusyon natin, palpak pa tayo sa kung paano natin bibigyang kahulugan ito.

Pangarap ko na iiwan ko ang Pilipinas na isang ordinaryong taong tumakas sa hirap ng buhay at bumalik, with Master’s Degree, para iahon sa putikan ang Pinas. Putikan? Naka-dalawa na nga tayong investment grade. Iahon natin ang mga nasa slum areas. Para lang axe, “Leave a man, come back a hero.”

Siyempre pangarap ko rin na meron akong bachelor’s pad, umaga-tanghali puro negosyo o kalakalan, gabi-gabi rigodon. Alam ko masyadong kasing taas ng alapaap itong pangarap ko pero hindi naman masamang mangarap, diba? Mabuti nang sinubukan kesa naman lumuha dahil lumiko sa maling daan.

Speaking of daan, naniniwala ba kayo sa 12-0 tuwid na daan?

Pangarap ko na itong bansa na ito ay ititigil na ang walang saysay na mga koalisyon. Pinipilit nila na mapuno ang labin-dalawang kakandidato. Siyempre kung pipilitin mo, meron talaga diyang mga incompetent. Bigyan na nating halimbawa si Grace Poe (TP) at Nancy Binay (UNA). Pinilit ni amo kaya napalunok na lang. Tumatakbo lang naman ang karamihan para sa pork barrel at sa iba pang daan para kumita. Tingnan niyo dito sa Cebu City. Kay ganda ng Osmena Boulevard tapos biglang iaaspalto ulit. Kung hindi ba naman tanga at TraPo ang mayor? Bawal ba ang mga elekyon prusisyons na makaka-abala sa daan? O eto si current congressman, nag-hakot at pinagprusisyon ang mga nahakot sa isang 4-way street na maraming dumadaan at itinaon pa sa oras na pauwi na ang mga pagod sa trabaho! Kailang ba magiging mature ang mga kandidato? Personalan sa Maynila, bangayan sa Taguig, pataasan ng ego sa Masbate, batuhan ng akusasyon sa Laguna, at patayan sa Abra. Buhay nga naman kay lungkot.

Pero sa kahit anong kahinaan ng mga kukote ng mga kandidato, huwag na huwag kayong mahihiya na Pilipino kayo. Masarap maging Pilipino. Maging proud tayo sa Mayon Volcano, Las Pinas bamboo organ, Enchanted Kingdom, at ang blog na Happy Times Pilipinas. Pasalamat tayo na hindi tayo pinanganak sa Timor Leste, Papua New Guinea, at sa walang kwentang China. Tadhana ang naglagay kung asan tayo kaya tadhana rin ang magdadala sa pag-angat ng bawat buhay ng mga Pilipinong umaasa na may pagbabago rin.

Huli kong pangarap ay sana tumigil na akong ma-inlove. Kahit tatlong buwan lang munang bakasyon sa matinik at mapang-akit na pag-ibig. Pero parang imposible ata. Ang bait at ang ganda mo kasi eh. <3

Saturday, April 27, 2013

Naglalagablab na emosyon sa panahong tag-init


Ang utak ko ngayon ay pinapaikutan ng mga problemang halos lahat ay gawa lamang ng imahinasyon ko. Minsan sinsabayan ko pa ng mga ambisyon na parang kay hirap abutin. Tuloy ngayon, hirap ako matulog at hindi makapag-sulat sa aking minamahal na mga blog. Lahat ng problem ko sa buhay ko ngayon ay nagsimula sa iisang dahilan lamang na hindi ko mabura sa isip ko:

SUMMER CLASSES

Simula hulyo pa noong 2012, planado na ang buhay ko sa kolehiyo. Mag-aaral akong mabuti, hindi muna magkakanobya pero bukas pa rin ang puso ko sa “kras-kras”, sasali sa maraming competition para naman hindi masabi ng mga kamag-aral na wala ako sa landas, at sa bawat taon ay kukuha ng advanced summer classes para naman makapag-focus ako sa thesis ko o hindi kaya ay kumuha ng mga foreign language lessons (Hal: Morse, Braille, at Batangas Tagalog).

Ngayon, gaano ba kaimportante sa akin ang summer classes at hindi na lang ako dumaan sa tamang proseso sa kolehiyo? Unang dahilan ko diyan ay meron namang daan para makakuha ng classes para maging flexible ako. Ako ang taong sobrang ma-stress basta hindi sapat ang oras. Hindi ako kasing-talino ng ex-cousin kong intsik kaya kailangan kong magsumikap, bumili ng Memoplus gold, at huwag bumisita sa 7-11 para nasa ayos palagi ang takbo ng utak ko.

Pangalawa, hindi ko pa panahon para unahin ang pera kesa sa pag-aaral. Oo nga pwede akong mag-summer job (na ginagawa ko ngayon) pero kung may tsansang mag-aral ay iyon ang uunahin ko. Nakikita ko na hanggang 65 ako ay nagtatrabaho ako kaya dapat itong mga panahon na ito ay inilaan ko sa pag-aaral. Ayoko kasing mag-mukhang taong grasa sa bahay na naghihintay lang na magutom para kumain at inaaliw ang sarili sa pakikipagusap sa mga pusa. Hindi ba mas masarap kausap ang mga guro kesa sa chat with the cats?

Pangatlo, Gusto ko na makapagtapos na sa mga demonyong minor subjects para naman mailaan ko ang panahon ko sa mga hardcore subjects tuwing regular semesters. Mas pipiliin ko pang kabisaduhin ang librong Principles of Economics kesa sa imemorize ang isang verse sa bibliya. Bakit? Kasi nag-aaral ako ng economics dahil pangarap kong maka-trabaho sa ADB at hindi para maging preacher. Ibinibigay ko na sa ibang tao ang trabaho nay un at mahal ko ang Panginoon pero hindi ko nakikita na close ako kay Fafa Jesus sa isang pag-kabisado lang sa verse.

Pang-apat, nag-bayad na ako ng downpayment para ma-enroll sa summer. Yudontdudatumi.
Pang-lima, maganda ang paglilista kung umaabot ka sa ika-5, sampu, beinte, o isangdaan. Dapat pwedeng ma-hati sa lima ang numero para astig. Pangit pakinggan ang “Top 4 kaya Taong Grasa ako ngayong tag-init.”

Eto ako ngayon at ang daming iniisip tingkol sa magiging kinabukasan ko. Oo nga sabi nang isa kong kaklase/mentor/sex guru na hindi natatapos sa edukasyon ang gusto mong mithiin sa buhay. Maraming salamat sa iyo at sana huwag ka pang kunin ni Lord. Naniniwala ako dun kaya medyo nagiging malumanay na ang emosyon ko. Ok lang ma-basted ako, makagat ng aso, mabangga ng 38-wheeler truck, tumambay sa kunwaring pa-sosyal na 7-11, basta ayoko na nakikita akong na-rereject sa pag-aaral. Trinaydor na nga ako ng punyetang UP kahit kwalipikado ako at sana naman huwag itong gawin ng minamahal kong pamatasan.

Sunday, April 7, 2013

Kwentong Cebuano Politics

Bilang isang taong pinanganak sa Albay, nagkamulat sa Lucena, pagkabata sa Rizal at San Juan, at lumaki sa Marikina, wala akong karapatang magsalita sa kung ano man ang meron sa pulitika ng Cebu. Pero, kailangan ko ring magsalita dahil nakikita ko ang kinabukasan ko sa nag-iisang Reynang Siyudad ng Timog. 

Ang napapansin ko sa dakbayan sa Sugbo, maraming opportunities pero nagkakalimutan na sa mga basic elements ng pagiging magaling na siyudad. Huwag na sanang tularan ng Cebu ang naging pag-unlad ng Pilipinas. Bansang yumaman nga pero nakalimutan ang isa sa pinaka-importanteng kayamanan natin: Agrikultura. Unting bumagsak tayo at ngayon pa lang unti-unting nagsisimulang iangat kung ano dapat ito.

Bilang isang Marikeno, talagang nasanay ako sa isang malinis at responsableng tao. Urban Planning talaga ang naging dahilang kaya tinitingala ng Pilipinas ang isang siyudad na dati'y sikat dahil sa mga biktima ng rape na itinatapon sa talahiban nito. Sinumulan ni Bayani Fernando at sinundan ng asawa niyang si Marides Fernando. Kaya walang masama sa dinastiya basta magaganda ang pangako nila.

Sa aking paghahanap sa mga magagaling na lider sa Cebu, nakahanap ako ng isang taong napaka-pareho ng gusto kong mangyari sa Cebu. Si Judge Don Navarro, tumatakbo sa North District ng Cebu City. Problema nga lang ay 1.) Nakatira ako sa South District at 2.) Hindi ako registered voter. Siya ay miyembro ng Centrist Democratic Party. Sana maging matalino ang boboto sa kanya at sana lang huwag tingnan ang palakihan ng political party. Mayaman nga ang party at palagi kang nabibigyan ng bigas pero hindi ito long-term lalo na sa mga isang kahig, isang tuka na mga Cebuano.

Ang kinagandahan sa plano ni Judge Don Navarro ay ang matinong sewage at Bus Rapid Transit sa Cebu. Mahirap diba na traffic tapos ang nilalanghap mo pa ay produkto ng bituka ng tao at hayop galing sa ilog. Wala talagang urban planning ang Cebu. Parang hindi ata na-isip na uunlad ang Cebu.

Don Navarro (center) with Sen. Francis Escudero (left) and Cagayan Rep. Rufus Rodriquez (right)


Ang kalaban ni Don Navarro sa north district ay sina:

1.) Dr. Maamo (PDP-Laban) - Ang pinaka-layunin niya ang Hospitals muna bago flyovers ang ipatayo. Iyan ang mga layuning mamamatay pag natalo. 

2.) Annabelle Rama (Team Rama) - Kunwaring Cebuana na walang konkretong layunin sa North District. Rama siya kaya tumakbo. Hindi ata uso ang pag-classify kung sino ang mga Nuisance at matinong kandidato.

3.) Raul del Mar (Bando Osmena - Pundok Kauswagan) - Nabasa ko ang barangay profile ng Barangay Lahug, ang balwerte ng mga Del Mar. Ang Lahug daw ang future Makati of the South. Mga mambabasa, kayo na ang humusga sa Barangay Lahug. Umuunlad ang Barangay ninyo dahil may namumuhunan at hindi dahil sa programa nila.

Ngayon, dapat may pros and cons tayo kay Judge Navarro para naman mas makilala ng mga potential botante ng Cebu City North District kung sino siya.

Pros - Urban Planning, ideology ay galing sa Centrist at hindi sa kung ano lang ang pumasok sa isip sa isang inuman, magaling na ama at asawa, pantay na pagtingin, at hindi TraPo.

Cons - Maliit na manpower. Baka matalo siya dahil sa kakulangan sa tao at hindi dahil sa prinsipyo.

Sana lang ay huwag nang pakawalan ng mga Cebuano ang isang magaling na tagapag-lingkod sa taumbayan. Marami ngang pangako ang [insert paulit-ulit na kandidato] pero nung nakaupo ay halos 1/4 lang ang nagawa. Mahirap isakripisyo ang puwesto sa isang siyudad na umuusbong.

Official Website: www.navarroforcebu.com
Centrist Democratic Party: www.cdp-philippines.org/







Monday, March 18, 2013

Marso: Ang buwan pagkatapos ng Pebrero.

Ito siguro yung buwan na halo-halo ang nadarama ko sa pagpasok nito. Siyempre kaarawan ko at expected na magiging masaya ako at busog na naman ang kaibigan ko, pero nadagdagan na naman ng isang taon mula sa dati'y labing-anim na taon na walang naiambag sa mundong ginagalawan natin. Masaya ako na tapos na ang unang kabanata sa trilogy + 1 na college life ko, pero ang dugyot at sangsang isipin na nakaraos ako ng isang taon na hindi kuntento sa natamong grado. Wala namang dapat sisihin kung hindi ako at ang temptasyon na laruin ang pusa ng dalawang oras kesa mag-aral sa bahay.

----------

Kay lungkot isipin na bumalik ang ugali ko sa pinaka-lowest na porma nito. Masasabi ko na mas disente akong tao nung 4th year high school at advanced summer classes ako kesa ngayon. Kaya parang masarap maging irregular na estudyante na lang ako dahil konti pa lang na kasarapan sa buhay ang nakuha ko sa pagiging parte ng block enrolment. Nakaka-miss kasi ang mga moments sa silid-aralan na pag tumayo ka para mag-recite ay tinitingala ka ng mga hindi kilalang kaklase kumpara sa pagtatawanan ka ng mga kaibigan mo sa dahilang "gusto lang naming tumawa at mukha kang sea urchin." Wala naman akong reklamo sa mga kaibigan at kamag-aral pero para bang hindi tayo grumaduate sa high school sa mga nangyayari sa atin araw-araw. Parte din ako nun kaya ako lang ang dapat sisihin.

Anong relasyon nito sa Marso? Simple: sinulat ko ito nitong Marso.

----------

Nagpapasalamat ako sa dalawa kong mga kaklase na nagbigay saya sa isang napaka-bongga at ubod ng sayang kaarawan ko. Sa iba, carry lang. Maraming salamat sa mga kumanta, sa mga super close kong mga kaklase na inilibre, at sa mga taong hindi nagbigay rason na may headache daw siya kaya inuubo. Sa uulitin ulit!

----------

Pero ang pinakamasayang regalo ata na natanggap ko, bukod sa nakalmot ng pusa sa hagdan, ay ang pagkaluklok ni Pope Francis sa eksaktong araw na ako'y ipinanganak (Manila Time). Sumunod pa sa astig na regalo ay ang ibinigay sa akin ng mga kaklase ko kinabukasan ng kaarawan ko. Hindi ko na sasabihin pero sobra akong nagpapasalamat sa pagbibigay ng trust.

----------

Expected na sa isang katulad kong tao na makakaranas ako ng mga weird na pangyayari sa loob ng bahay. Isa na diyan ang dalawang panaginip ko. Alam ko pangit mag-share sa kung ano ang napanaginipan ng isang tao pero sobrang weird lang talaga.

Unang panaginip: May kinuha akong package na shabu pala ang laman kaya kinidnap ako at pinatay ang kasama kong lalake na babae nung simula ng panaginip.

Pangalawang panaginip: Civilization IV - style na panaginip dahil sa tatlong straight hours na paglalaro nito. Kaya hindi ako magising kasi hindi ko alam kung gising ba ako o hindi. Basta natandaan ko na lang na sinitsitan ko yung maingay na bata sa labas (totoo) kasi may kino-conquer akong city sa civilization (sa panaginip).

Weird.

----------

Marso na naman at March madness na naman! (alangan namang magcelebrate ako ng Pebrero). Pangalawang sunod na taon ko na ito na sumali sa mga paggawa ng bracket. Sa una ay pumalya ako sa pagpili sa Butler pero ngayon na Ohio State ang pinili ko ay ipinapa-tadhana ko na ang kapalaran ng bracket ko,

----------

Binabati ko nga pala ang isang babae na nagpapatibok sa puso kong naghahanap ng pag-ibig. Sana palagi tayo magkasama para nagiging masaya araw ko. I'll wait for you, Mama Mary <3

Saturday, February 2, 2013

January Moments

Memorable ata ang Enero ko dahil sa makulay at masigasig na pangyayari sa tatlumpu't isang araw nito. Mula sa minamahal kong Pamantasan at hanggang sa Dakota Days ko sa bahay ko, bawat oras at panahon ay may kwento ako. Bad trip nga lang isipin na Pebrero na at mas stress ang mga araw na parating at hindi man lang ako nakapag-pahinga sa nakaraang buwan dahil sa hassle at punyetang sayaw na kailangan i-perform.

Back to Queen City - Sa pagdating ko sa Maynila para mag-pasko, ang isip ko lang ay hintayin ang araw kung kailan ako babalik ulit pa Cebu. At sa pagdating ng araw nang pag-alis ko sa Cebu, medyo nalungkot ako na kahit naka-blend na ako sa kulturang Cebuano, hindi ko pa rin maalis ang pagiging tunay na Manileno/Marikeno ko. Sa huling gabi ko sa Marikina, hindi ako makatulog at gustong umiyak dahil sa masasarap na moments ko sa tinubuang siyudad ko. Syempre hindi ako umiyak kasi naglalaro ako ng Doodle Jump at magmumukha lang akong tanga na naglalaro ako at simultaneous na pag-iyak. Nandyan ang pamilyang nagmamahal sa akin, pinsang hinahatak ako para maging bata ulit para samahan sila sa Park, kaibigang kasama ko sa pag-reminis sa buhay Manila, at asong karamay ko lang pag may hawak akong pagkain. 

The Best Moment: Bawat araw na inilaan ni Supreme Being sa aking adventure sa Maynila/Marikina.
The Pest Moment: Mala-Hesukristo akong nakapako sa Krus sa dami nang ibinigay na research activities.

Medyo Mahabang Mactan Massacre - Sa pagdating ko sa Cebu, naamoy ko ang pagbabalik ko sa realidad at panibagong taon para matama ko ang pagkakamali. Inaabangan ko na ang masasayang moments ko sa pamantasan, mayakap ang aking mga pusa, at isolation sa bahay. Sa pagsakay ko sa Taxi, iniisip ko ang naging adventure ko sa Maynila at ang naka-abang kong wild life sa Cebu. Mactan - Mandaue - Ayala. 

Biglang naisip ko..

..na parang may kulang sa buhay ko..

..napaka-importante sa edukasyon ko..

..kaagapay ko sa malulungkot kong sandali..

..pambihira naman..

..naiwan ko laptop ko sa Airport!

Kumain muna ako at ang utak ko ay hindi na gumagana dahil nandun ang mga projects ko sa Economics, Philosophy at kaunting Political Science. Naka-save naman sa USB ko pero hindi yun updated at .. basta .. nasira ang pagbabalik ko sa Cebu. Bumalik ulit kami ng ama ko para hanapin ang laptop ko sa MCIA. Wala daw nakita ang mga porter, ang guard, ang isa pang guard, at isa pang guard. Punta na lang daw kami sa opisina para hanapin. Dun pa lang ay nawalan na ako ng pag-asa. May humabol sa aming newspaper boy at sinabi nya sa amin na nasa opisina ng MCIA Authority ang laptop ko dahil narinig nya ito sa conversations ng mga guard. Nandun nga at kinuwento ng isang official dun na yung newspaper boy ang nagsauli. Sabi nung dyaryo boy na guard ang nagsauli pero sabi naman nila na yung dyaryo boy ang nag-surrender. Sobra akong saludo sa kanya kaya hahanapin ko ulit sya para magpasalamat. I love you Pedro Calungsod!

Sinulog - Pangatlong sinulog ko ito at nagpasya na akong hindi sumama dahil sa init ng panahon at tamad na rin akong lumabas. Medyo controversial ang Sinulog ngayon dahil ang inaabangan ng tao, pati ako, kung sasayaw ba si Suspended Gov. Garcia o hindi. Nakatutok ako sa online news at sa mga balita sa TV para ma-update ako sa mangyayari. Balita na sasayaw sya pero hindi ko napanuod ang pagsayaw nya dahil nakatulog ako. Ang galing noh??

Hindi ko rin makakalimutan ang araw ng Sinulog dahil umaga ay naglaba ako. Pinatuyo ko muna at pumunta sa SM para kumain. Sa pagbalik ko para kunin ang mga tuyong sampay, nakita ko na nagsusunog ng dahon/basura ang kapitbahay. Ayun, nag-amoy usok lahat ng uniform, damit, pantalon, sapin sa unan ko. Loko ka palang anak ni Satanas!

Midterms - Kape at noodles ang laman ng tiyan ko dahil sa tagal ng study period ko sa bahay kaya wala na akong time para magluto at bumili sa labas. Click ON lang ng heater, wait for 5 minutes, ilagay ang "rekados" sa bowl o baso, lagyan ng tubig, VOILA! -10 years sa buhay ko! Nabasa ko sa article na masarap mag-aral kung may kasabay kang binabasa. Napili ko ang 1984 at isang steve jobs issue ng Time magazine. Ok rin sya dahil nawawala ang boredom ko sa pag-aaral pero mas na-iistimulate nito ang pagbabasa ko. Kaya medyo hindi na ako madaling antukin pag nagbabasa ng mga libro at nabalik ko ang hilig ko sa pagbabasa na ginawa ko nung grade school pa ako. Top secret na ang nakuha kong marka sa bawat pagsusulit :)

I CHOOSE YOU! - Good news sa akin na isa ako sa napili o napagtripang piliin dahil first year ako at higher years sila para maging representative ng pamantasan ko sa isang pagpupulong na gaganapin sa Maynila. Kailangan updated ako sa mga balita at kailangan pag-aralan ang advance economic subjects para makagawa ng policy paper. May isa akong kaklase na nagtaka kung bakit ako pa ang napili dahil marami namang mas matalino sa akin. Isa lang naman ang dahilan kung bawat nasama ako: Binigyan ako ng offer at kaagad akong um-oo. Wala na akong mga reasons at 2nd thoughts sa offer na yan. Nag-desisyon nga ako bago ko pa mabalita sa magulang ko. Kasi bilang 1st year, masyadong mayabang isipan na kailangan kong i-turn down ang offer dahil wala pa naman akong napapatunayan. Sa pag-payag kong sumali, mas mabibigyan ako ng boost sa maraming aspeto ng pag-aaral at kung mapahiya man ako sa Maynila, experience to sakin para matama ang pagkakamali at pagkukulang ko sa preparasyon ko sa nasabing pagpupulong. Hindi naman yan nasusukat sa talino at abilidad mo - nasusukat yan sa desire mong matuto at maka-gain ng experience. Syempre gagala din ako sa Maynila kaya happy din ako sa naging decision ko. Happy Times nga naman!

High School Reunion - Simpleng gabi ng reunion lang ang nangyari dahil karamihan sa kaklase namin ay binaha kami ng reasons para hindi sumali. Siguro mga businessmen at successful na sila sa buhay para kalimutan kami. Pero alam ko naman ang rason nila kung bakit inimbita nila ako at hindi ko na lang babanggitin dahil baka mapatay nila ako. Medyo awkward din dahil ako lang ang tunay na lalake at masaya din na ako lang ang tunay na lalake dahil kasama ko ang mga magagandang dilag ng section namin. 

Love Life - Mahal na mahal ko si Hesukristo, Si Mama Mary, St. Joseph, St. Benedict at si Venerable Bede. Katoliko ako at nag-sisimba ako once a week at sinasamba ni Camay ang mga demonyo katulad nina Lucifer at Chavit Singson. Mabuhay ang Santo Papa!

Love life? Darating din yan. Kaunting tiyaga lang sa pag-aaral muna dahil idadaan ko na lang sa grado ang love life. Medyo hindi kataasan kaya stop muna yan. Kakain na lang muna ako ng MaMon at tatanawin ang Cebu skyline at tatanungin ang sarili ko, "Ilan kaya ang paa ng dolphin?"

Thursday, January 24, 2013

Japanese Trench

Maraming benepisyo talaga kung mag-isa ka lang sa buhay at pinapaligaya ang sarili sa kayang gawin ng kamay (Halimbawa: Pagsusulat at one-hand swimming). Pero kahit anong sabihin mong gastos at aksaya sa oras, wala paring tatalo sa matinding pag-hahabol sa babaeng para sa akin ay mamahalin ko ng todo. Todo hanggang sa magkasawaan na.

1st semester nung nag-simula yung friendship namin. Medyo simple at nerdy kasi talagang library lang kami nag-uusap at nagkikita. Palagi ko nga kasama kaibigan nya na ka-school mate ko dati at kasama ko rin tropa ko. Syempre dahil mga gwapo ka-tropa ko (lalo na yung writer ng Happy Times Pilipinas), palagi silang hindi nakakasama o di kaya late sa library blues namin dahil kailangan pa nilang pakainin ang inner love nila sa ibang babae. Kaya minsan ay wala akong magawa kundi i-contain ang sarili ko na ako lang ang purong lalake sa "sorority" nila. Dun ko sya unang napuna. Tahimik, matalino, at maganda.

Ininvite din nila ako one time sa shooting ng video project nila. Kasama ko nun yung pinaka-gwapo kong kaibigan kasi medyo nakakahiya kung ako lang at kailangan nila ng badigard para sa film. Kami nga yung love team at may kaunting nagbabagang moments. Siguro dun ako nagsimulang madevelop ang feelings ko sa kanya. Kahit may ganung scene, hindi ko tinook advantage ang pagka-babae nya kasi malaki ang respeto ko sa mga babae.

Matagal na rin yun kaya hindi ko sineryoso kung ano man ang nararamdaman ko sa kanya. Basta nag-focus ako sa pag-aaral at kuntento na ako sa counter strike naming mag-tropa every lunch. Hindi ko pa kasi naranasan ang magkaroon ng nobya kaya hindi pa ako sigurado kung ano man ang nararamdaman ko. Hindi naman kami palaging nagsasama na ngayong 2nd sem dahil hindi na rin ako nakakapunta sa library at nalaman na ng lahat ang nararamdaman ko sa kanya. Kung may chance sana na mapakita ko man lang ang energetic side ko, siguro magugustuhan nya ako. Hindi man ako perpekto pero sana mabigyan ako ng oportunidad para man lang maka-rampa sa harapan nya. Buti na lang at may gwapo akong kaibigang taga Maynila at nahasa ang dila ko sa pag-tagalog. Pag-ibig ko kasi sayo malalim at misteryoso pero maraming kuwento kung kayang matuklasan- parang Mariana Trench lang. :)

----------

Shit! Inlove ako sa isang dalagang galing sa lupa kung saan sumisikat ang araw. Nalilito ako talaga dahil hindi ko pa rin maalis sya sa isip at eto na naman ako, nagbabakasakali sa ibang babae. 

About Me

My photo
Ako ang dahilan kaya binabasa mo ito.

Google Analytics