Pages

Ads 468x60px

.

Monday, April 30, 2012

Happy Times, Random Thoughts: Social Climbing

Facebook, Tumblr, at Twitter.

Social Network age na ngayon sa internet. Dahil sa katamaran ng tao na lumabas sa bahay para makisalamuha, gumawa sila ng isang bagay na makakapag-konekta sa lahat kahit na nakahiga ka lang sa banyo.

Friendster ang numero uno dati. Isa sa mga unique features nila ay pwede mong makita ang mga nag-view sa profile mo. Simple lang naman ang friendster--view and post. Kaso bumagsak sila nung iniba nila ang layout ng website at nang dumating ang facebook.

Nagsimula naman ang tweet mania sa Pilipinas dahil kay Bb Gandang Hari. Tatlong araw na laman ng balita ang   mga experience nya sa buhay at dahil sa twitter, naikukwento nya ito ng madali sa mga tao. Ang gamit niya? Twitter. At lumago ng lumago ng lumago ang twitter.

Sa tumblr naman natuto ang tao na mag-post at mag-tweet sa iisang pahina lang. Medyo maganda ang konsepto pero medyo boring din dahil hindi ka nakaka-konekta sa mga tao. Parang blog with more features ang dating ng tumblr.

----------

Para ding may mga batas ang bawat webbys. Sa twitter masarap i-share mga kinakain mo at ginagawa mo. Pero kung ilalagay mo siya bilang post sa facebook, masasabihang kang mayabang.

Ganun din sa facebook. Masarap magkwento pero pagmagkukwento ka na ng talambuhay mo sa twitter, hindi to magkakasya at mawawalan ng gana ang followers mong basahin ang tweet mo. Instant lang ang twitter.

----------

Happy Times na lang :D

Happy Times, Random Thoughts

Napaka-importante pala sa blogger ang maglagay ng labels sa bawat posts para mabasa. Lately kasi nakalimutan ko na kaya napupuna ko ang kaunting increase sa mga readers o mga ka-konsepto ko.

Kaya sayang din ang nasusulat natin kung hindi natin ipupublicize ito. Sayang din ang effort. Pero para sakin, may bumasa man o tumuligsa, patuloy parin akong magsusulat. Eto ang boredom killer ko rin.

----------

9gag.com

Kailan ba talaga biglang sumikat ang 9gag? Una ko itong nabasa sa isang article ni Luis Manzano sa Myx Magazine. Tiningnan ko. Boring.

Pero after 1 year...

Gumanda ang mga post sa 9gag. Una hindi ko tinitingnan yung mga rage comics. Mga viral pics lang ang nakakakuha ng atensyon ko. Pero sinubukan ko rin minsan. Ang resulta? Everyday 9gag na ako!

----------

Naamoy ko na ang pulitika sa kapaligiran. Nag-commercial na ang isang ginang na tungkol sa kaniyang foundation. Talaga bang foundation? Early campaign lang yan. Niloko nyo pa tao sa pagdi-deny nyo. Kasi naman sa dinami-dami ng panahon para gumawa ng ads, kung kelan isang taon bago mag-eleksyon magpapalabas. Hindi ba pulitika yan?

Happy Times na lang.

Sunday, April 29, 2012

Happy Times, Random Thoughts: Happy Kick

Kuwentong Pampalakasan muna tayo.

Sikat na sikat ang azkals at ang volcanoes. Pero hindi parin sikat ang sport na football at rugby. Bakit kamo? Wala tayong matinong grassroots program para sa mga nabanggit na sports. Puro lang coverage ng laro ng azkals at volcanoes.

At kung magka-grassroots program tayo, hindi naman ito bebenta. Sige nga at magbilang kayo ng mga football players from San Beda College na nasa Azkals. At sila ang champions ng NCAA Men's Football for the past 6 years. Basta gwapo at marunong sumipa, pasok sa club.

Hindi ko iniinsulto ang mga players ng azkals at sumasaludo ako sa kanila dahil mas pinili nilang irepresenta ang Pilipinas kahit may ibang lahi sila. Ang ayoko lang ang mga nagoorganisa. Ang daming Pilipino sa Pilipinas, bakit pa akyo mangingibang-bansa para maghanap? Sana bigyan din ng chance ang mga Pilipino.

At nasan ang gobyerno natin para itaguyod ang palakasan? Hindi tayo makaka-ginto sa Olympics kung susuportahan nyo lang ang players pag nanalo. Dapat hubugin ninyo sila para manalo. Noynoying na lang.

----------

Nasan nga pala ang Happiness sa blog ko?

Kung may mga fans ako (char) at napupuna na contrast ang pangalan ng blog ko sa sinusulat ko--hayaan ninyong magpaliwanag ako.

Kung minsan may tinutuligsa ako, dahil kasi may mga nasasaktan sa ginagawa nila o kaya ay may mga taong dapat sila ang nandun. Sila ang deserving kesa sa kanila. Halimbawa sa mga artistang walang alam sa basketball pero nanonood sa Araneta. Hindi ba deserving ang mga magsasaka na ang tanging kasiyahan nila ay mapakinggan ang PBA sa radyo? Sana may papremyo ang PBA para mabigyan sila ng tsansa makanuod at makita ang mga pangalang naririinig lang nila.

At sa mga azkals, dapat focus ang nagpapatakbo sa ambisyon natin kesa sa kikitain nila o popularidad. 

Magiging Happy lang kung magbabago ang lahat nang dapat mabago. Kaya sa taong nasa trono, tumayo at kumilos.

Happy Times din minsan-minsan noh?

Saturday, April 28, 2012

Happy Times, Random Thoughts: Wet Sporty Dreams

Social Networking without people. Mas kilala sa pangalan na Google +. Parang hindi pa handa ang tao na palitan ang facebook sa pakikipag-connect sa kaibigan o kahi kanino. Atsaka ang hirap naman i-manage ang napakaraming social networking sites na kung saan ikaw ay kabilang.

Meron akong tatlong facebook, isang twitter, isang tumblr, isang google +, at isang blog sa blogger. Dahil napakasakit sa mata at nakakahilong i-manage ang lahat, hindi na ako aktibo sa google +. tumblr, at sa isa sa tatlo kong account sa facebook. At napaka-kapal naman ng mukha ko para maraming sites ang mukha ko. Sikat?

Parang di naman!

Lord,
Sana hindi mainsulto google at tanggalin ako sa blogger

Sincerely,
Bryant

----------

Start na rin ng NBA Playoffs at nakaka-bad trip naman dahil tuwing madaling araw ang live telecast sa BTV.   May replay naman sila tuwing umaga pero ang baho namang ipagsabay na excited kang nanonood ng replay habang naka-internet ka at nakabukas ang NBA.com. Syempre kita mo na score kaya wala nang gana para manood. Injured si Rose at sa susunod na season na makakabalik. Tinambakan ng Heat ang Knicks by 33 pts. Yan ba ang iskor ng isang playoff-bound team? Ang yabang ko naman. Itigil na nga ito. Baka mapagalitan ni Papa Jesus

----------

Kahapon ko pa ini-imagine ang isang game kung saan maglalaro ang Chicago Bulls laban sa Philippine National Team or PBA Legends.

Masarap din panoorin si Jordan, Hodge, Pippen, Rose, at si Wallace na kalaban sina Jaworski, Co, Caidic, Abarrientos, at ang iba pang PBA Hall of Famers.

Medyo pangit naman kasi pag ang lumang Bulls + Rose ay kakalabanin ang Gilas II (Philippine National Team) para sakin lugi naman kung mga lumang players ang kakalabanin ng mga bagitong players ng Pilipinas. At ewan na lang pag natalo pa sila. Siyempre Pilipinas parin tayo! Mabuhay!

----------

At kung sakali namang matutuloy ang wet dreams ko, malamang sa Mall of Asia Arena gagawin yan. State-of-the-Art yan eh. Pero kung si MVP ang magdadala ng Bulls, tiyak Big Dome yan. As usual, mahal ang ticket, kaya mayayaman lang makakanuod.

Nakakaasar tingnan na yung mga punyetang artistang walang alam sa basketball ang manunuod sa laban nila live. Nagpapaganda, cheer kuno, eh ang kilala lang nilang player si Michael Jordan. Sana mga ordinaryong pilipino ang makanuod dahil sila ang tunay na fans.

Naalala ko yung Smart Ultimate All-Star Weekend. Pinakita sa TV yung isang babaeng artista na sigaw ng sigaw. Pero dun lang sa laro ko nakita yung artista na yun. Sa mga PBA, NCAA, at UAAP na games, missing in action. Akala naman niya na siya yung pinapanuod ng mga tao. O.A. grabe! Nakakataas ng dugo!

(Easy lang!)

Happy Times na lang ;(

Happy Times, Random Thoughts: Gobyerno at si Rizal

Nabasa ko sa Inquirer ang tungkol sa Scarborough Shoal. Ayon sa mga noypi na mangingisda na madalas sa "karburo", masaya silang nagkukuwentuhan ng mga chinese at vietnamese fishermen sa karburo. Kainan, halakhakan, yung ang mga trip nila. Isiniwalat din ng mga pinoy na madalas ang pagpapatrolya ng China sa karburo pero hindi naman sila pinapakielaman. Iikot lang at aalis na.

Nalungkot sila ng mabalitaan ang nangyayari ngayon sa Karburo. Libo-libong piso ang nawawala sa kanila bawat araw. At pinagpdarasal nila na ang friendship bond nila sa mga Chinese at Vietnamese na mangingisda ay wag sanang maglaho. 

----------

Mahilig akong magsulat pero hindi ibig sabihin nito na magaling na writer ako. Ewan ko kung anong pumasok sa utak ko para tapusin ang ikatlo at hindi tapos na nobela ni Jose Rizal, ang Makamisa. Ayon sa pananaliksik ko (weh?), hindi naman ipinamagatan ni Jose Rizal ang pinaplanong nobela na Makamisa. Ito lang ang pamagat ng unang kabanata. 

Sinusubukan ko ngayong ituloy ang nasimulan ng pambansang bayani. Alam ko na ang mga idadagdag ko ay hindi kasing galing sa mga pagsusulat ni Rizal, gusto ko lang matapos ang nasimulan ng pambansang bayani natin. Hindi ko aakuin lahat pag natapos ko ang nobela. Jose Rizal pa rin ang makikita ninyo. Hindi ko kailangang ipagmayabang na gawa ko ito dahil sapat na sakin ang maibahagi sa mga Pilipino ang isa pang nobela ng bayani natin.

----------

Halos tatlong buwan din akong hindi nakapagsulat sa blogger. Masyado kasing busy sa pag-aaral at sa pag-9gag. Marami na ulit akong gustong ikwento ngayon. Ipagpapatuloy ko rin ang Shitload 101 pero mga random thoughts ko muna ang uunahin ko dahil ito pa lang ang madaling lumabas sa utak ko.

Nawalan na rin ako ng ganang manood ng balita. Magbasa ng dyaryo nasasakyan ko pa. Nababagot na rin ako dahil pati kung saan nag date si PNoy at si Grace Lee ay kailangan pang ibroadcast. Para namang tatalino tayo dun. Ano na ba ang nangyayari sa Media natin??!! Kaawaan mo kami Vishnu.

----------

Happy Times Pilipinas!

Friday, April 27, 2012

Student Blues IV

College Life. Leggo.

Dahil bored ako at madaling maumay sa buhay, pinagdesisyunan ko na umattend ng summer term sa kolehiyo KAHIT INCOMING FRESHMAN. Dahil passion kong mag-aral at sadyang makapal ang mukha ko para makipagsabayan sa mga old-time students, nag-enroll ako.

Case-to-case basis lang pala ang pagpasok ng isang fresh HS student sa summer term. Kung mataas ang IQ mo o kaya malakas ka sa mga opisyales ng pamantasan, pwede kang maka-enroll. Kayo na pumili sa isa kung paano ako nakapasok.

Unang araw:

Excited na excited ako! Kaya every 20 minutes ay nakakaramdam ako ng ihi. Una kong subject ay ang Literature I. napa-wow ako nun! Sobrang thrilling ang unang klase sa kolehiyo!

Wala pala kamin klase sa Lit sa first day.

Dahil heartbroken (lul) sa nangyari, umuwi ako sa amin para kumain, magcomputer, labhan ang damit, at matulog. Bumalik ulit ako sa unibersidad para sa History 17 kong klase.

Ultimate lamig ng aircon sa room na naka-assigned sa Rizal Course. Kulang na lang ang styro para snow world na ang dating. Masigasig akong nag-hintay, lumabas para umihi, naghintay, umihi, at naghintay.

Wala ring klase sa History 17.

Ako na ata ang may pinaka-maswerteng estudyante sa buong mundo. Naka-tunganga ka lang, may allowance pa! Parang Congressman dating ko!

Bago ako lumayas sa paaralan para umuwi, bumisita muna ako Departamento ko para sa pending 3rd subject ko. Nakakuha sila ng isa pang sched! Ang magandang termino para sa kaso ko--"isiningit."

Pangalawang Araw:

Tumambay ulit sa loob ng room para sa Lit I. Same result--wala paring session.

Umuwi ulit ako dahil naniwala ako sa demonyo sa katawan ko na wala din kaming klase sa History 17 at sa panibago kong subject--kung san ako siningit, ang Filipino I.

Mahimbing ang pagtulog ko sa bahay at bumogchi ako ng napakarami.

Pangatlong Araw:

May klase na kami sa Lit I at nabalitaan ko na lang na nag-start kahapon ang klase sa Fil I at Hist 17. Saksakan nga naman ako ng malas oh. Happy Times na lang at ang importante ay nakapag-kolehiyo tayo.




(Author's Additional Note: Pangalawang linggo ko na sa kolehiyo at pangalawang araw na ring nababangga ang sinasakyan kong jeep pag pauwi na. Hindi na ako naniniwala na habulin ako ng malas. Ako na ata ang MALAS.)

Bwahahaha...este...Happy Times!

About Me

My photo
Ako ang dahilan kaya binabasa mo ito.

Google Analytics