Pages

Ads 468x60px

.

Monday, October 14, 2013

Nakilala ko siya sa Retorika

Hindi naman talaga kami magkaka-tabi ng upuan. Pinaupo ako sa ikalawang hanay at siya sa una. Napakalayo ng distansiya namin pero wala akong pakielam nun. Hindi ko pa talaga siya kilala noon. Ang pakielam ko lang ay matapos itong pinasukan kong klase at sawang-sawa na ako sa Filipino.

Algebra Class. Miyerkules. Nasa pang-apat na hanay ako sa pinaka-kaliwa. Nakikipag-usap ako sa isa kong kamag-aral ng isa sa kanila ay sabihin sa akin na, "Ang ganda nung nasa harapan." Tumugon ako na, "Yung nandun?" "Hindi! Yung katabi niya!" huli ko lang nasabi ay "Oo nga no? Tara puntahan natin" Hindi namin nagawang puntahan siya dahil lahat ng puwersa namin ay nasa puso at ngiti namin.

Retorika. Nagtaka kami na bakit iba na naman ang guro namin. Pangalawang professor na namin ito at kinakabahan kami na baka i-dissolve ang klase namin dahil sa konti ng estudyante na pumasok. Yun pala, may shuffle na naman sa aming klase. Ang una niyang ginawa? Ibahin ang seating arrangement. Mula sa pa-hanay na ayos ay ginawang pa-hilera. Nagulat ako dahil naging katabi ko siya. Oo nga, tama ang kaklase ko. Napakaganda niya. Yung ngiti niya, kakaiba. Nag-usap kami ng bahagya at may nalaman akong kakaunti sa kaniya. Ang alam ko ay pareho kami ng kurso at kaka-shift pa lang nya noon. Tanda ko ay inaaya ko siya na pumunta sa Acquaintance Party namin pero hindi pa siya desidido noong panahon na yon.

(Hindi siya pumunta sa Acquaintance Party)

Ang sarap pakinggan ng boses niya, nakakapanghina ng tuhod ang mapusok nyang ngiti at pinatigas niya ang katawan ko sa kakaibang ganda niya. Parang napana ulit ako.

Nakilala ko siya sa Retorika

Isang araw, iba na naman ang guro namin sa Retorika. Mas namangha ako sa klase namin dahil nakaka-tatlong guro na kami dito at wala pang nangyayari sa buhay namin maliban sa pinagawa kami nang nagdaang guro ng tula tungkol sa Pamantasan namin. Dahil dun, ibang seating arrangement na naman. Sumama loob ko kasi akala ko nung sandali na yon na mas magkakakilala kami. Mula noon ay hindi ko na siya nakakausap sa Retorika. Sa ibang klase namin, oo. Pero parang hindi ko naisulit ang panahon namin sa Retorika na halos wala kaming kakilala sa klase na yun at pwede ko siya ma-solo. Ma-solo

Nakilala ko siya sa Retorika

Halos madalas ang absences ko sa Retorika dahil boring at, hindi sa nagmamayabang, alam ko na ang kahihinatnan nito. Hindi ko talaga lubos ma-isip na bakit tatlo ang Filipino namin sa Economics at iisa lang ang Psychology subject namin. Ang binigay sa amin bilang Final Project ay gumawa ng sanaysay at isaulo. Natuwa ako dahil hilig ko ang pagsusulat ng Filipinong sanaysay pero kahinaan ko ang magsaulo ng bagay dahil sa maliit kong pasensya. Napili ko ay tungkol sa pelikulang Pilipino. Inabot ako ng dalawang araw para matapos at dalawang linggo para isaulo ang dalawang pahinang sanaysay ko. Malungkot nga lang isipin na akong chillax na lang habang siya'y nangangapa pa sa pagsusulat. Hindi ko siya kayang matulungan dahil hindi sa lahat ng panahon ay may udyok ako sa pagsusulat.

Sa araw ng pagtatalumpati namin, dalawa kami sa mga kakaunting estudyanteng nag-costume. Nagulat ako dahil nandun para mag-sit in ang isa kong kaibigan para siguro makita siya at hindi para makita ako. Isa siya sa mga naunang tinawag. Tungkol sa teknolohiya ang kanyang sanaysay. Pero wala akong pakielam dun dahil ang talagang tinitingnan ko lang ay ang ganda niya. Hindi ko makakalimutan na siya ang babaeng nakilala ko sa Retorika.

Malapit na tumunog ang bell namin kaya sinabi ko sa guro namin na ako ang susunod sa napakaraming estudyanteng nagtalumpati na. Napansin ko na isa o dalawa lang ata ang sinaulo ang sanaysay nila. Over-prepared ata ako. Nang tinawag ako, talagang kinabahan ako hindi dahil baka pumalpak ako pero dahil nasa harapan ko siya. Masasabi ko na natuwa ang klase sa nakakatuwang sanaysay ko. Natutuwa ako sa tuwing maririnig ko siyang tumawa lalo na sa parteng sinabi ko na, "Basta cleavage lang, solve na ang Pilipinas." Naughty girl ata ito. Sinabi ng kaibigan ko na napansin niya na natuwa siya sa itinalumpati ko. Masaya na ako doon.

Sa pagtatapos ng klase namin ay nilapitan ko siya para magpa-litrato. "Pwede favor? Tutal magshi-shift ka naman, pa-picture tayo at last day ko nang makikita ka." Pumayag siya at sa pinaka-unang beses ay meron akong litrato niya. Nakasama ko siya, nakausap, nakatawanan, at ngayon ay may ala-ala pa ako sa kaniya.

Kahit sino pang lalake siya mabighani, saan man siya dumako, makakakilala siya ng magpapasaya sa kaniya, makakarining ng magandang sanaysay, mapunta sa ibang kurso, ay hindi ko pa rin siya makakalimutan na siya ang pinaka-masaya at magandang babae na nakita ko. At hindi ko siya makakalimutan dahil siya ang dalagang nakilala ko sa retorika.

About Me

My photo
Ako ang dahilan kaya binabasa mo ito.

Google Analytics