Pages

Ads 468x60px

.

Monday, August 20, 2012

May CAMAY ang batas: Early Advertisement & Campaigns

Hindi na nga natin maitanggi na ang eleksyon ay malapit na uling magsimula. Pagbabago sa mga taong nangungurakot gamit ang kaban ng bayan 
at imbis na magsilbi ay pinagsisilbihan ng taong bayan. 
Kahit paman ay itanggi nila ito, kung ang CAMAY ng gobyerno ay papaganahin siguradong-sigurado matitimbrehan at lagot sila sa atin.

Maiba naman tayo, alam naman nating lahat na kapag tumakbo ka sa posisyong pang-gobyerno kailangan mo ng "cash" 
para iyong pagtakbo dalusay, walang hinto in short hindi "gas-gas." 
Ang kinagugulat ko lang ay kung saan nila nakuha ang ganitong budget. 
Alam ko may kapartido sila na tumutulong kahit ang kandidato nila ay panget. 
Ang mga pera nila ay ginagamit sa adbertismo. 
Mga "Mug Shot" nilang pinapaskel sa bahay, poste at kahit saan-saan, kulang nalang ikaw mismo.

Pero ayon sa antas ng aking katalinuhan at sa tulong ni Mr. Jeconiah Louis Dreisbach (salamat) maaari lamang magsimulang mag-campaign 90 days before election. 
Aba namay mga pulitiko "wanna be" na pasekreto at patagong nangangampanya, turo ng turo kung ano ang dapat at kung ano ang mali, di naman nila alam sila ang nagkulang sa Leksyon.

Pinapakita lang nila kung gaano sila kasakim sa puwesto, 
hindi makapaghintay, naiinip, sinasatabi lahat pati pagka-modesto. 
Kung may CAMAY talaga ang batas sure ako maraming madidisqualify, 
dahil sa dami nila kahit Math Professor di kayang i-quantify

Habang naglalakad pa lamang ako sa kanto kita ko na sa gilid, uri ng Blood Type. 
Paglingon ko sa kabila ibang poster nanaman, Grupo ni Mike. 
Yung mga kababayan natin sa kabisera na nakaranas ng haagupit na walang pangalan. Binigyan nga ng relief goods, especially yung noodles, iniba ang pack, nilagyan ng "ribbon", tinanggalan ng pangalan.

Kung gusto nyo pong tumulong edi sana wala ng sideline. 
Walang paikot-ikot, walang pakurba-kurba - straight line. 
At kung walang sakuna di tutulong at kung hindi pa eleksyon lalong hindi kikilos. 
Mag-aantay pa ba kayo na may dumating na panganib? maraming mamatay, lupaypay ang mga katawan hindi na kumikilos?

Kung ang ganitong uri nalang palagi ang sistema ng ating gobyerno ay sigurado aabot tayo sa pagkakalas ng nayon. 
Sa mga naka-upo sa posisyon  ipakita na ninyo ang "Pangil ng Batas," kailan ba ninyo yan ipapatupad? puwede ba ngayon?

Ayon sa 1987 Philippine Constitution sa ilalim ng Art. II Sec. 1 "The Philippines is a democratic and republican State. Sovereignty resides in the people and all government authority emanates from them" in simple terms, ang ibig sabihin nyan ay, ang tao ang pangunahing pinanggagalingan ng kapangyarihan ng gobyerno at hindi ang kabaliktaran. Gamitin PO ninyo ang inyong kokote, pagnilaynilayan niyo ang kandidato. Please lang po HUWAG maging bobo. 

About Me

My photo
Ako ang dahilan kaya binabasa mo ito.

Google Analytics