Pages

Ads 468x60px

.

Sunday, August 26, 2012

Noy-films: Kidnap, Musical, at Indie








Ako ang taong walang hilig sa pagpunta sa malls. Astrovision at National Book Stores lang ang madalas kong hang-out sa Ayala o sa SM. Lalo nang wala akong taste sa panunuod ng pelikula. Once or twice a year lang ako manuod dahil mas trip ko ang facebook sa bahay kesa sa 3D Glasses sa Sinehan. AT MAS lalo nang wala akong hilig sa mga Pelikulang Pilipino.

Napapansin ko sa noy-films natin na pare-pareho lang ang ikutan ng istorya at nagkaka-iba lang sa mga pinili nilang artistang gaganap. Typical na ang pinoy films na mga sexy na artista ang gaganap kahit na sabog sa pag-acting pero papatok pa rin ang films. Basta cleavage lang solve na ang Pilipinas.

lights, camera, AKSYON!
Sa action films natin, madalas dyan ang bidang mahirap at naka-jacket na goons. Aapihin ang pamilya niya ng mga kontrabidang pinagkautangan niya at ihohostage. Habang nagpaplano si bida ay makikilala nya si Leading lady na hard-to-get pero mauuwi rin naman sa isang shamwow na bed scene.

Pupuntahan ng bida at ng leading lady ang paboritong hide-out ng mga antagonists: ang warehouse. Basta kontrabida nasa warehouse ka dapat. Hindi pwede ang aircon sa warehouse at dapat naka-jacket pa rin.

Kokornerin ng mga tauhan ni boss si bida pero isa-isa silang susugod para mabigyan sila ng mahabang exposure sa sinehan at para tumagal ang pelikula. Away, putukan, sapakan, at voila! Bida vs. Kontrabida na! Take note na always sa likuran ni kontrabida ang mga hostage at ang nakataling leading lady.

Habulan, barilan, mahuhulog ang baril, sapakan, konting lines para masabing may script writing department ang film, sapakan, State of the Nation Address ng bida, bugbog-sarado si bida, linya ni kontrabida, huling sasapak si kontrabida pero makakapulot ng baril si bida, Bang bang bang bus bang! Deadbol si kontrabida. Pero bago siya mamatay ay may kaunting joke line si kontrabida.

Mala-ringside commentator ako sa pag-describe sa climax ng typical pinoy action films. Pero hindi pa diyan nagtatapos dahil yayakapin nya ang pamilya at hahalikan si leading lady. Malalaman mo lang na ending na ng pelikula pag dumating na ang PNP. Always late.

Mga tipikal na PATAWAng pilipino
Sa comedy films naman ng pilipinas ay hindi mawawala dyan ang squatter's area bilang setting ng bida. Pati ba naman sa pelikula ay kinakawawa ang Pilipino. Ang number one na formula para bumenta ang pelikula ay dapat may kasamang child wonder at tatanga-tangang sidekick ang bida. Always na dapat yan.

Ang notable na eksena sa pinoy comedy films ay ang sayawan kasama ang leading lady pag pelikula ni Dolphy at ang 5 minute musical bilang transition sa ending at sa credits pag pelikula ni redford white o kung ang pelikula mo ay pinutakte ng mga bata.

Ano ang kinabukasan ng pelikulang Pilipino?
Wala. (Joke lang!) Ang kinabukasan ng pelikula natin maliban sa kada-taon na enteng kabisote, shake, rattle, and roll, at US-made films spoof, ay ang indie. Magaganda kasi ang storya dahil tumalon sila sa "comfort zone" ng typical Filipino Movies. Kadalasan ang mga indies all-star ang casts at binubuhos nila ang lahat kahit na hindi ito makaka-generate sa kanila ng kasikatan pero mapapahusay nito ang acting skills nila.

Napahanga ako sa indie film na Zombadings na ipinalabas ng Active Vista (Salamat po!) sa aming school. Hindi ito yung typical gay films kung saan makikita mong nilulunod sa dram ng tubig si roderick paulate at binubugbog ang 3rd sex. Kwela syang palabas pero hindi nawawala ang tunay nitong mensahe: Hangga't hindi salot sa lipunan ay pabayaan na lang. Minsan kasi nanghuhusga tayo ng mga bading dahil lang sa galit ang mga kaibigan natin sa kanila. Ikaw ba bakit ka galit kay Justin Bieber at sa One Direction? Dahil lang ba galit ang mga 9gaggers sa kanila?  Dahil sa pelikula na yan ay natuto ako na rumespeto sa kapwa Pilipino. Kaya sorry Jethro sa pang-aasar ko sa iyo. Naiintindihan ko na kayong mga 3rd Sex.

Kakaiba ang approach ng Zombadings pero hindi ko pa rin maintindihan kung bakit Zombadings 1 ang pamagat kung wala namang balak silang sundan ito. Medyo may mga awkward moments sa pelikula katulad ng mga parte ng kalalakihan na dapat hindi nakatayo, matinding halikan, at weird na language. Pero mas ok naman ito kesa naman sa mga pelikula ni Anne Curtis na puro conyo ang script.

Siya nga pala, hindi porket nanuod na ng gay-themed movie ay bading na. Pinanuod ko ito dahil maganda ang reviews, gusto ko naman makapanuod ng indie, at para makapasok ako sa isang air-conditioned mula sa isang nakakapagod na death march sa pag-tree planting.

Conclusion
Masarap kumain ng Pansit Canton with matching coffee twist pag madaling-araw habang nagbabad sa net.

Balik sa tunay na conclusion..

Pinapakita ng sine ang buhay natin in an artistic way. Palagi tayong hostage ng mga matinding projects at hirap ng buhay, madalas kinakanta natin ang lahat ng problemang lumipas, at dumadaan sa buhay natin na iniisip natin ang dream leading lady natin na kasayawan. Lahat tayo ay parte ng isang mala-"The Truman Show" kung saan lahat nang kasalukuyan at nagdaang kaganapan sa buhay natin ay "pinapanood" natin sa hinaharap. Tayo mismo ang pelikulang nag-didirek, nag-eedit, at nag-cacapture ng mga good at bad moments. Iba-iba ang genre ng buhay natin pero nagkakasundo tayo na ang writer ng The Prophet's Words ay Adult ang genre ng buhay nya. Mag-bagong buhay ka na!

About Me

My photo
Ako ang dahilan kaya binabasa mo ito.

Google Analytics