Pages

Ads 468x60px

.

Friday, December 28, 2012

Bakit Masarap Umibig ng Atenista?

Hindi ako talaga naniniwala na iisa lang ang ugali ng mga estudyante sa isang paaralan. Pero kakaiba ang Ateneo dahil halos magkakapareho sila ng ugali, taste, at pangigigil laban sa De La Salle University. Isa na sa magagandang katangian bilang halimbawa ay ang mga binibini ng Ateneo. Kahit gaano man sila ka-sosy, ka-donya, at ka-hirap makuha*, sila pa rin ang isa sa mga pinag-lalawayan sa Pilipinas. At bakit naman?

Una sa lahat, kaya sosy sila kasi may datung sila. Alangan naman kumain sila sa  karinderia malapit sa ministop Katipunan? Syempre nasanay na sila sa lasang pang-mayaman lang ang nakaka-bili kaya dun sila. Dahil kung tinuruan sila ng mga don at donya nilang magulang na kumain ng hepatitis-infused na afritada, malamang makikita mo sila na nagkakamay sa may gilid-gilid.

Maraming nagsasabi na ang atenista maarte. Hindi naman siguro. Kasi, hindi lang tayo nasanay na may ka-tropang Atenista at hindi naman tayo magkaka-pare-pareho ng trip sa lahat ng bagay. Huwag mong pilitin ang isang tao na magbago para lang ma-satisfy ang gusto mo sa isang tao. Maarte sila kasi may ayaw at gusto sila, may sarili silang kaibigan, at kung La Sallista ka, talagang aartehan ka nila.

Mahirap daw makuha* ang mga Atenista dahil nagpapahabol sa pangliligaw. Yun ang magandang bagay sa isang babae ang nagpapahabol dahil ibig sabihin lang niyan na kahit anong gwapo at yaman mo ay kailangan mo munang dumaan sa napakaraming proseso, chocolates, teddy bears, SM Gift cards, Louis Vuitton, Foie Gras, Dinner sa Yacht, Universal Studios tour, at romantic scented candles na pwede lahat ng kulay except sa green. Because Ateneo hates La Salle.

Kung suplada man ang Atenista, hindi yan dahil sa mga smartphones nila at sa kanilang sossy circle of friends. Siguro dahil hindi lang sila sanay sa conversation LALO na kung sila ang mag-sisimula nito. Kailangan ikaw ang mauna dapat, ang topic hindi tungkol sa mga Pinoy Celebrities na unknown sa kanila (ex. Coco Martin, Joey De Leon, Matutina, Richard Gomez), at dapat ready ka sa iba pang topic na makaka-relate kayong dalawa. Babala lang: Kung ang topic nyo ay tungkol sa One Direction, lumayo ka na sa kanya after 5 minutes at sunugin ang litrato nya.











*Makuha na tagalog definition ang kinuha ko. Ang Makuha (Tagalog) ay nangangahulugan na maging nobya at hindi Makuha (Bisaya) na makipag-talik. Bad yun.

Thursday, December 27, 2012

Ligawan mo na ang lahat huwag lang Atenista

Ang Atenista (mga mag-aaral ng Ateneo de Manila University) ay isa sa mga pinaka-mahirap ligawan. Ang daming stages, sub-stages at classification of sub-stages na kailangan pag-daanan. Hindi tatalab ang I love you na pailaw sa labas ng blue eagle gym dahil hindi yun pupunta kasi "It's so dark na diba and besides it's so hirap mag-hanap ng taxi." Kaya ligawan nyo na kahit sino..

..huwag lang Atenista.

Ang mga Atenista pihikan sa pagkain. Ayaw sa Jollibee kasi "Their spoon and fork is plastic!" pero kung bigyan mo ng stainless steel na spoon and fork ay aayawan dahil "So gross! Ginamit na ng others yan!"

Ang mga Atenista mahirap biruin. Sabihin mong mas gwapo ka kay Coco Martin ay magtataka siya kung sinong tao yun. Kung ipaliwanag mo naman ang alamat ni Coco Martin ay ipagsisigawan "Yuck you watch Filipino Telenovelas! You're so baduy and you eat cheap foods like Ulalamm? I hate social climbers like you!" Hindi mo naman pwedeng biruin na kasing gwapo mo si Brad Pitt kasi sasabihin lang nya sa iyo na "Brad Pitt lang kilala mo sa Hollywood? Do you have televisions at may cable ba?" Mapapahiya ka lang.

Pwede ka lang mangligaw kung kapwa Atenista ka. Kasi mahirap kung sabihin mong taga-San Beda ka, "San Beda? Diba college lang kayo?" Kung sabihin mo namang champion ang SBC palagi sa NCAA, "NCAA? So you play with those yucky Lyceum and EAC? Stop bragging nonsense things!" Mas lalo nang wala kang chance kung eto mga schools mo:

DLSU: I hate you! Respect my alma mater! Our school is more superior than yours!
UST: PCCL Champions lang mayabang na! Walang bearing yan!
UP: Do you have enough classroom and professors?
UE: [Insert Superb Insult]
USC: Never heard.

Ateneo loves Ateneo lang ang batas. Kahit sabihin mo pang Harvard ka ay basted ka pa rin.

"Ow you are from Harvard? How nice! So, why are you here in the Philippines? Drop-out ka no? Are you bobo or what?"

Mahirap din i-sorpresa siya kasi hindi yan matri-thrill.

Setting: Random Romantic Place

Bulaklak, Friends nya, friends mo, teddy bear, chocolate, romantic scented candles

Atenista: Can I now open my eyes? Your palm is so sweaty kasi!
You: Eto na! Surprise!

(Ang mapapansin lang nya yung mga friends nya)

Atenista: Hi mga friends! Let's go out! And [your name] sino yan? Friends mo? San sila galing? BASECO? Wow may candles pa! May nabangga ba ng Victory Liner?

BASTED

Pero kahit ganyan ang Atenista, kahit gaano man kahirap pakisamahan, kailangang pagkagastusan, at kailangan chill lang sa expletive contents ng bibig nyan, sweet lover daw ang mga Atenista. Dahil after 12 years mo syang niligawan, ibibigay din nya ang favor at ikaw naman ang pag-aaksayahan ng panahon.

Pero i-expect mo na 3 months lang relasyon nyo. Bakit? Atenista siya kasi.







(Biruan lang ito. Number 1 school sa PHL ang USC, number 2 ang SBC, at number 97 ang ADMU. Bunga lang ito ng makulit na pag-iisip. Pero beware lang sa pang-liligaw lalo na sa mga..)

Wednesday, December 12, 2012

R.H. Bill: The Test of Political Maturity

Ngayong gabi bumoboto ang mga magagaling nating kongresista at buwaya sa kinabukasan ng pamilyang Pilipino. Magkakaalaman kung ano ang gusto ng Pilipino para sa pamilya at sa estado ng ating bansa. I-expect na sa headlines bukas na pumasa/pumalya ang RH dahil sa pagpapalit relihiyon ni Pacquiao.

Pro-RH Bill ako dahil hindi alam ng mga kongresistang babad sa pera at babae at mga paring hindi nagka-pamilya kung gaano kahirap magkaroon ng pamilya lalo sa isang bansang nabubuhay lang sa pa-isa-isang kain araw-araw. Kung lalabas lang sana sila sa trono nila at makita ang mga gusgusing bata, kung lumabas sana sila sa kotse nilang hindi sila ang nagdra-drive para marinig ang kalamnan ng mga batang gutom at namamalimos, at mapansin ng mga pari kung gaano sila kaswerte na may malaki silang tirahan habang milyon mga tao na ang tirahan lang nila ay dyaryo at flyover.

Dito rin magkakaalaman kung gaano nga ba katino ang mga kukote ng mga binoto ng madlang Pilipino. Dito hindi na tatalab ang mga jingles at promises nila. Eto na ang panahon kung uupo lang sila at maghihintay sa pork barrel o tatayo para ipaglaban ang karapatan ng bawat Pilipino. Sa mga pari, huwag sana silang bulag at arogante para hindi malaman kung gaano kahirap sa babae ang manganak at makita ang kinabukasan nilang mag-ina na blanko at walang direksyon. Kung nagka-pamilya lang kayo sana ay alam ninyo kung gaano kahirap magka-pamilya at bumuhay ng labing-isang anak. Maraming kababaihan ang inaabuso at papatungan lang nang mga lalake para sa pang-sariling interes. Takutin na ninyo ang mga politiko sa susunod na halalan dahil kayo rin mismo ang kakain sa bunga ng malaing pagtatanim ninyo. Hindi lahat ng pari ay masama at hindi lahat ng kongresista ay mangmang.

Tama na ang pagrereklamo sa kahirapan sa Pilipinas dahil tayo rin mismo ang problema at ang solusyon.

Monday, December 10, 2012

Happy Times, Random Thoughts

May dalawang uri lang naman ng Pilipino pag pinag-uusapan ang pampalakasan. Isa diyan ang Noyping super celebration pag panalo ang kapwa Pinoy at pag natalo naman ay isang linggong hindi lalabas sa kuwarto. Ang isa naman ay ang mga hipokritong kinakahiya kung sino man tayo at inilalabas ang baho natin. Eto yung mga "Ganyan talaga mga Pilipino. Pag nanalo grabe maka-bully pero pag natalo iiyak ng todo pag inasar." Wala na tayong magagawa kung ganun man tayo at hindi ako naniniwala na tayo lang sa mundo ang gumagawa nun. Kung puro panunuod lang ng CCTV news sa TV Patrol ang laman ng utak mo ay talagang magmumukha kang mangmang para sabihing uniquely pinoy ang mga kalokohan na yan. Kung nakikita mong umiiyak ang bansa ay sumama ka sa pagluksa at hindi mag-mukhang hipokrito na kung maka-asta ay todo pero nangungutang lang diyan sa kalapit-tindahan.

----------

Once in a blue moon lang talaga ako mag-regalo. At kung mag-reregalo man ako, pinaghahandaan ko talaga hanggang sa gift wrapping. Halos tatlong araw na akong nalilito sa kung ano ang ireregalo ko at kung reregaluhan ko ba siya. Kasi alam kong matapos kong iabot ang regalo at kausapin siya ay tapos na. Back to normal na ulit pagkatapos nun kaya lugi ata ako sa mga ganyan. Pero siya yung tao na mahirap kalimutan pero delikado araw-araw isipin. Gusto ko sana pero gusto ko may insentibo yung ginagawa ko. Isang araw na lang na pag-dedesisyon. Kung ako ang mag-dedesisyon, gusto ko sana regaluhan ka pero sana naman hindi matatapos ito sa isang thank you. Alam mo yung....

----------

Dalawang linggo na akong hindi nakakapagsulat dahil sa katamaran at sa pagka-adik sa How I Met Your Mother. Masarap at madaling sabayan pero ang ending naman pala ay hindi related sa kung ano mang episode ang ilabas nila. Siyempre hindi ko na sasabihin kung sino ang nanay pero kahit anong teoryang mabasa ninyo sa internet ay hindi mo makikita ito.

----------

Dalawang araw na walang klase ang isa sa mga pinaka-masarap na regalo ni Fafa Jesus ngayong taon sa mga Carolinian na tulad ko. Kahit walang ulan sa pangalawang araw na walang klase ay talagang super bundle sa ibang estudyante para makapag-enjoy sa pag-gala sa araw na nilaan para sa emergency na hindi dumating. Pero mas mahirap tingnan na kumportable tayo sa higaan habang ang mga kababayan natin ay namatayan ng mahal sa buhay, nawalan ng kabuhayan at bahay, at nasagasaan ng niyog. OO, may nasagasaan ng niyog ayon sa TV Patrol.

----------

Saturday, November 17, 2012

Shitload 101: Pass the Remote

Masyado na akong nahuhumaling sa internet kesa sa panunuod ng TV. Kadalasan kasi boring at walang saysay ang palabas lalo na pag hapon kaya mas ok ang internet dahil ako mismo ang pipili sa gusto kong pakinggan at panuorin. Bibigyan ko lang ng kaunting reviews ang iba't ibang channels sa aming cable para naman malinawagan kayo sa pagiging boring ko sa bahay at sa outside world:

ABS-CBN - Ok din mga pang-gabi nilang programa. Nalulungkot lang ako sa TV Patrol dahil mga disente ang anchors at reporters pero puro pang-tabloid na lang binabalita. May mga CCTV Videos at krimen na dapat hindi na headlines. Puro showbiz kesa sa sports. Kaya may mga mangmang na Pinoy.

PTV - PTV Sports at mga news lang ang trip ko. Mahusay ang pagbabalita nila dahil tungkol talaga sa mga programa ng gobyerno at sa estado ng ating bansa. Nakakatuwa si Snow Badua sa PTV Sports dahil makulay sya mag-balita ng pang-palakasan. Boring nga lang pag-interview segment na.

GMA - Isa sa mga pinaka-walang kwentang network sa lahat. Mga shows na ang papangit ng mga graphics at ang babaho ng mga titles. Talagang ginawan ng kwento ang aso ni San Roque at kuwentong paru-paro na naman ba? Trying hard sa mga high-tech na gamit at graphics pero halatang peke. Boring na ang Eat Bulaga at lalo na ang mga weekend shows.

Solar News Channel - Maganda ang balita sa gabi at ang ganda ng lay-out. Maglagay sila ng business news para ok sa olrayt na.

GMA News TV - Ang news channel na late sa pagbabali at palaging tulog. News TV na may cooking show at pelikula. Ang husay naman ng GMA! Bumalik na lang kayo bilang QTV at hindi ninyo sinusunod kung ano ang pangalan ng channel ninyo.

CCTN - Fail Drama shows.

BTV - Ok naman ang basketball shows except sa mga European Leagues dahil medyo boring ang mga commentators at kadalasan tambak na ang isang team 2nd quarter pa lang.

Lifestyle Network - Masterchef US, Kitchen Nightmares, The F Word, at mga baking shows. Ayos to dahil minaliit ko sa una pero matitindi din ang mga shows. Isa sa mga best networks.

ANC - Kung gusto ninyo maging aware sa tunay na nagyayari sa Pinas at abroad, eto ang panuorin ninyo kesa sa TV Patrol at GMA Nes TV.

HBO Hits- Hangover II pinapalabas lang tuwing madaling-araw. Sayang naman pero ok din line-up ng mga movies nila.

Jeepney TV - Classic Pinoy shows katulad ng ASAP at Kaya ni Mister, Kaya ni Misis. Magaganda ang mga dolphy shows at movies pero karamihan sa mga line-up ay hindi kaaya-ayang panuorin after 5 minutes.

National Geographic Channel - The Dog Whisperer Channel.

Aksyon TV - Palaging huli sa balita. WOTL lang ang maganda dito.

Top 3 Networks:
1. Lifestyle Network
2. History Channel
3. ANC

Punyeta Channel:
GMA News TV

Thursday, November 1, 2012

Ang kinabukasan ng mga sons of Satan

Ramdam ko na ang simoy ng 2nd sem at ano kaya ang kinabukasan ng tropang jerry's sa dumating pang maraming sem? Isa na sa tropa ang bumigay dahil sa ibang schedule pero tuloy pa rin ang ligaya dahil iba ang samahan naming mag-tropa. Except kung mag-aagawan sa babae syempre diyan tayo magkakaproblema. Huwag na huwag nilang subukang galawin si Luisita!

Ok sana kung matutuloy ang plano naming mag-dormitory para ma-try naman namin ang kakaibang buhay. Pero weird din dahil mag-aagawan kami sa remote, bistado si Prophet na kinukuskos ang harapang buntot sa banyo, agawan ng kumot, at nakawan ng pagkain. Pero masaya naman siguro yun except sa bistado blues ni prophet kasi kadiri yun.

Sino kaya sa amin ang unang magkaka-girlfriend. Si Prophet lang naman ang malaki ang chance na ma-una dahil kahit bading yan ay malakas pa rin sa chicks. Sana din matuloy ang balak naming marathon from SM to Danao pero ewan ko kung kakayanin ko dahil jogging ko kanina from Guadalupe to USC ay patay na ako. Ok lang naman ang mahabang takbuhan pero ang problema ang pabalik. nag-mukha akong tarantado kanina sa 7-11 dahil alas-kwatro pawisan na kaagad. Buhay nga naman.

Expected sa tropa namin na malamang ang maging matagumpay pagkatapos sa dalubhasaan ay si Chan Chap dahil nasa dugo na nya ang tagumpay. Pangalawa si prophet kasi mayaman at malamang masagasaan si gayman bago pa maka-graduate. Ako? Tomorrow never knows. 

Sarap nga naman na kahit konti lang kami sa kursong pinili namin ay siguro mas masaya pa kami sa ibang course dahil iisa rin ang hilig namin at passion din namin ang economics kahit mababa grado namin (ko).

As usual, may mga subjects kami na matataas at mababa pero pagbubutihin namin dahil minsan lang kami mag-college at ibubuhos na namin ito para naman hindi mahirap mag-apply sa McDo.

Nasan na kaya ang ka-batch namin after 10 years? May pamilya na ba sila? Communist na ba sila? Tagumpay ba o palpak? Hindi natin alam. Baka ang minamaliit namin ngayon ay ang mas magtagumpay pa sa buhay. Buti na lang at wala kaming minamaliit.

Just in case na isa sa tropa ang hirap ay malamang tutulungan namin siya dahil hindi lang naman ang tropa namin puro saya. Syempre dadaan din tayo sa mga challenges at magtutulungan kami para maging matatag kami harapin ang mga problema.

Until when ang samahan namin? Sana magtagal pero pinagdarasal din namin na si Jethro ay masagasaan ng jeep tapos pagtawanan namin katawan nya sa morgue. Hangga't may Jerry's ay nandito kami para magbigay ng Happy Times at kalokohan na popular kami sa ganya.

Ang sarap isipin ng kinabukasan pero nakakatuwang nakaka-isang sem at summer pa lang ako. Hindi nama siguro masamang mangarap at isipin ang hinaharap kasi dun din kami mapupunta. Good luck na lang sa destiny! 

Nung una kaming mag-tropa ay second choice lang namin ito. Yung isa mag-engineering, isa naman sana Business Administration, at ako naman Political Science. Pero buti na lang at naging tama ang desisyon naming piliin ang hindi mainstream na course dahil may hilig din kami dito at mas malinaw ang future namin kung ito ang kurso namin at samahan pa namin nang maraming tiyaga at nilaga.


Wala na kayong napapansin? Happy Times!

Monday, October 29, 2012

The Final Post

Dito sa blog, marami kaming dapat baguhin para naman mas maraming readers ang pumunta sa blog namin. Alam namin na masyadong maliit ang readership shares kung gagamitin pa rin namin ay Filipino dahil magiging limitado lang kami sa mga nakakintindi nito. Nahihirapan din ako mag-sulat sa Filipino kasi nagiging paulit-ulit  lang ang format ko at maski ako nawawalan ng ganang basahin.

Sa blogger naman, salamat at dahil sa website na ito ay na-enhance ko ang capability ko para mag-sulat pero kung .com lang naman ang pag-uusapan, mahihirapan kaming ilagay sa blogger dahil karamihan ng mga .com websites ay nasa wordpress. 

Eto na rin ang huling beses na magkakaroon ako ng post na ang gamit ko ay wikang Filipino. Sa pagbubukas ng blog namin eksatong 12:01 AM ng November 1, lahat na ng mga post namin ay English at may mga schedule na sa bawat post hindi katulad dito na kung kailan lang isa sa mga writer gaganahan magsusulat.

Kaya sana suportahan nyo pa rin kami sa aming pinakabagong blog, Happy Times Today, at pipilitin naming makapagsulat ng mga bagay na magpapasaya o kaya magiging instrumento para makamit ang minimithi nating kapayapaan sa mundo. :)

Sa lahat nang bumuo nitong blog, Bryant Gonzales (ako), Fadhli Bhatkal (siya), Christian Camay (sila), Jethro Cagasan (it), at kay Marionne Yap (kayo), nagpapasalat kami at patuloy kaming magsusulat sa bagong blog dahil kung hindi kami magsusulat ay malamang walang blog. Mas maganda ang features nito katulad ng:

1.) Ang shitload 101 ay Happy Times, Random Thoughts ay iisa na lang.
2.) Mas mature na pagsusulat katulad ng A day in a life, benefits of failing college, at late run reviews.
3.) Photography? Malaki din ang chance pero wala pang schedule.
4.) 2 posts a day yan. Walang pahinga sa pagsusulat.
5.) Simple look para mas mag-focus ang mg readers sa kung anong naisulat namin at hindi sa design.
6.) Sa mga boys..... COLLEGE CHICK OF THE WEEK!!!! Every Saturday yan.

Salamat sa inyo at mabuhay si John Lennon!

Monday, October 22, 2012

Happy Times, Random Thoughts

Tapos na ang 1st semester at ito ang panahon para magpahinga at maging super ready para sa susunid na sem. Boring ang sembreak ko at madalas sa bahay lang ako dahil hindi naman ako madalas gumagala at kung gagala man ay para bumili ng libro at bumili ng mga CD. Ngayon ay inaaliw ko ang sarili ko sa latest addiction ko sa loob ng bahay: Life style Network.

Alam naman ng lahat na itong network na ito ang madalas ma-skip at para lang sa mga nanay ito. Pero nahuhumaling ako bigla sa pagluluto, pag-bake, at kahit anong related sa pagkain. Panunuod at paglamon lang ang gusto ko. Pero pagluluto? Milagro lang yun na maging passion ko.

Ngayon ang pinaka-cool na pinapanuod ko ay ang Kitchen Nightmares. 1st year High School pa lang ako ay gusto ko nang panuorin si Gordon Ramsay at ang kanyang makulay na bibig at ways para mapabuti ang isang kainan. No choice din ako kundi mag-lifestyle network dahil nababagot na ako sa replay ng mga basketball sa BTV, replay ng UFC, music videos ng mga artistang feeling kumanta sa MYX (Tingnan nyo naman ang Daily top ten! Susmaryosep!), lumang films sa Star Movies at Cinema One, PURO MGA ASO ASO ASO sa Nat Geo, at pambabatikos ni PNoy kay CGMA sa ABS-CBN, GMA, TalkTV, ANC, Studio 23, DZMM, at Arirang.

Gusto ko ring maglagay ng mga channels para idagdag pero talagang bihira lang ako manuod. Ok sana kung may Discovery, History, NBA Premium TV, HBO, at Fashion TV (Midnight ...). Pero ayoko namang mag-aksaya dahil malamang ay makakalimutan ko na naman ang panunuod ng TV pag 2nd sem na.

Kaya eto ang ginagawa ko ngayon, PirateBay at YouTube. No choice at hindi ako makapag-hintay ng new episode ng Kitchen Nightmares sa Lifestyle Network.

Happy Times, Random Thoughts

PNoy live in New Zealand

Batikos na naman sa nakaraang administrasyon ang ipinagkalat nang kanyang mabulaklak na bibig sa mga OFW na umalis sa Pilipinas dahil walang makuhang ginto. Sa tingin niyo ba na tuwang-tuwa ang mga OFW natin na ang ipinapakain ni PNoy sa kanilang pamilya at anak ay mga batikos sa nanghihina na nating Dating Pangulo na si GMA? Ang yabang mo naman parekoy.

Kung talagang nang-gigigil ka ay ipa-silya elektrika mo na. Mga may sakit lang ba ang kaya mong kalabanin? Kahirapan at kagutuman? Kakulangan sa trabaho? Kamangmangan ng mga batang hindi nakakapag-aral dahil sa taas ng bilihin? Huwag sana siyang mayabang dahil binoto siya ng mga Pilipino dahil sa nanay nya at hindi dahil sa prinsipyo nya kung meron man.

Ingat ka sa mga susunod na administrasyon pag ikaw binanatan. Baka ikaw pa itong duwag at tatakbo sa Pilipinas.

----------

Hindi ba dapat gawing nominee sa Nobel Peace Prize ang mga kapwa nating Pilipinong namuno para sa pagkakaroon ng Bangsamoro? Maraming bansa ang pinalakpakan ang Pinas at may mga kumpanyang ginanahang mag-invest sa Pilipinas lalo na sa Mindanao. Ang mga kapatid natin sa Mindanao ay natutuwa at nagkaroon ng pag-asa para sa maganda at sariwang buhay sa Mindanao.

----------

Lintik ka Cynthia Villar. Huwag kang mangampanya ng maaga. Garapal ka sa pera at malamang matatalo ka. Huwag mong gamitin yang Foundation at mga inosente mong natulungan para dyan sa mala-ambisyon mong kalokohan dahil magiging tuta ka lang sa asawa mong garapal din sa pera

----------

Binalaan ni PNoy ang mga botante na maging wais sa pag-boto at iboto ang mga kandidatong may prinsipyo at huwag iboto yung mga kandidatong magaling sumayaw at kumanta. Diba nag-rap ka nung nangangampanya ka?

----------

Grades please...

Saturday, October 20, 2012

Crayon Love: Red&White

Istorbohin naman natin ang mga leon ng Mendiola. Mga simple lang naman ang mga lalake ng San Beda. Mayayaman at conyo pero mas pinili maging jologs. Kaya nga palaging basted at friendzone kasi mas pinili maging masaya kesa sa maging marangya.

-- Ang tunay na pula hindi kailangan nasa mga sossy places para masabing mayaman at may class sila. Ang tunay na kayaman ay hindi nasusukat sa kakayahang mang-waldas ng pera kung di kung paano niya maiipon ang pera nya at kung paano siya magiging masaya sa nawaldas na kaunting pera. Hindi ba boring kung nasa Starbucks ka kasi sosyal ka, oorder ng favorite na sosyal na 3-in-1, instagram, pero ang tanging kalaro ay ang smart phone. Ang mga pulang bedista mas pipiliin kainin ang mga hepatitis na pagkain. Basta busog at nandiyan ang tropa ay solve na sa kanila. Basta nandyan ang mga bro at may alak sa pupuntahan, ang lahat ay walang hangganan.

--Ang mga pula karamihan naka-kotse. Pero unlike sa mga La Sallista, hindi kailangan wow ang brand ng kotse. Basta may gasolina at maayos na kotse ay kuntento na ang mga bedista. Basta makapunta sa Tagaytay o sa pinakamalapit na hangout ay oks na oks na. Tutal from Point A to Point B lang naman aba ay diyan praktikal ang mga bedista.

--Ang uniquely Bedista ay may matinong Fraternity. Talagang may namamatay sa initiation dahil pagkatapos i-hazing ay biglang swimming sa resort. Talagang Deadbol ka nyan.

--Ang tunay na Bedista naka-Condo at Dorm at ang sahig ay puro white stains. Ang pinaka-masarap paring kasama ay ang sarili at si David.

--Ang magaling na Bedista lover ang tanging gift sa kaniyang "Ispeysyal Samwan" ay ang mga jokes, munting regalo, at surprises na ka-kontsaba ang friends. Minsan kasama condom pero minsan lang talaga.

--Sa mga babae, pagpasensiyahan nyo na pag hindi nyo nakakasama  BF nyo at nakikita nyo palagi sila sa may Gateway. Huwag mag-selos at kakagaling lang nyan sa Araneta at nanuod talunin ng Leon ang mga Stags.

--Ang mga Bedista sa sobrang pagmamahal sa GF pati taga-University of San Carlos ginawan sila ng blog article. Ahihihihiiiii..

--Madalas KJ ang mga Bedista. Huwag ninyo kasi piliting manuod ng mga pelikula ni Vice Ganda. Mas pipiliin nilang nasa-condo, kasama ang GF + petting, alak, at pirated copy ng The Notebook.


Thursday, October 11, 2012

Student Blues: Tropa's Stupid Bucket List








Tapos na ang 1st sem at panahon na para iwanan ang lahat ng problema at pagnilay-nilayan lahat nang katarantaduhan sa buhay at pagsikapang baguhin ito sa susunod na semester. Medyo magiging boring ang sembreak dahil hindi ako makakapunta sa Manila, ang lugar kung saan ako talaga nababagay, at hahayaang i-decay ang sarili ko dito sa apartment para maghintay sa start ulit ng klase. Bago kami magkahiwa-hiwalay ay pinagpasyahan naming gumawa ang tropa ng isang bucket list na kailangan naming gawin before maka-graduate. 20 surreal and exciting ang nalista namin at mababasa ninyo ang aming malikhaing paglilista ng mga bagay na hindi dapat ginagawa ng isang matinong estudyante:

1.) All four members of our tropa by fourth year must have a high position in CES.
-Simula pa lang ay matinding challenge na ito para sa tropa. Malamang ay sa tropa namin ang malaki ang chance maging president/dictator ay ang chinese friend namin. Sa aming natitirang tatlo ay mas malaki ang obstacles na madadaanan dahil hindi pa sa amin makita ang leadership skills.

2.) We must make a documentary about us from 1st day to graduation day.
-So far ay palpak na kami dahil ni isang video ay wala kami about 1st sem experience. Pero walang imposible naman at pipiliting makabuo ng isang memorable video about our college life.

3.) Troll the freshmen every year.
-Bumabawi lang kami sa mga nang-troll sa amin especially sa law building. Humanda na kayo.

4.) We must live in one dorm for one sem or year.
-Malamang magiging magulo ang dorm, puro white stains sa floor, nakawan ng pagkain, at napakalaking electric consumption. Syempre aral din. :)

5.) All of us must have a summer job together by fourth year.
-Next summer ay sure na lahat kami na makakapag-summer job dahil magiging flexible ang time namin at eto lang ang madaling gawin sa listahan.

6.) Greet someone 
-Less information at baka madale kami dito. Basta surprise na po ito sa birthday mo.

7.) All members must have a girlfriend by third year.
-Sure na sure ako na ang mauuna sa amin magka-syota ay ang propeta naming babaero. Ewan na lang sa aming tatlo. Ewan na ewan na lang dahil focus muna kami sa studies na unlike sa prophet naming tropa ay ang ambition in life lang ay maka-buntis.

8.) Petition to remove Bangsamoro.
-What the FUCK. 

9.) File candidacy for SSC. (All members at least 1 must win)
-Another ambitious project for us. I hope that no one from us will be branded as a nuisance candidate. 

10.) For one week BC will speak in Bisaya and the rest of the tropa in tagalog.
-Bisag sunod semana pa ang challenge, ready na ready na jud ko.

11.) Food Trip (out of town)
-Syempre bilang pilipino ay kailangan namin i-patronize ang mga pagkaing noypi at mahahanap namin yan kung lalabas kami ng Cebu City. Siguro i-try namin ang Chickenjoy ng Consolacion, Big n Tasty sa Carcar, at ang special Piattos ng Danao City.

12.) *Censored*

13.) Cooking Contest. (Judges are classmates)
-Sana lang ay hindi malason ang mga classmates namin. If ever malason sila ay before nila kainin ang pagkain ay bentahan na ng Insurance from Sun Life. Syempre iluluto ko ang specialty ko... rice.

14.) Outreach Program.

















15.) All members must court one girl.
-Mga lalake nga naman ay gagawin ang lahat sa ngalan ng pag-ibig. Trolli
ng ba ito o pag-ibig?

16.) Marathon from SM City Cebu to Danao Fishport.
-Sa mga hindi nakaka-alam sa layo nito, 32.7 kms. lang naman ang layo nila. Sana magawa namin ito ang ang matalo ay ililibre kami. Balak ko nga na mala-triathlon ang gagawin namin: Walk from SM to Fishport, swim from Danao to Camotes, at cycling from Camotes to Mangodlong Beach para mag-relax. Pero sobrang imposible nun at malaki ang chance na ma-rape kami ng mga dolphins.

17.) Post a video in YouTube and must reach 100,00 views.
-Excluded ang sex scandal. Siguro isang short film ang gagawin namin at chances na mag-start ang shoot ay this sembreak.

18.) By 4th year, we must have a joint enterprise worth at least P50,000. 
-Dito kailangan talaga naming mag-ipon at makinig sa mga subjects namin na business-related para mag-work ang magiging business namin.

19.) Make our Chinese friend "Proud"
-If you know what I mean. 

20.) All Members must be part of the Dean's List. One must graduate Cum Laude.
-Syempre hindi naman lahat kalokohan. Dapat kasama pa rin sa achievements namin before graduation ay maging successful ang pag-aaral. Eto ang last hurrah naminat sana maging respectable ang pag-graduate namin para hindi mahirapan sa pagsalang sa mundo at maging masaya ang parents din namin.

Thursday, September 27, 2012

School Rage: Excuse Me!

Magkakaroon na naman kami ng fun run sa Sunday. Maagang gigising para mapanatiling aktibo ang katawan at dahil isa ito sa mga requirements sa isa naming subject. Pero para namang unfair ang nangyari sa amin. Kami ang pinagawan ng excuse letter para sa parents namin at HINDI LIABLE ang school sa mangyayari sa amin. Tama bang mang-iwanan sa ere?

Sorry kung kailangan ko itong sabihin dahil masyado naman kasing mababaw ang ginagawa sa amin. Hindi ba dapat ang nakakataas sa amin ang gagawa ng excuse letter para sa parents o guardian namin? Bakit kailangan kami pa ang gagawa? Hindi naman dahil sa katamaran namin at pagiging arogante kaya ayaw namin gawin ito pero dahil responsibilidad ng iba yan. Yan ang mga bagay na hindi dapat ginagalaw namin. 

Eto ang huli sa nangyayari sa amin. Hindi liable ang school sa mangyayari sa amin in case meron man. Talaga naman kailangan naming maging responsable pero may mga aspekto naman siguro na may panangutan ang eskuwelahan samin dahil mismong eskuwelahan ang nag-udyok para pumunta kami. Pano kung may estudyanteng aksidenteng nasugatan sa alay lakad? Problema niya ba yun at tatakbuhan na lang siya?

Alam ko hindi ito kasalanan ng eskuwelahan dahil maganda ang namumuno, may mga CR na aircon, at mababait. Pero kailangan namin kayo dito. Alam nyo naman na gagawin nang isang estudyante ang lahat para lang makakuha ng mataas na grado. Sana tulungan ninyo kami at wag iwanan.

Wala akong tinutuligsa at hindi ako nangbabanat sa kapwa dahil isa ako sa mga "walking vision-mission" ng eskuwelahan ko. (joke lang!) Isinusulat ko lang ang nararamdaman ko at ng mga kapwa ko "walkers" kasi alam namin may mali dito. Ayaw na naming maulit ito sa ibang batch dahil ayaw ko na may mag-blog na katulad nito. Gusto ko ako lang ang may ganito! Monopoly!

Tuesday, September 25, 2012

Crayon Love

Ano kaya ang feeling ng taga-La Salle at ang girlfriend mo ay taga-Ateneo?

Siguro pag summer masaya kayo. Malambing at intimate sa isa't-isa habang hinihintay magtapos ang Summer. Hassle pag pasukan na. Ikaw taga-Taft habang siya nasa Katipunan. Long Distance ang relationship dahil sa haba ng pila sa LRT at sa bagal ng agos ng mga kotse sa EDSA.

Ano kaya ang feeling pag-UAAP na?

Fixed na twice sa UAAP ang magkahiwalay kayo ng upuan sa big dome o kaya sa MOA Arena. Ikaw berde habang ang babaeng nagpapasaya sa iyo ay nasa kabilang panig at naka-asul. Sinisigawan mo at inaaway mo ang paborito niyang ibon. Habang siya naman ay minamaliit ang pana ng koponan mo. Away ba pagkatapos ng laro? Paano pa kaya kung ADMU vs DLSU pag final four at pag championship?

Ano kaya ang feeling pag nalaman ng kaibigan mo?

Hindi kaya napakahirap na ipakilala ang Atenean Girl mo sa mga die-hard La Sallista friends mo. Hindi ba mala-demilitarized zone ang dinner pag kasama mo ang mga katipunera friends niya at ikaw lang mag-isa na iba ang eskuwelahan? Hindi ba sobrang awkward na ang kwentuhan niyong kalalakihan ay tungkol sa bagong kainan sa U-belt habang ang gf mo ay nakatunganga dahil hindi ma-gets?

Ano kaya ang feeling pag pinapanaginip mo ang future nyo?

Sa Ateneo ba o Sa La Salle mag-aaral ang junior mo? Saan kaya kami ikakasal? Sa malapit sa Ateneo o sa puso ng Maynila? Hindi kaya mag-World War III pag kasal at reception nyo dahil Blue at Green na alumni at students ang bisita ninyo? Baka maisip mo na mag-imbita na lang ng mga kaibigan mula sa San Beda.

Paano kung dating taga-Ateneo ang gf mo at ikaw ay dating taga-DLSU?

Nasa puso mo pa rin ba ang galit sa Ateneo kung La Sallista ka? huhusgahan mo ba ang bf mo sa kulay ng damit at sinusuportahan sa UAAP? Kung single ka, kailangan ba hindi taga ADMU ang maging gf? Puso o Pride?

Eh kung ang crush mo ay galing sa isang Jesuit school at ikaw ay graduate ng isang karibal ng mga Jesuit?

Pride o Puso? Mamahalin mo ba siya o lalayuan dahil alam mo namang ayaw na ayaw mo sa Ateneo? Kung Atenista ka, ibabasted mo ba siya hindi dahil sa pangit siya mangligaw kung hindi dahil taga DLSU o taga-Beda siya? Asan na ang pagmamahal?

Buti na lang Carolinian ako :) Ang iniintindi lang ay kung ano ang kakainin sa Lunch at kung may barya pa para sa jeep. Pero nanghihinayang pa rin ako. Naging Leon ako habang siya ay .... God Damn it!

Monday, September 24, 2012

Happy Times, Random Thoughts








Sa wakas ay natapos na namin ang Video Project sa Theology. Sa lahat ata ng video projects ng mga grupo sa class namin ay kami ata ang imposibleng ma-archive ng Philippine Government. Ano naman ang dahilan?

1.) Ang title namin ay kanta ng The Beatles at ang mga musical scores namin ay galing lang sa youtube at beemp3. Kaya surrender kaagad kami kung kasuhan kami dahil sa walang-awang pag-download sa YouTube. Pero salamat na rin sa pag-share nyo sa YT.

2.) Sobrang na-impluwensiyahan ang movie namin ng Word of the Lourd at ng isa sa mga music video ng Radioactive Sago Project. Ang character ko at character ng isa kong kaklaseng galing sa isang chinese school pero hindi mukhang chinese ay halatang may indie touch. Walang script at puro kalokohan lang.

3.) Hindi rin masasabing Indie Film ang ginawa namin dahil nag-endorse kami ng dalawang inumin. Kaya pasalamatan sana kami ng Pepsi at San Miguel dahil in-advertise namin ang mga produkto nila for free.

4.) May subtitles ang film namin pero 50% lang ng movie ang meron nito. Dahil tinamad ako at bisaya ang karamihan sa linya kaya nahirapan ako i-translate ito into English subtitles.

5.) Wala si Tado kaya hindi talaga Indi Film ang ginawa namin. Isang hamak na Video Presentation sa theology talaga ito.

----------

Linggo. Umaga. Maaliwalas.

Sa isang boring na araw ay no choice kung hindi mag-laba na lang ako. Pumunta ako sa back door namin para mag-laba. Sa third floor ang maliit kong selda. Habang naglalaba ay napatingin ako sa kanan--kapwa labandero. Pagtingin sa kaliwa--WTF. dalawang manok. Inuulit ko--apartment, 3rd floor, manok. Punyeta. Sabungero kapit-bahay ko.

Ngayon ay conflict na sa pag-tulog ko ang mga manok. Titilaok ng alas-dos ng umaga pero hindi titilaok pag umaga. Talagang panabong sila at hindi natural alarm clock. Syempre dahil sa newbie sabungero ang kapit-bahay ko ay hindi nya na-anticipate ang masamang dulot ng pag-lagay ng manok sa third floor ng apartment complex.

MATINDING ULAN.

Basta nagising na lang ako na naging literal na basang sisiw ang mga manok niya. Tumitilaok pa naman kaya natuwa ako at buhay pa ang mga hayop ni Lord. Pero hindi ko alam kung maa-awa ako o maiiyak sa lungkot at bad trip sa mukha ng kapit-bahay namin. Mukha bang Batangas ang apartment namin para mag-lagay ng manok? Mag-hamster ka muna!

----------

Sa kauna-unahang pagkakataon sa 17 years of existence ko sa Earth ay hindi ako tinablan ng isang horror movie. Nakakatakot naman talaga ang pelikula pero sa sobrang paggamit ng utak ko ay nakalimutan nitong gumana para takutin ako habang ala-una na at nag-eedit pa rin ng film.

Gumana naman ang utak ko. Migraine nga lang. Hassle nga naman. Sana horror na lang at madali itong kalabanin pag sobrang takot ka na. Kumot lang ay wala na ang takot. Hindi katulad ng Migraine na kahit anong gawin mo ay parang mamamatay ka na dahil no choice kung hindi maki-ride sa sakit.

17 na rin pala ako para hindi matakot sa horror. Dumaan na pala ang edad kung saan ang parents ng GF (kung meron) ang kakatakutan. 

----------


Wednesday, September 12, 2012

Student Blues: Artistic Video Presentation








Malapit na ang pagtatapos ng 1st sem at amoy na amoy na ang simoy ng pagdurusa papuntang finish line. Binigyan kami ng isang napakatinding all-in-one na project sa Theology na nangangailangang kumanta, sumayaw, mamigay ng souvenir, gumawa ng dasal, at gumawa ng video. Dahil isa akong tanyag na adik sa computer ay na-assign ako sa pag-direct, pag-gawa ng script, at pag-edit sa video namin. Tungkol ito sa Teenage Experience about sa mga pagkakamali at kung paano tayo binigyan ng pardon ni Papa Jesus.

The Script

Hassle ang pag-gawa ng script dahil binigyan lang ako ng kalahating araw para tumae ang isip ko at maka-labas ng matinong scenes at script. Inuna ko muna ang mga scenes dahil hindi ganun ka-genius ako katulad ng ibang writers. Mga +1 IQ Points ang lamang nila sa akin. (Biro Lang!)

Kakaiba ang nagawa kong script. Hindi ordinaryong video project lang sa isang subject. Kinareer ko ang pagsulat dahil gusto ko na maging mala-pelikula ang script namin. Pang-cannes.

Naka-abot ako sa deadline sa scene making pero inabot pa ako ng additional na apat na araw para matapos ang script sa 27 scenes. Dahil may mga walang kwentang scenes ay nabawasan ito at naging 24 na lang. Meron ding alternate endings pero focus muna tayo sa normal na takbo ng "pelikula" at huwag munang isipin ang karagdagang stress at problema.

Director's Chair

Dalawa kaming director sa movie namin. Isa chinese at isang gwapo. Isa ako sa director at hindi ako Chinese kaya malamang alam nyo na kung sino ako. Mahirap mag-direct kung nagkakaroon ng conflict sa mga ideas, walang ginawa ang kaklase mo kung hindi mag-gangnam style, puro kagaguhan naiisip, at natatapakan pa ang shooting time sa mga hassle na assignments sa ibang subjects. Pero eto ang trabaho kaya no choice kung hindi gawin ang dapat gawin.

Ang kaklase ko na taga-ateneo at taga-sacred heart ang mga madali at masarap maka-trabaho. Walang arte-arts--film agad. Saludo na ako sa mga Atenista kaya wala nang iba pang dahilan para babuyin ang mga Jesuits dahil lang sa dati akong Bedista.

Minsan nakakahilo magbigay ng mga dapat gawin sa mga ka-group mates lalo na pag mas pinapakinggan nila ang trip ng hindi ka-grupo kesa sa importanteng gawain. Tumatahimik ako at hindi sumasama sa kanila pag nasisira ang plano ko. Yun ang weakness ko--sirain mo ang plano ko at sabog na ang araw ko.

Teddy-ting

Ang pinaka-hassle sa lahat--ang editing. Buong senses ko kailangan gumana lalo na ang mata para makita ang mga mali sa isang clip at kailangan gising hanggang madaling araw. Paborito kong trabaho ang pag-edit ng video dahil mas nahahasa ko ang creative skills ko na kailangan ko para matanggap bilang delivery driver ng KFC.

Isa sa mga trademark ko pagdating sa pag-edit ng films ay ang paglalagay ng subtitles. Masyado nga lang mahirap ang sa ngayon dahil may mga bisaya na lines na kailangan i-translate to English. Lahat kasi ng sasabihin na linya ay may English subtitles.

----------

Isang masarap na experience ang paggawa namin ng film dahil nabigyan ako ng isang linggo para tapusin ang pag-edit na hindi tulad sa iba kong naging projects na dalawang araw lang at kailangan ay wow na ang lahat ng pag-edit. Tinulungan kami ng chairman namin sa department, CES Officials, at ibang cast ng USC para maging ubod ng lubod ng gubod na ganda ang film namin. Hindi ako papayag na basta-basta lang "Project in Theology" ang ipapasa namin--FILM talaga.

Kaya medyo may pagka-indie touch ang film namin dahil maraming social issues ang tinackle at talagang may subtitles pa kung balak naming isubmit ito sa Cannes o sa Venice Film Fest. Pero siguro ipasa muna namin ito sa CITOM Film Fest bago ang mga international na film fest na mas malaki pa ang chance na manalo sa lotto kesa sa manalo ng award o ma-nominate lang.

May kasabihan na mag-trabaho ka sa isang bagay na ikaliligaya mo at hindi mo na kailangang mag-trabaho pa dito. Malamang si Bob Marley nag-sabi nyan kasi siya lang naman ang mahilig magbigay ng quotes.

Tuesday, September 11, 2012

Maling Paggamit ng Internet








Ang paboritong laruan ng mga kabataan, ang panibagong mundo ng mga forever alone na tao, at ang bagong paraan para magkapera ng mga nagsisimulang negosyante. Marami na talagang silbi ang internet. Mula sa boring pero simpleng look nito ay nag-iba ito bilang isang all-in-one world para sa lahat.

Pero habang umuunlad ang teknolohiya ng internet ay bumababa ang IQ ng ibang taong sa sobrang adik nila sa pag-internet ay nakalimutan na nila na may utak pa sila sa loob ng ulo nila.

1. #saFB

-Facebook, twitter, plurk, myspace, tumblr, linkedin, at iba pang mga social sites. Sa tinagal-tagal mong nasa cyberworld ay hindi mo pa rin ba alam ang pinagkaiba ng Twitter at Facebook? Puro mga #I'mhavingFUN na kalokohan sa facebook pero pag pinag-twitter mo ay tatanga-tanga. Seryosong isipan at hindi sabog na konsepto.

Kadalasan itong gamit ng mga ubod ng #papansin at #walangreallife na mga tao. Wala kaming pakielam sa hash tag na yan dahil sa paningin naming mga gumagamit ng FB, Number sign pa rin yan.

2. Wala kaming pakielam sa kinakain mo

-Instagram ang pinaka-ayaw kong app sa buong mundo. Tatandaan ko na nangangapa ang tao sa malilinaw na litrato tapos ngayon ay ipapa-oldies look para kunwari pinicturan nung Stone Age. Kailangan talaga na picturan ang pagkain kesa sa kainin na lang. Opportunity cost is so taas you know because kesa sa ikain mo ay inaksaya mo ang isang minuto sa pagkuha ng litrato at pag-filter. Malay mo dahil sa pag-aksaya mo ng panahon ay dapat sana ay tatama ka sa lotto o kaya magiging pangulo ka ng Pilipinas. Huwag maliitin ang segundong oras. 

At mas lalo walang pakielam kami sa slurpee mo. Flavored Crushed Ice sa isang convenience store lang yan. Pambihira pati P25 na bagay ay ififilter pa. Bili ka na lang sana ng razor sa 7-11 tapos pakamatay ka.

3. Ano ang mapapala namin sa cute mong hayop?

-Madalas na sa Facebook at 9gag ang mga picture ng mga cute na hayop. Grabe nila ipagmayabang ang saksakan ng ganda nilang pet at sa O.A. nilang pag-filter sa instagram. Unahin mo munang ipagmayabang ang picture ng kuya mo kahit mas mukhang hayop ito sa mga uod. (Hayop ba ang uod?) 

Sabagay ay stress-removal ang cute na hayop pero huwag namang araw-arawin dahil masyado nang nakaka-umay tingnan. Siguro may dalawang araw na di ka mag-popost saka mag-upload ng pics ng boyfriend mo.

4. Huwag ka nang makipag-kompetensiya sa mga pulubing nanglilimos

-Hindi naman siguro kailangan istorbohin ang mga kaibigan sa facebook para i-chat para magmakaawang i-like ang status o picture mo. Alam namin kung kailan ililike ang picture mo at kung kailangan ba itong i-like.

Ok lang kung fan page. Lalo na pag Happy Times Pilipinas-related ito. Tataas GDP natin diyan.

5. Mas masarap ang tunay na buhay

-7 bilyong tao sa mundo, magandang lugar, at slight na masarap na simoy ng hangin. Hangga't matino pa ang lahat ay bakit hindi tayo makipag-kita in person? I-value natin ang pristine condition ng mga pinutol na puno para itayo ang subdivisions natin. Pero ingat lang sa imi-meet lalo na kung nakilala sa facebook. Baka mabalita ka na lang na patay at nakita sa batis na hubad. 

Wednesday, September 5, 2012

Wise ka?








Trending Yesterday: Panic Buying

May mga point sa isang taon na sabog ang ekonomiya, bagsak ang palitan, bagsak ang grades ng mga estudyante at maraming iba pa. Ang Panic Buying ayon sa aking kaibigan na wikipedia ay isang term "to describe the act of people buying unusually large amounts of a product in anticipation of or after a disaster or perceived disaster, or in anticipation of a large price increase or shortage."

Pero kung sakaling ganyan ang mangyari sa pilipinas..handa kaya tayo?

Baka kasi akalain nila ang panic buying eh ang haba ng pila dahil ang lahat ay gustong bumili ng "panic" na produkto. Hindi po ito produkto o pagkain.

handa kaya tayo?

Baka kasi yung iba makipila sa napakakakakakahabang pila para cool sila. Nakiki-in. Wow na wow ang dating nila. Yung tipong naka "kontrabida jacket" pa sila kung pumila.

handa kaya tayo?

Malamang mabagal ang daloy ng trapiko sa pagitan ng mga utak ng mga pulitiko. Sa senado malamang-lamang magpapatawag na naman ng imbestigasyon bago ang pagtulong. Mauuna ang pag-patalsik sa Chief Justice kesa sa pangalagaan ang kalusugan ng mga kababaihan


handa kaya tayo?

Pag tinanong nyo si PNoy, malamang ngingiti yun. Mabubusog ba tayo sa ngiti nya? Sa Labi nyang nangitim?

handa kaya tayo?

Pano kung i-take advantage ito ng ating mga kalapit bansa? Ioverprice ang bigas, noodles at condoms. Eh eto ang malupit na scenario. Pano kung sugurin tayo ng Tsina?

handa kaya tayo?

Madalas sa ating mga pinoy ang habit ng pagla-last minute shopping. Yun ay isang uri ng panic buying dahil may oras ka na tinatarget. Kung ako sa inyo, December 26 pa lang, mamili na kayo ng ipanghahanda para sa December 25 ng susunod na taon. Wag yung kung kailan December 20-24.5 Bad daw yun sabi ni Ninong Manny.

Salamat at binasa nyo ito. Dahil dito, nadagdagan pa ang problema at karga ng utak nyo. Eto opinyon ko lang, gising mga pulitiko. Kayo lang naman ang bobong pinoy.

At kung sakaling namatay na sa gutom o binitay ang mga senador. Ang mainam nyong gawin ay mag-ipon ng mga kakailanganin sa bawat panahon. At pag nagkaroon ng depresyon, panuod-nuod lang kayo ng Eat Bulaga with matching iced tea and lechon na chibog.

Trending Now: Happy Times Pilipinas


Wise ako eh ; )

Saturday, September 1, 2012

His Excellency President for Life, BC Gonzales, VC, DSO, MC, MBE, CBE, Ph.D








(Biro at kwela ang mababasa ninyong Article. Hindi talaga ito ang tunay kong balak kung maging Presidente man ako ng Bansa)

Ano kaya ang mangyayari kung maging Presidente ako?

Ang pinaka-una kong gagawin ay i-distansya ang sarili ko sa aking Political Party. Magiging ehemplo ko si Pareng Manuel Quezon sa kanyang sinabi na "My loyalty to my party ends where my loyalty to my country begins." Mabuti nang tawaging mangmang habang naka-upo kesa maging kontrolado ng mga TraPo.

Para maging cool ako, papalitan ko ang pangalan ng Departamento natin bilang Ministry ulit. Maganda kasing marinig ang Ministry of Education kesa sa generic na DepEd. Isasama ko sa iisang ministry ang Finance, Budget & Management, at DOLE para tawaging MILF - Ministry of Investments, Labor, and Finance. Oh diba ang cool marinig sa 24 Oras? Sana nga lang hindi tayo kasuhan ng M.I.L.F. at ng mga milf's dahil sa ginawa kong landmark name change.

Sa mga magkakaaway na pulitiko, baboy na palamunin ng gobyerno, at kapit-tuko sa pwesto pero naghihirap ang constituents, babantaan ko sila na ipapapatay sa mga bata ko para mag-tino. Bibigyan ko sila ng tatlong buwan para ayusin ang trabaho nila kundi ay makikita nila sarili nila na palutang-lutang sa Celebes Sea. Malaki ang gantimpalang ibibigay ko sa mga mabubuting pulitiko katulad ng season pass para sa CESAFI o sa NCAA.

Para mapatatag ang pag-kuha natin sa Kalayaan, pormal kong gagawing Bangsamoro ang Kalayaan Group of Islands. Para naman maging masaya sila ay magfufund ako ng SM sa Scarborough shoal. Problema na nila yun kung paano nila itatayo yun sa isang shoal. Ililipat ko rin ang mga big-time na mga kriminal sa Kalayaan especially sa Sansha kung saan pwede silang mamuhay ng normal.

Sa mga aktibistang always naka-schedule ang rally sa bawat pangulong dumaan, bibigyan ko sila ng all-expense paid trip sa China. Habang nasa loob sila ng Bus sa Beijing ay ikokontsaba ko ang Chinese Government na may mang-hostage sa kanila at barilin ang lahat ng walang kwentang militante. Additional friendship points yan sa China.

Para kumita ang Gobyerno ko, itra-transform tuwing gabi ang gusali ng kongreso bilang isang building para sa mga call center. Mas mapapahimok ko ang investors na mag-invest sa Pilipinas. Every weekend ay pwedeng maging host ang Malacanang ng mga birthday parties, debut, at JS Prom. Siguro P8,500 per hour ang singilan dun. Hindi pa kasama dyan ang pagkain at fee sa pagpapa-picture with me.

Every lunch ay mag-iinvite ako ng mga kainan para mag-luto sa akin. Kunwari pa-contest kung sino ang may pinaka-masarap na Bulalo. Ang premyo siguro ay autograph ko at free pa-picture sa akin. Dadalhin ko ang gabinete ko at ng Timor-Leste para ubusin lahat ng dinala ng mga contestants. 

Dahil kailangan ang Republika natin ay "green", hihimukin ko ang lahat ng taong-bayan na mag-mangrove planting sa backyard nila. Problema na nila yung kung paano tutubo ang Mangrove. Basta nagawa ko ang trabaho ko na himukin ang Bayang Pilipinas.

Para naman makalimutan ng bawat Pilipino ang kani-kanilang mga problema, once a month akong magkakaroon ng Martial Law at after 3 hours ay babawiin para sabihing joke lang yun. Syempre tatawa ang mga Pilipino at magiging dahilan para makalimutan ang mga problema sa buhay.

Para makatipid sa space, ilalagay ko sa iisang malaking bahay ang bawat embassies sa Pinas. Mala-big brother ang dating kung saan bawat galaw nila ay kita ng camera. Ibebenta ko ang TV Rights para dito para kumita ang Gobyerno.

Surrender na ang gobyerno sa pag-claim sa Sabah. Wala namang silbi yang lupain na yan kung mapunta sa atin. Inyo na yan Malaysia! Pero mag-fofocus ang gobyerno sa pag-claim sa Baja California at mag-fafabricate ng mga mapa kung saan bahagi ito dati ng kaharian ni Lapu-Lapu.

Gagawin kong tourist attraction ang Mindanao sa pagtayo ng isang Abu Sayyaf Theme Park. Eto ang realistic version ng Counter Strike. Syempre ang bibisita ay Counter-Terrorist at ihi-hire ko ang mga Abu Sayyaf, Rajah Sulaiman Group, CPP-NPA, MNLF, at MILF para maging Terrorist Forces sa laro. Oh diba ang gandang marketing strategy?

At ang pinakahuling balak ko sa pagiging Presidente, never ever magkukwento sa love life. Blind items lang about sa cabinet members ko ang i-share ko sa mga reporters. Katulad ng "Bakla at may gusto si Minister 1 kay Minister 2"


(Karamihan sa mga walang saysay na ideas ay nagmula sa malikhaing pag-iisip ni Jethro Cagasan)

Friday, August 31, 2012

Student Blues: August Moments

Nagtapos na rin ang agosto at simula na ng "ber" months. Papalapit na ang katapusan ng 1st sem, katapusan (daw) ng mundo, at pasko. Hectic, hassle, at happiness ang bumulaga sa lahat sa amin noong August. Talagang amoy na amoy na ang simoy ng college life: Pahirapan at kaunting relaxation. Buwan-buwan ay natututo kami ng mga bagong mekanismo, paraan, at dapat gawin para hindi kami mapag-iwanan sa mabilis na buhay sa USC. Natutunan ko na dapat talaga mag-lihim ka ng sikreto dahil may mga tao pa rin na hindi mo mapagkakatiwalaan at bigla na lang iiwanan ka pag na-torture ka na nila sa pag-amin. Araw-araw awkward ang nangyari tuloy. Problema nga lang kinareer nya ang sumabog na sikreto.

Kawawa siguro ang mga lalakeng nasa dormitory dahil sa pagka-hectic ng oras ay nagkukulong na lang sa loob ng room nila. Tissue, jergens lotion, at magazine lang ang nagpapasaya sa kanila. Kawawa rin sa mga katulad ko na tatlong oras naka-titig sa blog para sa latest traffic updates.

Midterms
Eto ang panahon kung saan tumataas ang bentahan ng instant noodles, kape, at shabu. Dalawa sa tatlo lang ang tinira ko nung midterms dahil no choice ako kung hindi mag-aral ng mag-aral. Wala na akong time sa matinding pagluluto at kailangan ng pampagana sa hatinggabi. Ewan ko pero sadyang masarap mag-aral tuwing madaling-araw dahil tahimik at mas nakaka-focus ako sa pag-memorize sa buong libro ng Economics. Eto ang dahilan sa pagmulat sa akin sa mga pagkakamali ko na dapat baguhin pagkatapos ng Midterms.

Karaoke
Ang lunas sa sakit sa ulo ng midterms ay ang microphone. 2 hours non-stop kantahan ng mga kahit anong durog na kanta. Mula Bohemian Rhapsody hanggang sa kanta ng My Chemical Romance, kaming mag-tropa ay nagrakrakan sa mala-sauna na karaoke room sa timezone. Hindi pa natapos ang microphone journey namin at nagbabad sa isa pang sikat na KTV sa Cebu. Rakrakan, love songs, hanggang OPM, carry ng lahat mapa-lalake o babae man ang kanta. Syempre reserved na sa mga babae ang heartbreak songs at reserved na sa lalake ang mga kanta ng LMFAO. Sabayan mo pa ng pag-sayaw ng "Sexy and I know it''!

Warrior's Run
Asa namang tumakbo ako dahil hindi naman ako  physically fit ngayong panahon para sa mga sports. Ang huling sport ko na ata aside from competitive escalator riding ay table tennis.

Nagpasya ako maging volunteer bilang taga-bigay ng tubig sa mga runners. Oo sisiw lang ang trabaho namin pero hindi madali ang gumising ng 3 am para lang magbigay ng tubig. Syempre gusto ko rin ma-experience ang mga trippings ng USC at hindi kami magpapahuli sa mga fun activities na sponsored ng USC kahit na mapuyat o makulangan ng tulog. Tinapos namin ang trabaho namin sa pagpunta sa isang buddhist temple para mag-alay at bigyan ng gabay si Marionne Yap. Nag-temple run kami pagkatapos habang karga ko ang propeta namin

Barrio Fiesta
Matapos ang masayang pagbibigay ng tubig sa mga masasayang runners ng masayang run, nagkaroon kami ng lumpia-eat-all-you-can bilang agahan. Masarap pero wala na kaming ganang kumain dahil mas excited kami sa tubig kesa sa pagkain. Ironic din na kaming mga water warriors ang nauhaw pa.

Pagkatapos ng agahan ay nag-simba kami para pasalamatan ang dapat pasalamatan sa isang fruitful na midterms na naibigay nya sa amin. May point na nakatulog ako ng bahagya sa misa hindi dahil boring ang homily kundi nakakapagod din ang umaga namin. Pero nagising naman ako nung may na-isip akong isang weird na word na kaagad ko naman ni-relay sa mga kasama ko. Susej.

Pagkatapos ng pagpapasalamat ay pumunta kami sa isang Barrio Fiesta sa loob ng campus namin. Bawat department ay may sariling handaan. Wala kaming ginawa kundi kumain ng lumpia, kurutin ang lechon, own version ng coke float, at rice-all-you-can. Kumain, sumayaw, kumain. Worth it ang pag-gising ng maaga kung ang kapalit naman ay nakakatuwang fun run with our VP at isang bonggang handaan.

Counter Strike
Ang laro na nagpapa-digest sa kinain namin, nagpapawala ng stress sa madugong exam, amnesia factory para sa love life, at isang paraan para patatagin ang samahan. Kawnter Istrayk.

Ako na ata ang inaayawan sa laro na yan dahil ako ay kilala sa pamamato ng mga bomba sa teammates. Ginagawa kong human shield ang character ni Marionne kaya badtrip sya sa akin. Bakit nga naman seseryosohin ang isang laro?

Hindi naman ito nagpapawala ng focus at gana namin sa pag-aaral. Naglalaro lang kami pag walang prof. at marami kaming time. Hindi namin pinipilit ang sarili naming mag-laro kung hostage kami ng oras. Syempre may limitasyon ang paglalaro ng computer games dahil kami ang mga future economists ang "Walking Vision-Mission" ng USC.

Love
Wala na akong makukwento pa sa pag-ibig dahil yan ang isa sa mga bagay na hindi dapat ibinebenta sa cyberspace. Pero ibabahagi ko na rin sa inyo ang isang sikreto: Si Mr. PCGS ay mahilig din sa bulaklak. Hayop ka.

Pageviews
Maraming salamat sa mga nag-view sa blog namin dahil as of 10:31 PM ng 8/30/2012 ay 2494 na ang views including ang isang reader from Budapest, Hungary. Nagtataka lang ako kung sino itong taga Roosevelt, Masbate na constant tambay ng blog namin. Salamat sa iyo at sana'y ipagpatuloy mo pa ang pagmamahal mo sa sarili nating gawa.

Halos isang taong hinintay ko na ganito dadami ang mga viewers ng blog ko. Akala ko hanggang pangarap lang ang ganito. Pero dahil sa mga kaibigan ko na nag-sulat sa Happy Times Pilipinas, dumami ang views at nagkaroon na rin kami ng kaunting followers. Ito ang nag-udyok sa amin para gumawa ng fan page sa facebook.

Physical Education Festival
Ang culminating activity sa lahat ng paghihirap namin sa PE. Pinilit naming ayusin ang dalawang kaliwa naming paa, sinugod ang init, nilublob ang paa sa putik, at maagang pumasok papuntang Talamban Campus para lang sa matamis na high grades.

Alam naman ng lahat na hindi naman kagandahan ang sayaw namin. Ok ang malong tricks na itinuro sa amin pero dahil sa fatigue, sabog na ang klase namin. Hindi pa talaga sanay ang utak namin para isakripisyo ang katawan para sa grades. Sa ayala expedition ay pwede pa pero stepping stone to para ma-disiplina kaming mga "Walking Vision-Mission" ng USC.

USC Shuttle Ride
Hindi naman big deal ito pero napaka-unique at cool experience para sa amin itong mag-tropa. Kadalasan ang shuttle ride lang sa USC-TC ay within the campus lang dahil sa mala-UP Diliman nitong laki.

Pero.. USC-TC to Ayala? Seems Legit.

Puno ang mga jeepneys at hindi worth it ang pera namin sa taxi kaya nagmukha kaming hungkag sa labas ng Talamban Campus. Alangan namang mag-lakad kami dahil parang nilakad mo lang mula LRT Santolan Station hanggang Araneta Center-Cubao sa layo.

Pero sa gitna ng disyerto ay may nakita kaming pag-asa. Isang pag-asa na magdadala sa amin sa ligaya at maglalayo sa amin sa kapahamakan. Isang nakawalang shuttle mula sa TC. Dahil sa hindi na gumagana utak namin sa intense na init, sinubukan naming patigilin ang shuttle sa paraang winagayway namin ang ID namin. Milagrong tumigil para sa amin. Another advantage for being a Carolinian nga naman.

Matapos makarating sa Ayala, kumain muna kami para patahimikin ang demonyo sa tiyan namin at para maka-relax. Kinain ng propeta namin ang tira kong ulam dahil sa sobrang pagkagutom. Pagkatapos ay nag-sightseeing kami sa Ayala kung saan nakakita kami ng mga Amazonang magaganda. Kaklase pala namin. Nagha-hallucinate pa ata kami nung panahon na yan. Maganda sila pero hindi sila Amazona dahil may damit sila at walang pana.

Active Vista I (Bunso)
University Days sa aming pamantasan kaya sandamakmak na activities ang ibinigay nila para sa mga Carolinians. Isa na dito ang free screening ng Active Vista. "Bunso" ang pamagat ng napanuod naming documentary tungkol sa paghihirap ng mga nakulong na bata sa madumi at magulong kulungan. Talagang mahahabag ka sa kundisyon ng buhay nila: Maduming Inumin, Nakatayong Natutulog sa sikip, at Drugs. Mga nagkamaling bata na mas namulat sa marami pang pagkakamali.

Hindi ata tama na isama sila sa mga nakakatanda dahil hindi ganon kabigat ang mga kasalanan nila para kasama mamuhay sa preso ang mga pusher at rapist. Mas nakakaawa pa ang nangyari sa dulong bahagi ng docu kung saan ibinalita ang pagkamatay ng dalawang bata matapos makalaya sa kulungan. Isa sa aksidente at isa sa nasobrahan sa droga. Musmos na itinapon ng panahon.

Fantastic Friday (Tree Planting, Active Vista II, SBE Forum, New Tech Forum)
Nagkaroon ng Tree Planting sa loob ng isa sa mga campus ng USC. Kailangan ang attendance dahil nagsilbi itong Midterm Exam sa NSTP namin. Para ganahan kami sa mala-death march experience sa pag-akyat sa kakahuyan, tinawag namin ang expedition namin bilang "Happy Times Kalikasan" kunwari community program ng blog na ito para barberong ipakita na mga naturalists ang mga writers dito.

Tanim, kanta, tanim, sayaw, joke time, at voila! Mga madudungis na Carolinian! Kung ang iba ay natapos na ang araw sa Tree Planting, ako hindi pa. Simula pa lang yan ng isang big-time Friday sa USC.

Matapos tulungan si inang kalikasan, pumunta kami sa Fine Arts Theatre para sa Activ Vista screening ng Zombadings. Bonus pa dahil ang lamig ng theatre, nandun ang bida, producer, at director. Nakakatuwa ang movie at friendly ang mga naging bahagi ng Zombadings. Sa mga hindi pa nakakapanuod ng Zombadings, mag-ingat sa "hagdanan scene"

ala-una na ng hapon at kailangan ko pang pumunta sa Downtown Campus namin para sa isang SBE Alumni-Sponsored Forum. Akala ko nung una ay SBE Alumni Reunion at talagang nag-prepare pa ako ng mga questions para sa mga dating Carolinians. Yun pala, Forum. FORUM. F-O-R-U-M.

Nakatulog ako sa jeep sa sobrang pagod pero kailangan ipagpatuloy ang paglalakbay dahil kailangan kong gawan ng article ang Forum na pupuntahan ko. Late na ako nakapunta pero buti na lang ay late din sila nagsimula. Siguro hindi sila nagsimula kasi wala pa ako. Biro lang!

Natutunan ko kay Mr. Adrian Ding ang mga paraan para maging isang winner at mag-stand out sa iba pang Carolinian at mga estudyante ng mga schools sa Cebu. Positive thinking at kami ay inaasahang gawin ang lahat kahit matawag pang-corny at gago para lang mag-tagumpay sa buhay. Salamat Sir Jon sa pag-assign mo sa akin sa forum na yan dahil marami akong natutunan sa Speaker.

Pinaka-huling pag-subok ni Hesukristo sa akin ang isang New Tech Forum na ginanap malapit sa Provincial Capitol. Karamihan sa mga "technologies" nila ay walang gamit katulad ng mga about sa videos na pwede naman nating makuha sa YouTube, mga conference na provided ng Skype at hindi na kailangan na bilhin pa ang "Technology" nila. Siguro hindi lang bumenta sa akin ang mga trip nila dahil mulat na ang mata ko sa mga what's hot (not hot men) sa cyber world.

Sa pag-uwi ko sa Apartment ay humiga ako at nag-contemplate sa buhay ko at sa mga misteryo ng buhay. Bakit mahilig mag-jaywalking ang pusa?

Sunday, August 26, 2012

My JOB after college



Good evening all readers! It is around 10 PM here in this Republic that I tenderly oppressed, skies are dark (obviously), not too many clouds, beautiful starry night. Before I begin this most divine article, I must stress out my deep grief with the death of one of my best disciples… Neil Armstrong. Requiescat in Pace, dear friend.

Now here is a letter that was sent to me via email. Such technology is beyond my knowledge, so entrusted my disciple, BCG, to send me the email. Here is the letter: (Click letter to enlarge)



















My Dear Jonathan,

As-salami Aylaykmen!

By reading your message, I have noticed that you are very… VERY much older than me. And I have concluded that your wisdom surpasses mine, but I shall give you my advice nonetheless.

It seems that you know exactly what you want. Your plans are solid, and you are confident of yourself. This is obviously good. I have researched you on almighty Google and have seen many of your pictures and noticed that you truly are a lover of beauty but is at the same time very practical.

You should tackle what you want to tackle my dear friend, if you plan to work for the public, for this great Republic, then I advise you to do so. And if you plan to tackle this wonderful habit of yours (photography) while waiting for the government to accept you, then I say do it.

Your future as far as I can see, is good my dear JOB. Do not waste yourself with the wants and tastes of others, but what YOU want, and what YOU crave for. I think I have met you on a past life my dear friend, and I will make an assumption that you have a strong personality. Use this, you have already built a strong foundation, as you graduate, you will begin to face new challenges as I am sure you are anticipating, do not falter, do not give in, face them head on, which I am sure that you will find easy to do with your unique head and all. Always humble yourself my dear friend, as one of my disciples once told me (Chan Charionne Chap), wa ching chang ding pa ma ling ling. It means “Pride will take you as far as you can see, but humility will take you places you’ve never dreamed of reaching.” That’s all…

And would you please do me a favor my dear JOB? Will you please send me a video of you singing the “Despicable Me 2 trailer” song before you graduate?

God bless you my friend! I hope this article proved FAVORABLE! I hope you share this wonderful experience with your friends so that I can give more advices to our dear Filipinos. Now I can continue with my scheduled nightly “hand relief” before I sleep.

Phrase of the day:

أنا أحب الملكة!
أنا مثير وأنا أعلم أنه!
لدينا نائب الرئيس الرجال أمثال الخارجية مع الأرداف الكبيرة

(Want some great advice from me, the great prophet? If so, email me at happytimespilipinas@yahoo.com.) 

Noy-films: Kidnap, Musical, at Indie








Ako ang taong walang hilig sa pagpunta sa malls. Astrovision at National Book Stores lang ang madalas kong hang-out sa Ayala o sa SM. Lalo nang wala akong taste sa panunuod ng pelikula. Once or twice a year lang ako manuod dahil mas trip ko ang facebook sa bahay kesa sa 3D Glasses sa Sinehan. AT MAS lalo nang wala akong hilig sa mga Pelikulang Pilipino.

Napapansin ko sa noy-films natin na pare-pareho lang ang ikutan ng istorya at nagkaka-iba lang sa mga pinili nilang artistang gaganap. Typical na ang pinoy films na mga sexy na artista ang gaganap kahit na sabog sa pag-acting pero papatok pa rin ang films. Basta cleavage lang solve na ang Pilipinas.

lights, camera, AKSYON!
Sa action films natin, madalas dyan ang bidang mahirap at naka-jacket na goons. Aapihin ang pamilya niya ng mga kontrabidang pinagkautangan niya at ihohostage. Habang nagpaplano si bida ay makikilala nya si Leading lady na hard-to-get pero mauuwi rin naman sa isang shamwow na bed scene.

Pupuntahan ng bida at ng leading lady ang paboritong hide-out ng mga antagonists: ang warehouse. Basta kontrabida nasa warehouse ka dapat. Hindi pwede ang aircon sa warehouse at dapat naka-jacket pa rin.

Kokornerin ng mga tauhan ni boss si bida pero isa-isa silang susugod para mabigyan sila ng mahabang exposure sa sinehan at para tumagal ang pelikula. Away, putukan, sapakan, at voila! Bida vs. Kontrabida na! Take note na always sa likuran ni kontrabida ang mga hostage at ang nakataling leading lady.

Habulan, barilan, mahuhulog ang baril, sapakan, konting lines para masabing may script writing department ang film, sapakan, State of the Nation Address ng bida, bugbog-sarado si bida, linya ni kontrabida, huling sasapak si kontrabida pero makakapulot ng baril si bida, Bang bang bang bus bang! Deadbol si kontrabida. Pero bago siya mamatay ay may kaunting joke line si kontrabida.

Mala-ringside commentator ako sa pag-describe sa climax ng typical pinoy action films. Pero hindi pa diyan nagtatapos dahil yayakapin nya ang pamilya at hahalikan si leading lady. Malalaman mo lang na ending na ng pelikula pag dumating na ang PNP. Always late.

Mga tipikal na PATAWAng pilipino
Sa comedy films naman ng pilipinas ay hindi mawawala dyan ang squatter's area bilang setting ng bida. Pati ba naman sa pelikula ay kinakawawa ang Pilipino. Ang number one na formula para bumenta ang pelikula ay dapat may kasamang child wonder at tatanga-tangang sidekick ang bida. Always na dapat yan.

Ang notable na eksena sa pinoy comedy films ay ang sayawan kasama ang leading lady pag pelikula ni Dolphy at ang 5 minute musical bilang transition sa ending at sa credits pag pelikula ni redford white o kung ang pelikula mo ay pinutakte ng mga bata.

Ano ang kinabukasan ng pelikulang Pilipino?
Wala. (Joke lang!) Ang kinabukasan ng pelikula natin maliban sa kada-taon na enteng kabisote, shake, rattle, and roll, at US-made films spoof, ay ang indie. Magaganda kasi ang storya dahil tumalon sila sa "comfort zone" ng typical Filipino Movies. Kadalasan ang mga indies all-star ang casts at binubuhos nila ang lahat kahit na hindi ito makaka-generate sa kanila ng kasikatan pero mapapahusay nito ang acting skills nila.

Napahanga ako sa indie film na Zombadings na ipinalabas ng Active Vista (Salamat po!) sa aming school. Hindi ito yung typical gay films kung saan makikita mong nilulunod sa dram ng tubig si roderick paulate at binubugbog ang 3rd sex. Kwela syang palabas pero hindi nawawala ang tunay nitong mensahe: Hangga't hindi salot sa lipunan ay pabayaan na lang. Minsan kasi nanghuhusga tayo ng mga bading dahil lang sa galit ang mga kaibigan natin sa kanila. Ikaw ba bakit ka galit kay Justin Bieber at sa One Direction? Dahil lang ba galit ang mga 9gaggers sa kanila?  Dahil sa pelikula na yan ay natuto ako na rumespeto sa kapwa Pilipino. Kaya sorry Jethro sa pang-aasar ko sa iyo. Naiintindihan ko na kayong mga 3rd Sex.

Kakaiba ang approach ng Zombadings pero hindi ko pa rin maintindihan kung bakit Zombadings 1 ang pamagat kung wala namang balak silang sundan ito. Medyo may mga awkward moments sa pelikula katulad ng mga parte ng kalalakihan na dapat hindi nakatayo, matinding halikan, at weird na language. Pero mas ok naman ito kesa naman sa mga pelikula ni Anne Curtis na puro conyo ang script.

Siya nga pala, hindi porket nanuod na ng gay-themed movie ay bading na. Pinanuod ko ito dahil maganda ang reviews, gusto ko naman makapanuod ng indie, at para makapasok ako sa isang air-conditioned mula sa isang nakakapagod na death march sa pag-tree planting.

Conclusion
Masarap kumain ng Pansit Canton with matching coffee twist pag madaling-araw habang nagbabad sa net.

Balik sa tunay na conclusion..

Pinapakita ng sine ang buhay natin in an artistic way. Palagi tayong hostage ng mga matinding projects at hirap ng buhay, madalas kinakanta natin ang lahat ng problemang lumipas, at dumadaan sa buhay natin na iniisip natin ang dream leading lady natin na kasayawan. Lahat tayo ay parte ng isang mala-"The Truman Show" kung saan lahat nang kasalukuyan at nagdaang kaganapan sa buhay natin ay "pinapanood" natin sa hinaharap. Tayo mismo ang pelikulang nag-didirek, nag-eedit, at nag-cacapture ng mga good at bad moments. Iba-iba ang genre ng buhay natin pero nagkakasundo tayo na ang writer ng The Prophet's Words ay Adult ang genre ng buhay nya. Mag-bagong buhay ka na!

Saturday, August 25, 2012

Keepers of the Sacred Blog







The recent article of my disciple, JRC, displays blasphemy to the highest extent. But nonetheless, I will be the better man, and apologize.  But I must correct his Arabic translation, the true translation to those mystic words are:

Jethro likes men,                 
Hey I just met you,
But here’s my phone number,
So call me,
Fadhli.
Sausage.

Now to begin this most divine article. I received an email asking the details of my disciples. Here is the actual letter:











Well my friend, I will begin with my most trusted disciple. He is the owner of this blog, BCG. Here is the following list of my disciples with their respective titles that THEY themselves chose.

-          The Most Charismatic and Perpetual Red Lion, Bryant Gonzales, Ph.D.

The Best- Countless facial expressions, streetwise, likes Flowers (very much), most trusted Disciple.
The Pest- Likes men, does not like video game consoles (prefers going to church).

-          The Majestic Pearl of the Orient Seas and Friend of Chinese Gaymen and the Prophet’s Dark Janitor, Jethro Rick Cagasan SVD.

The Best- Has an incredibly huge chest, likED flowers, and friendly (especially to hot men).
The Pest- Is an avid member and Chairman of Jollibee kiddie crew since 1999, likes to drink islarpee and bigalp, and likes the 1st year REP of his course.

-         The Demonic Keeper of The Prophet’s Secrets, Jade Melgazo Big Nose.

The Best- Has a big nose, in a relationship with twins, rich boy, lives in a yellow submarine.
The Pest- Likes to cook and eat vomelet, doesn’t wash his underwear and various panties of the land lady, SECRET.

-         The Annoying Small Manhood Chinese Dog-eating Genius, Jan Marionne Yap, Dean’s Lister.
The Best- Trustworthy, kind, obedient, cheerful, THRIFTY, brave, clean (only in some parts), and reverent.
The Pest- Eats dogs and cats, invented canned fetus, face is similar to Mao Zedong, likes claiming our things (ex. Straw, deodorant, and the whole Republic of the Philippines), doesn’t type his articles in Mandarin.

-         The Anti-Albino Phantom and General of the Prophet’s Guard, Christian Camay, Africanus Domesticus 
The Best- Immune to sunburn and skin disease, good at hunting unicorns, has floating eyes (when it’s dark), we can use his body for grilling for free and also for charcoal painting, always goes to school with high spirits.
The Pest- Disappears when light is absent, flawed political analysis (suggested by JRC), related to Mike Velarde.

I do have more disciples, but I cannot remember their names. Nor do I know if they truly are my disciples. If you wish to be my disciple, please call me at 09215111856 or email us at happytimespilipinas@yahoo.com

Phrase of the Day:
أنا الفضلي البو وأنا على استعداد للاستسلام حياتي مقابل إلى الألبوم جميع جاستن بيبر في.

أنا أحب اتجاه واحد، وأنا مفتون الأول لعصابات الصبي. أنا مثلي الجنس وأود تناول النقانق من الرجال السود لأنني أحب الرجال.

يثرون كنت تضيء عالمي لا مثيل شخص آخر.

وسوف تغيير المسار الفصل الدراسي المقبل. أريد أن أكون سباك.



About Me

My photo
Ako ang dahilan kaya binabasa mo ito.

Google Analytics