Pages

Ads 468x60px

.

Wednesday, August 22, 2012

Venerable Internet People


Click "like" if you love Jesus. Scroll down if you worship your electric fan. Yan na ang madalas na tumatambak sa news feed sa Facebook. Walang ginawa kung hindi "takutin" ang mga tao na mahal nila ang demonyo kung hindi mag-like sa picture ni Jesus. Paano ko ba naman ili-like ang picture ni Jesus kung ang katabi nya sa picture ay demonyo? Para ko na rin ni-like si Satanas o kung sino mang ka-mukha ng mga conyong tambay ng 7-11.

High-tech na ata ang mga Jehovah. Pati sa pintuan ng facebook kumakatok para kay Hesukristo. Pero huwag naman sanang sobrang praning para gumawa ng walang saysay na picture ni Jesus kasama si Satanas. Hindi naman kami magiging atheist kung mag-tetris kami sa facebook.

Sa mga mongoloid na tao na pumapatol pa sa mga ganyang attention-seeking na mga pakulo sa facebook, itigil nyo na. Wala kaming pakielam kung sobrang mahal mo si Jesus. Kasi hindi kami naniniwala na sobrang mahal mo ang Panginoon. Hindi yan nasusukat sa pictures na ni-like mo at sa na-share mo. Kasi kung hardcore believer ka ni Jesus aba ay dapat offline ka sa facebook at tumutulong sa mga mahihirap.

Sabihin na natin na simpleng like lang naman yan para hindi gawan ng issue. Pero hindi laruan ang relihiyon para magpa-sikat ka. Nakikinig ka ba ng homily? Alam mo ba gospel last Sunday? Ilan na bang mahihirap ang napakain mo? Hindi counted ang isang like sa votes na kailangan mo papuntang langit.

Marami ka pang magagawa para patatagin ang paniniwala mo. Yung inaaksaya mong oras sa pag-gawa ng pictures ni Jesus vs. Satan, pag-like sa ginawa mo, at pag-share dahil gusto mo sumikat, marami ka na sanang nagawang kabutihan. Pero pinili ng iba na magpapansin at pati ba naman clouds ine-edit?! Lord, tulungan mo sila!

Hindi ako atheist at agnostic at ginawa ko itong post. Twice nga akong nag-simba this week. Pero hindi rin yun dahilan para sabihin ko sa sarili ko na banal ako at may spot na ako sa langit. Marami pa akong kailangan gawin, maliban sa pag-gawa ng Jesus vs. Satan, na makakabuti para sa akin at sa iba. Hindi rin counted itong article para masabing katoliko ako at pinoprotektahan ko ang relihiyong kinalakihan ko. Hindi rin counted na gwapo ako dahil hindi naman ako gwapo.

Nagiging uto-uto ang tao para lang isampal sa buong mundo kung gaano DAW sila relihiyoso. Click like. Share. Comment. Instant Good Catholic na! Paano kung sabihin sa iyo na kailangan mong kumain ng bato para maipakita mo na kahit ano gagawin mo alang-ala sa nag-likha sa atin. Gagawin mo ba?

Ang pagmamahal sa diyos ay hindi isang interaction between the Lord and you. Dadaan ka muna sa maraming proseso, pagsubok, at gawa para makasama mo ang Diyos. Pero kung atat ka na makasama si Lord at ayaw dumaan sa proseso, inom ka slurpee tapos pasagasa ka sa EDSA.

About Me

My photo
Ako ang dahilan kaya binabasa mo ito.

Google Analytics