Matagal na rin ako nung huli akong nakapagsulat – hindi ko
na nga maalala ang buwan kung kailan may naiambag ako sa blog na ito. Sa huli
kong pagsulat at sa kasalukuyan na isunusulat ko, maraming nangyari sa buhay ko
na hindi ko inaakalang magiging parte ako o di kaya ay naagawa ko. Sa madaling
salita, nagging busy ako.
Isa sa mga kumain sa oras ko ay ang preparasyon ng grupo
namin para sa pagdaraos ng TEDx. Sa mga hindi nakakaalam, ang TEDx ay isang
pagpupulong sa larangan ng Technology, Entertainment, at Design. Ako ang punong
organizer (tree organizer) at masasabi ko talaga at ng ibang mga puno dyan na
pinuputol na hindi kadali ang pagkuha ng lisensya para makuha ang TEDx. Parang
Big Brother, Survivor, Amazing Race, at iba pang localized reality shows ang
TEDx na kailangan mong kumain ng uod sa hirap para lang makuha ang mga
nabanggit na programa. Ang pinaka-highlight ng TEDx ay ang mga speakers na
aming iniimbita para ilahad ang mga “Ideas worth Spreading” nila na dapat ay related
(ano Filipino ng related) sa aming tema na “The Butterfly Effect.”
Ngayon, bakit Butterfly Effect ang tema? Akala ng iba ay
selebrasyon ito ng LGBT. Hindi pero na-plano ko nung summer pa na imbitahin si
Arjay Mercado na kasalukuyan ay USC (SSC) President ng U.P. Diliman para ilahad
naman ang perspektibo ng LGBT Community sa aming tema. Yun ang tema kasi gusto
naming i-celebrate (ano Filipino ng celebrate?) ang mga naiambag o idea ng mga
speakers na kahit maliit lamang o hindi napapansin ay nakakaambag ng malaki at
tumutulong para i-hulma ang “Grand Picture.”
Nobyembre ko nakuha ang plano para mag-organize ng ganitong
event (ano Filipino ng event?) at nag-apply (ano Filipino ng apply?) para sa
lisensya sa TEDxCebu. Mag-isa akong nagplano at gumawa sa sponsorship kit pero
dumating ang ika- 17 ng Pebrero, ang event date, pero wala man lang akong
nakuhang tugon sa TEDx. Ang nangyari: gmailusername@yahoo.com
ang nakalagay ko at hindi gmailusername@gmail.com.
Kung hindi lang sa katangahan ko ay Pebrero pa lang ay may TEDx na sa Cebu.
Pero blessing in disguise din ang kapalpakan ko. Malapit ko
na sanang makuha si Lourd de Veyra at kung nagging speaker sya ay madali na ring
makuha si Ramon Bautista. Pebrero nung namatay si Tado kaya biruin nyo na lang
ang sakit sa ulo at coma na idudulot nito sa akin kung mag-decline sila sa
huling minute. Buti na lang diba?
Pebrero 17 din nung sinubukan kong kunin ang lisensya sa
TEDxUniversityofSanCarlos. Mas maganda ang application form ko at @gmail.com na
ang email address na isinulat ko. Isang linggo matapos kong ipasa ay sumulat sa
akin ang TEDx para sa isang interview sa Skype.
Biruin nyo, kauna-unahang interview ko sa buong buhay at kano
pa ang mag-iinterrogate sa akin. Trenta minutos ang interbyu at parang nasa
impyerno ako nung panahon na yun. Maayos naman ang interbyu – nasagot ko nga at
naidepensahan ko kung bakit “Trailblazing” ang tema sa TEDx. Ang kinabahan ako
ay paputol-putol ang paguusap naming dahil mala-dial up ang bagal ng broadband
ko.
Pero pumasa naman tayo matapos ang dalawang buwan na
paghihintay. TEDxUniversityofSanCarlos din ang kauna-unahang event na
ioorganize ko. Tinanong ko sarili ko kung paano ang isang inexperience
(Filipino ng inexperience?) na katulad ko ay makaka-organize nang isang matinding
event.
(Itutuloy kung may oras ako)